Chapter 32 - Sound of Silence

984 22 4
                                    

Chapter 32 - Sound of Silence

Official Soundtrack - Locked Away by R. City ft. Adam Levine


Drake's POV


When I reached the coliseum, agad akong nagtungo sa dugout ng team namin. Napagsabihan ako ng kaunti ni coach, pero pinalusot ko lang ito sa kabilang tainga ko.


Pinapunta na ni coach sa basketball court ang team pero naiwan muna kaming G4 sa dugout.


"Mukhang successful yata ang plano ng kaibigan natin ah?" sabi ni Tyler sabay akbay sa akin.


"Sabi ko nga sa inyo 'di ba, hindi ako matitiis ng Ice Princess na 'yon," I chuckled.


"Well, mukhang ang lakas mo talaga kay Zoey 'no?" dagdag naman ni Lance.


"Ako pa," I said habang inilabas ko mula sa bag ang jerseys ko.


"Sinigurado mo rin ba na pupunta si Zoey sa basketball game natin ngayon? Eh wala ring silbi if at the end of the day, sa Soccer game naman ni Lyndon pupunta si Zoey," Nathan said.


Shiz.


Naisip ko tuloy ang hawak-hawak na ticket ni Zoey para sa Soccer game ni Lyndon. Pero bakit naman ako mag-aalala, eh binigyan ko rin naman siya ng ticket for our Basketball game.


"Guys, pinatawag na kayo ni coach, sa court na daw," sabi ng isa naming teammate mula sa pintuan.


Lumabas na silang tatlo habang naiwan naman ako sa loob. Pagkatapos kong magbihis ng jerseys, agad na rin akong sumunod.


Nang lumabas na ako sa basketball court, halos dumagundong sa hiyaw ang mga tao sa paligid. Well that explains kung bakit tinagurian akong Prince of the Griffins.


Sa dinami-dami ng taong gusto akong makita, there's only one person na gusto kong makita ako playing tonight. I scanned the crowd but there seems to be no clue of her existence in the coliseum.


Pinalinya na kami ni coach to take turns in shooting the ball, pero bumabagabag pa rin sa isip ko si Zoey.


I shook my head nang hindi ko na'shoot ang bola. Unlike any other warm-up, this time, wala lang talaga ako sa tamang focus.


"Drake, akala ko ba nag-usap na tayo? Come on, you're the reigning MVP, don't let it slip away," sabi ni coach as I positioned in the line once again.


Pero kahit na pinagsabihan ako ni coach, sumablay at sumablay pa rin ang mga attempts ko to shot the ball. This is not good Drake.


It was 7:00 PM when the game finally started.


The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon