Chapter 20

5.5K 178 6
                                    

Chapter 20

SAVANNAH’S POV

Hindi ko alam kung malas ba ako ngayon araw o swerte. It turn out kasi, yung tumulong sa akin ay walang iba kundi si Mr. Fertig. Lyman Fertig. Wala din kahirap-hirap na close ko ang deal namin. Malayong malayo sa isipan ko ang ugali ni Lyman,  akala ko kasi strikto at mahirap eh please. Yun pala hindi.

Nung matapos na ang meeting namin ay lumabas na kaming lahat, sumabay siya sa akin sa paglalakad. Sa hindi ko inaasahan ay bigla akong tinanong ni Lyman. “I was wondering, are you somehow related to Hiram Blackshire?” Biglang nanuot ang lalamunan ko nang marinig ko ang pangalan ng ama ko.

Nang makabawi na ako sa pagkagulat ay sinagot ko siya. “His my father.”

“Really? Hindi ko inaasahan na makikita ko ang anak niya. Ito ba ang tinatawag na tadhana?” Nakangiting sabi niya sa akin. Hindi ko mapigilan na mapapailing sa kanya, ang corny naman eh. Paano naging tadhana yun? If I know, kilala niya si Papa dahil kilala ang ama ko sa business world.

Matapos ang mahabang lakad namin palabas ay humarap ako sa kanya. “Salamat nga pala ulit.”

“No prob. Ikamusta mo na lang pala ako sa Papa mo. I heard some news that he was sick and confine in the hospital.”That was the last word Lyman said, parang nag-echo yung sinabi niya sa akin. Si Papa may sakit at ngayon ay nasa hospital? Napahigit ako ang aking hininga at tila kahit anong pilit isiksik sa akin isipan ang katotohanan ay ayaw parin ko parin paniwalaan. Kahit na malaki ang disgusto ko sa decision niya noon magpakasal sa ibang babae, matapos mamatay si Mama ay di ko parin maiwasan mag-alala sa kanya. He’s still my father kahit pagbaliktarin pa iyan. Hangang sa pinuntahan ko na ang bahay ni Blake para kunin ang kambal. Pinapasok ako ng katulong sa loob at tinanong kung saan sina Blake.

“Nandoon po sa opisina si Sir Blake kausap ang kanyang ama. Gusto niyo po bang ipaalam ko sa kanya?”

“Sige. Para maipagpaalam na kami ng anak niya. Ang kambal?” Napag-isipan ko na bisitahin si Papa sa ospital, for the first time ay gusto kong makita si Papa at alamin ang kanyang kalagayin. Even if it means to see my step-mom. Ugh. Isipin ko palang na makita ang babaeng yun ay parang may kung anong umalsang inis sa dibdib ko.

“Nasa likod ng bahay, naglalaro.”

Tumango na lang ako tsaka nagtungo sa likod ng bahay. Naabutan ko ang kambal at sa di ko gulat ko ay nakita ko sila kasama ang babae. Kinakausap ang anak ko! Anong ginagawa niya rito!? Ay hindi pala, dapat kong sabihin anong ginagawa niya sa anak ko?!

Narinig ko pa ang sinabi niya. “I’m your father’s fiancee. So you can call me, Mommy.” Mommy?! Taas baba ang dibdib ko sa galit nang marinig ko yun mula sa makapal na labi ng bruhang Bella.

“No way! You lying! Dad’s married to our Mommy!”

“Yeah! We would neva call you Mommy because yeor ugly!” Segunda pa ni Devon kay Dedra. Naningkit ang mata ni Bella na yumuko siya at hinawakan ang balikan ng dalawa.

“Believe me or not, still ako parin ang pakakasalan ng Daddy niyo. They were lying to you, hindi sila kasal at nabuo lang kayong dalawa dahil sa isang pagkakamali!” Namamasa ang mga mata nina Devon at Dedra sa narinig. That’s it!

Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kanya, hinablot ko ng madiin ang braso niya at marahas na pinatayo. “Kahit bata ba naman pinapatulan mo?”

Marahas na pumiksi si Bella tsaka nang-uuyam na tiningnan ako. Tumakbo sa likod ko ang kambal. “Why? I am just telling the truth. Mas mabuti na imulat sa katotohanan ng mga batang iyan na hindi kayo ni Blake kundi ako!”

“Hindi totoo iyan!” Nangingiyak na sabi ni Devon.

“Devon, Dedra, pumasok muna kayo sa loob ng bahay. Mag-uusap lang kami ng babaeng ito.” Kukontra pa sana sila pero wala din nagawa kundi tumakbo papasok. “Baliw ka ba?” Mayroon na nga akong problema dinagdagan pa!

“I am just taking what’s mine.”

“Walang sa'yo, Bella. Remember? Si Blake ang gustong makipaghiwalay sa'yo. Bakit ba kailangan mo pang idamay ang mga bata ha?” Nanginginig ang aking mga kamay, hindi dahil sa takot kundi sa kumukulo na ang dugo ko sa galit sa kanya.

“Idamay? Dear, dahil sa kanila ay ayaw na akong pakasalan ni Blake! Dahil sa kalandian mo ay di ito mangyayar—ah!” Sinampal ko siya ng ubod ng lakas kaya napabaling ang kanyang mukha. Matalim ang kanyang titig na pinukol sa akin habang sapo ang kanyang nasaktan pisngi. Ilang sandali ay namilog ang mga mata ko, when I felt something squeezing my heart.

Sinapo ko ang aking dibdib at dahil sa di ko kaya ang sobrang paninikip sa dibdib ko ay napaluhod ako. Pinagpapawisan ng malapot. “Haa!”

“You mess up with a wrong person, Savannah. Dahil sa'yo ang pangarap ko ay nasira! I’d been dreaming to be married by him! I love him! I wait for him to came back for me and realize he made a mistake at di niya ako kayang iwan. But I was wrong! Bakit kailangan mo pang magkita ulit at agawin siya sa akin?! Ilang araw na ang nakalipas mula ng hiniwalayan niya ako, alam mo ba kung gaano katindi sakit ang naramdaman ko?!” Kinuyom niya ang kanyang kamao at madiin inilapat sa dibdib niya at umiiyak. “Ginagamit mo lang si Blake because you yearn for a perfect family that you can never have.”

You’re wrong! I want to shout at her, she was wrong. Pero di ko magawa dahil nahihirapan na ako sa paghinga. “I—“ Magpapatuloy pa sana si Bella kaso may kung anong pwersa na tumama sa kanya at natumba siya sa lupa. Doon lang nawala ang paninikip ng dibdib ko.

“B-blake?”Usal ni Bella.

Hinahabol ko pa ang aking hininga nang naramdaman ko ang dalawang kamay na humawak sa balikat ko at dahan-dahan pinapatayo. Nang nag-taas ako ng tingin ay nalaman kong si Blake pala yun. “Are you okay?” Bakas sa mukha niya ang pag-alala.  Kahit na nanghihina ay tumango na lang ako. pagkatapos niyon ay masamang tiningnan niya kay Bella. “Bella, didn’t I already warn you not to lay a hand on my family especially to Savannah?!”

My Family especially sa akin? Shit! Kahit na ganito ang sitwasyon ay kinikilig ako!

“P-pero!” Magda-dahilan pa sana si Bella pero pinigilan siay ni Blake.

“Shut up! Enough with your excuses! Kung hindi pa sinabi sa akin ng anak ko ang tungkol dito ay ano sa tingin mo mangyari, ha? Bella? You’ve almost kill my woman!” Nangungugat ang kanyang leeg na sinabi niya iyon. “You know, it’s against the rules to use magic against mortal people.”

Kitang-kita ang sakit na naramdaman ni Bella, tumayo siya, pinahid ang kanyang mga luha. “Bakit kay dali mo lang ako ipalit sa babaeng iyan? Wala ba akong puwang sa puso mo?”

“Dahil hindi kita mahal. Akala ko okay lang na magpakasal sa'yo but I was wrong. Hindi ako magiging masaya sa'yo kundi sa mag-ina ko.” Yun lang at humihikbing tumakbo si Bella palabas ng bahay. Bumaling sa akin si Blake, gulat ko nalang ay hinala niya ako palapit at niyakap ng kay higpit. Bakit ganito si Blake? Hindi ko siya maintindihan minsan. Nung una ay ayaw niya sa akin and now he act like he was so much concern to me. I get it. Kung sino man siguro ay mag-alala pero iba ang pinapakita niya sa akin.

Kung kanina ay si Lyman ang night in shining armour ko nang muntik akong masagasaan ay wala akong naramdaman kundi relief at masaya dahil tinulongan niya ako pero si Blake? Parang pinaghalo ang saya, takot at kilig na di ko na maintindihan.  Dahil sa ginawa niya, he made me realize something. Isang bagay na kinakatakutan ko.

“Blake…bakit mo ba ito ginagawa sa akin? Bakit pinaparamdam mo sa akin na special ako? M-mas mabuti pang lumayo ka na lang sa akin, hindi mo ba inisip na baka gusto kong gamitin ka para mabuo ko ang perpektong pamilya na gusto ko para sa anak ko?” May kung anong ala-ala na sumagi sa isipan ko—isang imahe ng lalaki, malabo ang hitsura niya at sinabihan niya. ‘I always look at you from afar and seeing you hurt made my heart ache.’ Namimilog ang mga mata ko, ang boses na yun…

Pero mas lalo akong na gulat sa sinabi ni Blake.

Crimson Night (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon