Chapter 24 - The Other Side

2.5K 116 4
                                    

Chapter 24 - The Other Side

Official Soundtrack - Earned It by The Weeknd


Zoey's POV


Today is Saturday at napag-isipan namin nina Chantelle at Stacey na mag-hangout kasi panigurado, stress lang ang aabutin namin the following week. Well, what do you expect, first periodical exam na next week, and everybody dubbed it as hell week.


Naghihintay na ako sa Krispy Kreme since dito naman ang pinag-usapan namin. I was slowly sipping my chocolate frappe while constantly checking my phone. After several minutes ay isa-isa na rin silang dumating.


"You know what, marami talaga tayong dapat pag-usapan," sabi ni Stacey sabay lapag ng inorder niyang mocha frappe and doughnuts.


"Te - teka, ano bang ibig mong sabihin?" I asked, clueless about sa pag-uusapan namin.


"Hmm, ikaw pa talaga magmamaang-maangan, kunware ka pa," Chantelle said teasingly.


Napabuntong hininga naman ako. Well, I guess I know where this is going. Mukhang 'yung tungkol kahapon siguro.


"By the way, nasaan ka ba after the event? Hinahanap ka namin ah? Tsaka nagtetext kami hindi ka naman nagrereply kagabi," sabi ni Chantelle.


"Good thing nacontact ka namin kaninang umaga," sabi naman ni Stacey.


"Pagod kasi ako, kaya umuwi nalang ako. Sorry hindi ako nakapagpaalam. And last night, dahil sa nga pagod ko, I slept without even charging my phone, so 'yon," pagpapaliwanag ko naman.


Umuwi nalang kasi ako nang hindi nagpaalam kahapon eh. Parang pagod na pagod kasi ako, physically . . . and well, emotionally. Kaya nga nakatulog ako right after eating my dinner eh. Pero scratch that, I'm done. I realized that Drake would stay that way, forever.


"Ah, okay, kalimutan na nga natin 'yon. Alam mo ba, you're the sweetest couple kahapon, ever! Grabe, akala ko wala ka talagang duet, pero may pakulo pa talaga kayong nalalaman ah?" sabi ni Chantelle at tinutukso-tukso na naman ako.


"Wala naman talaga eh, bigla nalang sumupot ang asungot na 'yon. Pati nga ako nabigla eh," sabi ko naman.


"Well, just so you, tinagurian pa nga kayong Singing Sweetheart ng Pacific International Academy eh!" dagdag pa ni Chantelle while giggling.


Habang kumakain ng doughnut ay muntik nalang akong mabilaukan sa sinabi ni Chantelle.



"What?! No way, we are not even sweethearts!" I said and immediately sip on my choco frappe.


"Well, hindi nga, pero you look like one. Sobrang sweet niyo talaga at saktong-sakto pa ang song choice niyo," tukso pa ni Chantelle sabay inom sa kanyang caramel frappe.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon