Chapter 27

4.2K 138 5
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN

(SAVANNAH BLACKSHIRE)

"Tigilan mo na ako, Blake. Alam ko na challenge lang ito para sa'yo dahil hindi ako kagaya nang mga babaeng dumaan sa buhay mo na madali mong mapapaikot." Sabi ko sa kanya. Nung makatagpo ang landas namin sa Louvre Museum, pumunta lang ako doon dahil gusto ko makapag-isa. Inis naman kasi si Papa. Hindi na naman niya tinupad ang hiling ko na gusto ko pumunta sa france na mag-isa lang. Simpleng hiling ko lang ito tas sasama pa? Ayaw niya siguro tuparin yung gusto ko. Kagaya noon, sinabi ko sa kanya gusto kong kumuha ng biology ngunit ayaw ni Papa dahil mas maganda daw na business ad ang kunin kong kurso para daw ako na ang mamahala sa kompanya niya. Seriously?!

"I don't see you as a play thing, Savannah. Kung ganun nga ang motibo ko eh di sana hindi na ako manliligaw sa'yo." He's handsome alright. Para siyang anghel pinadala sa akin ng Diyos. Makalaglag ng panty ang kagwapuhan niya. Una ko palang kita niya noon ay ang bilis na nang tibok ko. Akala ko nga ay hindi na kami magkikita pa pero parang pinaglaruan kami ng tadhana dahil naging classmate ko siya sa mga minor subject ko. Minsan inisip ko na baka stalker ko siya. Kung ganun ay baka ang haba na nang hair ko! Yie!

Pero hindi eh. Hindi pwede. Kahit na kakaiba ang naramdaman ko kapag kasama siya ay hindi pwede lalo na at may Bella na umaaligid sa kanya.

"Just wait and see. I'll prove it to you na seryoso ako." Nakangiting sabi niya bago nagpaalam sa akin. Ang tindi ng tibok ko nung sinabi niya yun. Seryoso daw siya? God!

Hindi ko mapigilan na mapangiti. May maliit na parte ng pagkatao ko na excited sa gagawin niya. Paano kaya niya ako susuyuin?

"Cast off that grin of yours, Blackshire." Napalis yung ngiti ko ng tumambad sa harapan ko si Bella. Paano nangyari yun? Hindi ko nga narinig o naramdaman na may palapit sa akin ah. Kilala ko siya dahil minsan nanalo iyan sa Ms. Intramurals Day two months ago. At hindi rin maikakaila na patay na patay siya kay Blake. Kahit kasi pumunta o lalapit sa akin si Blake ay susulpot siya na parang kabute kagaya ngayon.

"Bella, m-may kailangan ka ba?" Nakahinga ako ng maluwag nang hindi niya kasama ang kanyang mga alipores. Parati na lang kasi nila ako pinagtutulungan.

"Oo, hindi ba sinabi ko sa'yo na layuan mo na siya? Bastedin mo kung maari na din! Dahil kung hindi you'll regret it." Naningkit ang mata ko. Oo, parati niya ako pinagbabantaan para lang makuha ang gusto niya. Isa yun sa dahilan kaya ayoko bigyan ng pagkakataon si Blake na ligawan ako. Oo. Gusto ko maranasan kung pano ligawan ng isang kagaya ni Blake na hearthrob ng school namin pero pano naman mangyayari yun kung may bruha?

"Sinikap ko naman eh." Nakayukong sabi ko sa kanya.

"Well, it's not enough. Kung saktan mo ay gawin mo. Better hurry, my patience is too short. Kahit na wala ako ay alam ko kung anong pinagagawa mo." Yun lang at nagmartsa palayo sa akin.  Daig ko pa ang nasa telenovela!Pero pano ko gawin yung gusto niya? Parang may kumirot sa aking dibdib habang iniisip ko na saktan si Blake.

Ilang araw din ang nakalipas, sa mga araw na yun ay hindi nagpakita sa akin si Blake. Hindi kaya sumuko na siya?

Nandito ako ngayon sa Rose Garden, ever since na dinala ako ni Blake dito noon ay naging paborito ko na ata itong lugar. Mahilig din kasi ako sa mga roses kagaya ni Mama.

"Kainis naman oh!"

"Miss mo na ako?"

"Ay butiking dukha!" Bigla ako napatalon ng sumulpot sa likod ko si Blake. God. Ano ba naman iyan! parati na lang! Pareho lang sila ni Bella na sumusulpot na parang kabute! Argh! Pero in fairness huh? Mas lalo ata siyang gumwapo sa paningin ko.

Crimson Night (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon