Chapter 15

7.2K 211 5
                                    

Chapter 15

Great. Just Great. It was Queenie all the time. Siya ang pulang lobo kanina na umatake sa dalawang lalaki. Member ang dalawang lalaki na iyon sa LMO, may balak ang mga ito na dakpin ako sa hindi ko malaman. I don’t have a clue why they want me as much as they want from my twin. And thanks to Queenie na hindi iyon nangyari pero, seriously, hindi ako makapaniwala na lobo siya. Sure, napansin ko na kakaiba siya pero akala ko ay kagaya siya ni Blake!

Apat kaming lahat na nakaupo ng pabilog doon sa bilog na mesa. Maliban kina Queenie at Blake ay nandito din si Tyson. Nagising kasi siya sa ingay na nilikha sa labas kaya lumabas na siya sa kanyang sariling kwarto.

“So let me get this straight, si Blake ay Wizard. Si Queenie ay Werewolf tas si Tyson naman ay…Esper? Anong Esper?”

“Parang psychic or a person has a supernatural abilities. Nagtataglay kami ng iisang abilities pero special ako dahil kaya kong mag-teleport at kaya ko din ang kenitec.”

“Oh okay. So ang dami ko naman walang alam tungkol dito.”

“Dahil tanga ka.” Walang modo talaga ang batang ito! Akmang pingutan ko sana siya pero naunahan ako ni Blake. Huh?

“Aray!” Daing ni Tyson.

“Kung maari lang sana kung wala ka naman magandang sasabihin ay itikom mo na iyang bibig mo. Gusto mo bang gawin kitang palaka?” Banta ni Blake, nangingisi naman si Queenie na siniko ako. She was wagging her brow na tila ba tinutudyo ako kay Blake. Inirapan ko lang siya, ano ba’ng problema ng babaeng ito? No wonder na minsan ay naiisip ko na para siyang aso, tsk! Iyon nga lang lobo siya.

“Haha! Gawin mo lang, baka hindi mo natandaan muntik ka ng mamatay dahil sa akin. Isa akong napakamatalinong Esper sa Organisasyon namin!”

“Bata, nagkataon lang na pagod na ako ng panahon na iyon pero para mapatunayan na mali ka sa inaakala mo ay…” Isang pitik ay naging malaking palaka si Tyson. Bigla akong napatili, nakakadiri ang palaka! Lalo na iyang namamasa ang katawan nila!

Tawa lang ng tawa si Blake. Enjoy na enjoy sa ginagawa niya!

“Ibalik, kokak, sa dati kong anyo, kokak!”

“Magdusa ka muna bago kita ibalik, bata.”

“Grr—kokak! Kokak!”

Dahil sa hindi ako makatiis ay hinampas ko ang kamay sa mesa kaya naagaw ko ang attention nilang dalawa. “Tumigil na nga kayo! Imbes na mag-seryoso kayo dahil sa sitwasyon natin ay puro kalokohan ang ginagawa ninyo!”

“Oo nga, Master!”

“Isa ka pa!”

Crimson Night (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon