Chapter 7 - Fast and Furious

10.3K 218 4
                                    

Chapter 7 - Fast and Furious

Official Soundtrack - Say Something by A Great Big World ft. Christina Aguilera

Drake's POV

Nakatambay lang kami ngayon ng G4 sa banister ng hagdan ng High School Building. Buti na lang at may meeting ang mga teachers, kaya libre naming gawin ang gusto namin. Freedom!

"So dude, usap-usapan na sa buong campus ang pagbabalikan niyo ni Athena. Sigurado ka na ba 'dun?" tanong ni Nathan.

"Bakit naman hindi, dude? Mahal ako ni Athena at mahal ko pa siya, kaya walang problema 'yun." sagot ko naman.

"Akala ko ba nagbago ka na since noong iniwan ka niya. Akala ko ba hindi ka na magpapaloko, pero heto ka na naman, closer to be being a fool once again." paliwanag ni Tyler.

"Nagbago ako noon, nang dahil kay Athena, pero I'm sure magbabago ulit ako ngayon nang dahil ulit kay Athena." sambit ko.

"Dude, wake up! Minsan ka na niyang sinaktan. Hahayaan mo lang ba ang sarili mong masaktan niya ulit?" sabi ni Lance.

Napatigil ako sa narinig ko. I guess that caught me off guard. Well, tama si Lance, Athena already hurt me before, but is she going to hurt me for the second time?

"Oh ano? 'Yan lang naman kasi ang ayaw naming mangyari sa 'yo eh, ang masaktan ka ulit." dagdag ni Tyler.

"Kaya kung ako sa 'yo, unahan mo na siyang saktan bago ka pa niya maunahan. Be fast and furious, dude!" sabi ni Nathan.

"Pero - " I was supposed to defend Athena, pero I guess mas tama sila. "Ta - tama kayo dude! Hindi ko siya dapat na hayaang saktan pa ulit ako. Hayaan niyo, babasagin ko puso't kaluluwa niya mamaya." I smirked.

"Iyan ang gusto namin sa 'yo, dude!" they said in unison and let out a smirk.

∞ ∞ ∞ ∞ ∞

The bell rang signalling for lunch time. I turned my head around lookig for Athena along the four corners of the room, but I didn't see her, not even her shadow. Kaya kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa para i-text siya.

Drake: Athena, nasaan ka ba? Sabay na tayong kumain. Alam mo, naging tayo na ulit, tsaka na-miss ko na rin 'to.

Hinintay ko lang reply which I received immediately.

Athena: Okay, magkita tayo sa hallway near the cafeteria.

Nang matanggap ko na ang reply niya, hindi na ako nagdalawang-isip na maglakad. Agad akong nagtungo sa hallway malapit sa cafeteria. Then nakita ko siyang nakatayo mag-isa. Well, may dumadaan-daan rin naman pero nag-iisa lang siyang nakatayo.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon