Chapter 23 - Frozen Heart

2.5K 127 3
                                    

Chapter 23 - Frozen Heart

Official Soundtrack - A Smile In Your Heart by Harana


Zoey's POV


Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang June pa, Masquerade Ball pa, pero akalain niyo naman, July na pala at heto, culmination na ng Nutrition Month, then susundan naman ito ng hell week.


Wait, mali pala.


Maybe it seems that time flies so fast, pero I was wrong. Ganito na ba talaga katigas ang puso ko? Well, sa dinami-dami ba naman nang nangyari from the ball up to now.


First was, napahiya ako sa ball nang dahil kay Drake. Worse is, tinakbuhan ko pa ang kahihiyan na hindi ko naman sinadya.


Then, pinaghahanap ako ni Drake, at hindi ko man lang alam kung ano ang pakay niya. Destiny seemed to make a move at 'yon nga, nahanap ako nang asungot na Drake na 'yon.


And just recently, hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Lalung-lalo na kay Drake. Like, what the hell is going on his mind. Hindi ko siya maintindihan. Akala ko kasi itinaboy na niya ako noon, pero why is he coming back.


Mas lalo pang gumulo dahil hinayaan ko si Lyndon na pumasok sa buhay ko.


Lastly, sa hindi inaasahang pagkakataon, humingi rin ng apology si Drake sa akin. Not just about the brawl that he had with Lyndon, kung hindi sa lahat ng mali na nagawa niya sa akin noon. Well, I didn't see that coming pero I still doubt his sincerity. Siguro, I need a strong proof na nagbago na talaga siya kaya hindi ko pa siya napatawad.


Mag-isa lang akong naglalakad from the Student Council room hanggang sa classroom namin. Habang naglalakad, pansin ko na ang fiestive aura ng campus, amoy na amoy ko na rin ang mga masustansyang pagkain at nagsimula na sa pagtatayo ng mga stall ang iba't-ibang organizations.


Busy na rin ang ibang Student Council officers sa pag-prepare ng stage, buti nalang at tapos na ako sa duty na inassign sa akin, kaya libre na akong gumala for the rest of the day.


Habang naglalakad, I suddenly bumped into Daphne and her friends. Well, kung naaalala niyo siya, siya 'yung babaeng patay na patay kay Drake. At dahil sa kanya, napilitan akong ligawan ni Drake. Tss.


"Oh, it seems like nag-iisa lang yata ang nerd ngayon," panimula niyang sabi. "Anyway, last night was a great show."


I just stared coldly at her at hinintay na umalis.


"Anyway, ano bang pakulo 'yon? Dahil ba natapos na ang Ice Princess issues, you're making something para maging buzz na naman?" dagdag niya pa.


"At sa tingin mo ba ikinatuwa ko 'yon? Of course not, lalung-lalo na dahil galing kay Drake," sabi ko dahil hindi ko na matiis ang bibig ng babaeng ito.


"Hmm, sa dinami-dami ng pwedeng pag-agawan dito sa campus, ikaw pa. The heir and the heartthrob, you're hooking them both, you're such a two-timer," sabi niya while walking around me.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon