Chapter 14 - Foolish Hearts

6.6K 163 4
                                    

Chapter 14 - Foolish Hearts

Official Soundtrack – Jar of Hearts by Christina Perri

Zoey's POV

First thing's first! Early in the morning pa lang, kinuha ko na kaagad ang isang pares ng high heel na ginamit ko sa Masquerade Ball. 

When I took grip of it, tinitigan ko ito.

Pwes, Drake, kung ano man ang pina-plano mo, hinding-hindi ka magtatagumpay. 

Inilagay ko ito sa isang empty paper bag at sinimulan ko na ang daily routine ko tuwing umaga. Maligo, magbihis, kumain and gora na sa Pacific International Academy.

Nang amatapos akong kumain, agad akong nagmano kina mommy at daddy at tsaka nagpaalam na rin. Ngayon ko lang ulit nakasabay sila sa pagkain. Ang dami kasing appointments and business trips.

Agad kong ipinatawag ang driver para ihatid na ako sa school. 

Inihanda ko na ang mga gamit ko at tsaka naghintay sa sasakyan na pumarada sa front porch ng bahay. Habang hinihintay, kinuha ko muna ang smartphone ko para i-check kung may new messages ba. Meron nga, kaso lang group messages. Tsk.

Nang pumarada na ang sasakyan, ay agad naman akong sumakay sa passengers's seat.

Ilang minuto ang dumaan ay bumungad na rin sa paningin ko ang Pacific International Academy. Iginarahe ng driver ang sasakyan sa tapat ng Main Building at tsaka ako bumaba. 

"Good morning!" sabi ng isang boses the moment I step off the car.

My eyes searched sa kung sinuman ang nagsalita, pero it turned out na sa ibang babae pala.

Zoey naman eh! Feeler masyado!

I shook my head to clear out the thoughts ravaging inside my mind at nagsimula na ring maglakad patungo sa High School Building.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay may narinig ulit akong greetings.

"Good morning, beautiful!" sabi ng isang boses lalaki.

I didn't bother turning my head. For sure naka-address na naman ito sa ibang tao. Magmumukha tuloy akong feelingera, which is not at all naman talaga.

"Oy, Zoey, ang others mo na ha?" sabi ulit ng boses.

Wait, did he just say my name? Nako! Baka sa akin nga naka-address ang greetings na 'yon! Haha!

Agad akong lumingon and I saw kuya Lyndon standing from behind. I turned to face him.

"Nako, sorry! It was not my intention to ignore you or deadma you!" I said in a childish tone.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon