Chapter 15 - Mistaken Identity

6.6K 149 34
                                    

Chapter 15 - Mistaken Identity

Official Soundtrack - Find You by Zedd ft. Matthew Koma and Miriam Bryant

Drake's POV

Hindi ako makapaniwala na ang hinahanap ko palang Ice Princess ay si Daphne. Well, hindi naman talaga kasi kapani-paniwala. Pero kung sino man ang totoo at tunay na Ice Princess na nagbigay sa kanya ng isang pares ng high heel, malalaman ko rin. Nararamdaman ko na malapit ko na siyang makita, at pakiramdam ko nasa paligid lang siya.

Pero ang ikinatataka ko lang, halos lahat ng babae handang makipag-agawan sa posisyon ng Ice Princess, maliban sa kanya. Babae nga ba talaga 'yung nakasayaw ko sa Masquerade Ball at hindi man lang siya nakuha sa charms ko? Tss.

"Dude, mukhang mahihirapan ka yata sa mission mo. Eh si Daphne lang naman pala kasi ang magiging prospect mo." sabi ni Nathan sabay tawa.

"Tss, naniwala ka pa 'dun? Alam naman natin kung gaano siya kadesperadang mapasakanya ako 'di ba? Tsaka sana, sinigurado niya munang walang butas tayong malulusotan the moment na umamin siya bilang the Ice Princess." sagot ko naman.

"Kung sa bagay." sagot niya naman.

"Oo nga, tsaka alam naman nating hindi kasya sa kanya 'yun 'di ba?" sabi ni Tyler sabay tawa. "Well, ano kayang pangbo-blockmail ang ginawa niya doon sa tunay na Ice Princess, 'di ba dude?" dagdag niya pa at nakipag-high five sa akin.

"Pero anyway, malalaman rin natin kung sino ang totoo at orihinal na Ice Princess na 'yan." sabi naman ni Nathan. "Ikaw ba Lance, what do you think?"

Sabay-sabay naming ibinaling ang mukha namin kay Lance na kanina pa yata tahimik na nakatayo sa sulok habang nakapamulsa.

"Alam niyo, sa tingin ko, we should stop this." he said in a serious tone.

Nabigla kaming tatlo sa sinabi niya? We furrowed our eyebrows at tinignan kung seryoso nga ba si Lance sa sinasabi niya. Pero hindi nagkakamali ang mga mata namin, he's really serious about what he said.

"Dude, nababaliw ka na ba? We're having fun nga 'di ba?" sagot naman ni Nathan.

"Oo nga, tsaka don't worry, hindi naman labag sa kalooban ni Drake na gawin 'to. 'Di ba Drake?" sabi ni Tyler.

"Well, ano pa bang magagawa ko? A deal is a deal!" tangi kong naisagot.

"See? 'Wag ka ngang KJ d'yan, dude!" dagdag pa ni Tyler.

There's something I really notice about Lance, pero I just can't figure it out.

"Maybe for Drake, or for us, it would be fun. Pero ano kaya ang mararamdaman ng Ice Princess na 'yan the moment Drake breaks her heart?" pagpapaliwanag ni Lance.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon