Chapter 26

4K 145 3
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

(BLAKE CERVANTES)

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Kid sa akin. Nang lumingon ulit ako sa kanila ay nakita ko si Mark na siniko ang braso ni Kid.

"Hindi pa ba obvious? Dumadamoves na siya!" Napapailing na lamang ako sa pinagsasabi nila. Kahit anong sita ko sa kanila ay hindi nakikinig. Lumapit ako kay Savannah. She was totally busy herself reading her book. Napansin niya ata ako kaya inalis niya ang tingin sa binabasa at tumingala sa akin. Namilog ang mata niya na at namumula na naman and I really find it cute though. Ganyan siya parati kapag nilalapitan ko kaya nga mas lalo lumakas iyong loob ko na mapalapit sa kanya.

"M-may kailangan ka, Blake?"

"Tapos ka na bang mag-lunch?" Yeah. I know napakabaduy nung tanong ko. May thirty minutes pa naman natitira bago ang klase eh. Medyo kinakabahan kasi ako nang mga oras na yun. Pakiramdam ko any minute ay baka may susulpot na naman yung tao na parati akong pinipigilan sa mga plano ko.

"Ha?" Napatanga na naman siya. "Ahm... Hindi pa eh." Parang nabuhayan ako ng loob doon sa sinabi niya. Yes! Pagkakataon ko na ito. "Err...bakit?"

"Great! Gusto ko sana imbitahin para mag-lunch."

"BLAKE!" Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ang matinis na boses na nanggagaling sa labas. "I'm free today, wanna have lunch with me?" Nang lumingon ako ay nakita ko na nakangiti ng mapang-akit si Bella.

"Sorry, Bella, pero may kasabay na ako. Next time na lang." Sagot ko at nung bumaling ulit ako kay Savannah ay nakayuko siya.

"Naku, Blake, huwag na. Busog pa ako eh. Sumabay ka na kina Bella." Mahinang sabi niya.

Anak ng tokwa naman itong si Bella o!

Alanganin na ngumiti ako. "Sigurado ka?"

"Oo. May exam kasi tayo ngayon kaya kailangan ko mag-review."

Wala din ako nagawa kundi umalis na lang. Nawalan na din ako ganang kumain pero sumama ako kay Bella. Not because I am planning to join her in lunch. "Bella naman eh." Yamot na simula ko. Pansin ko kasi whenever I ask Savannah on a date ay parati talaga siya sumusulpot. Ayokong mag-isip ng masama dahil kaibigan ko siya.

"Anong gusto mong kainin ngayon? Alam mo sabi nang kaibigan ko may bagong me-"

"Bella, pwede bang tigilan mo na ito?"

Napadta siya sa narinig. "What do you mean by that, Blake?"

"You know what I mean, Bella! From the beginning I know that you know I don't feel the same way to you. May iba akong mahal."

"Sino? Yung babaeng yun?" Medyo tumaas ang boses niya. Dumilim iyong paningin niya na nakatingin sa mga lupa.

Huminga ako nang malalim. "Yes. Kaya pwede bang huwag mo sirain yung diskarte ko?"

May binulong siya na hindi ko narinig pero 'di ko na lang pinansin yun. Maya't maya ay ngumiti siya nang kay tamis sa akin. I know that she was faking it. "S-sige." Sumunod na araw ay hindi nagparamdam sa akin si Bella at sinimulan ko na niligawan si Savannah. Mailap sa akin ang dalaga kaya naman pinagsikapan ko talaga ang panliligaw sa kanya, hindi ganun kadali na mapasagot siya lalo na't kilala ako sa school namin na playboy. Iniisip niya na baka niloloko ko lang siya pero papatunayan ko sa kanya na totoo iyong naramdaman ko sa kanya kaya nga pinagsikapan ko ang pagsuyo sa kanya. It was not like me, kapag ako kasi ay gugustuhin makuha ay madali ko lang makuha yun. Hindi ko na kailangan magsikap pero sa kanya? Doon ko lang naranasan na maghirap na makuha ang gusto ko kaya nga nung ilang buwan na pagsusumikap ko na ligawan siya ay laking tuwa ko na tinawagan niya ako for the first time. May importante daw siyang sasabihin sa akin kaya gusto niya na makipagkita kami sa dati namin tagpuan kung saan ko siya parati dinadala.

Crimson Night (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon