Chapter 16 - The Search is Over

3.8K 140 7
                                    

Chapter 16 - The Search is Over

Official Soundtrack - You Found Me by The Fray

Drake's POV

Mukhang ramdam ko na yata ang hirap dito sa pinasok ko eh. Kung marunong lang sanang makipag-cooperate ang Ice Princess na 'yan, eh di sana hindi na ako dumaan pa sa sitwasyong ito. Paano ko naman kaya matatagumpayan ang misyon ko kung siya mismo, iniiwasan ako. Tss.

Nasa cafeteria kami ngayon ng G4 nang may biglang babaeng sumigaw na para bang nakalunok ng megaphone.

"Guys! May nasagap akong chismis! Si Zoey daw ang Ice Princess? Hindi naman kapani-paniwala 'di ba?" she said, sarcastically sabay halakhak pa.

"A - ano?!" hindi ko makapaniwalang sinabi. 

Nasakal pa nga ako sa pagkaing kinakain ko eh. Paano ba naman kasi, sadyang kabigla-bigla naman ang anunsyo ng babae.

Then, commotions followed.

"OMG, hindi pa talaga siya naka'move-on ha?" 

"Aba'y nag-ambisyon pa ang nerd!"

"Mukhang mas malala pa yata ang tama nito kaysa kay Daphne ah?"

'Yan lang rin naman ang maririnig sa paligid. 

Anyway, si Zoey? Tss. Mukhang hindi rin naman yata kapani-paniwala 'yan. Kasi nga, masyadong baduy 'yun, at halos parang total opposite nga siya 'nung nakasayaw kong Ice Princess eh.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ang babae. Sumama na rin iba pang miyembro ng G4 sa akin.

"Ikaw ba? Nasaan mo nakuha ang kagulat-gulat na impormasyon na 'yan?" sabi ko na nakapamulsa.

"Narinig ko kasi sa comfort room, pero that doesn't matter, kasi nga hindi naman kapani-paniwala 'di ba?" sagot ng babae.

"Tss." I just chuckled at muli naman kaming naglakad ng G4 palabas ng cafeteria.

Nang palapit na kami sa may exit area, nakasalubong namin sina Zoey at ang mga kaibigan niya. I stared at her, while she gave me her cold stares. Napa-smirk tuloy ako.

"So, do you think maniniwala kami sa kwentong gawa-gawa mo?" sabi ko habang nilapitan siya.

"Well, paano kung sasabihin ko sa'yong ako talaga ang Ice Princess?" sabi niya, but I just chuckled in response. "Alam kong hindi ka maniniwala, 'di ba? So that just means na hindi ako ang may gawa ng lecheng rumor na 'yan." she said coldly at agad na naglakad papasok ng cafeteria.

Nilingon ko sila habang pumasok, and the G4 and I was about to go nang biglang may narinig kaming parang nagri-riot kaya napalingon ulit kami.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon