Chapter 32

3.8K 122 3
                                    

CHAPTER THIRTY TWO

(SAVANNAH BLACKSHIRE)

Pag-uwi namin sa bahay ay napapansin ko na mainitin ang ulo ni Blake. Alam ko kung bakit. Dahil lang naman kay Lyman Fertig. Hindi ko lubos akalain na isa pala siyang werewolf. Fantastic! Bulto-bulto na talaga ang nangyayari sa akin. Lapitin ako ng mga supernatural people.

Anyway, mula kasi na magkita kami ni Lyman kanina ay doon na nagsimulang kumulo ang dugo ni Blake sa lalaki. Panay kasi salita ng tadhana daw na nagkita kami at lapit ng lapit sa akin hangang sa dumating kami sa prison ni Jackson. Minsan kinikilabutan ako kay Lyman. Alam ko naman na mabait siya at minsan na rin niya ako iniligtas sa kapahamakan kaso nga lang, ang problema ay yung reaksyon niya. Hays.

Nang makarating kami kanina sa loob ng kwarto kung saan nakakulong si Jackson ay wala parin malay, mukhang wala kaming makukuhang impormasiyon sa kanya. Pansin ko na nadagdagan ang tanda niya ngayon kesa noong una ko siyang nakita.

Sinulyapan ko si Blake. Tahimik lang na nakaupo sa sofa. Kapag magpatuloy pa ang ganyang attitude niya ay hindi ako mapakali na umuwi sa amin. Nakapag-decision na ako noon na uuwi na ako kay Daddy. May dapat akong malaman. Ano ba talaga si Mommy?

"Blake." Tawag ko sa kanya.

"What?"

"I think I'm going back." Deretsong sabi ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Going back to where? Sa dati ninyong bahay ng kambal?"

"Hindi, Blake. What I mean is, I'm going back to my father. Naalala mo yung sinabi ko noon? Gusto ko malaman kung ano ba talaga nangyari noon. Pakiramdam ko ay may kinalaman siya sa mga nangyayari sa akin ngayon."

Ilang minuto din hindi siya nagsalita.

"Then, I'm coming with you."

"What? No. You can't. Paano na lang sina Devon at Dedra?"

"Isasama natin sila. Besides, kaya ko naman kayo dalhin doon."

"Malayo yun. Nasa london siya ngayon." Tiningnan niya ako na tila nagsasabi 'Seriously? Wala kang tiwala?'. Oo nga pala, kaya talaga niya kaming dalhin dun na hindi na kailangan bumili ng ticket o ano pa man. "Sige na nga." Suko ko sa kanya.

"Good. Pero bago pa tayo pumunta sa Papa mo ay magpahinga muna tayo. Let's go." Hinigit niya yung kamay ko.

"Ha? Iuwi mo na lang ako sa bahay ko, Blake."

Kumunot ang noo ni Blake nang lumingon siya sa akin. "What? May problema ba?"

"Wala naman pero gabi na. Ba't hindi ka na lang dito matulog? Isa pa, nandito rin naman ang kambal. Baka hanapin ka kapag magising na sila." Kunsabagay ay may punto naman si Blake kaya pumayag na lamang ako. Hindi nagkalaunan, habang patungo kami sa isang guest room ay bigla kaming nakarinig ng kalabog sa isang kwento na kinaruunan ng kambal. Rinig na rinig dito sa pasilyo ang tili ni Dedra. Hindi kami nagpatumpik pa na pinuntahan ang kwarto nila. Tumambad sa amin paningin si Dedra ay lumulutang na natutulog, nakapaikot dito ang mga kagamitan kagaya ng upuan, bedsheet at iba pa. Sapo ang sintido ko.

Naglakad ako patungo sa kanya at hinigit ang kanyang paa para hilain palapit sa akin. "Baby, wake up." Marahan tinapik ko sa pisngi si Devon. Marahan naman nagmulat si Devon, ang mga kagamitan na lumulutang ay nagsibalikan sa dating position.

"Momma! Papa! Devon is soo bad! She did it again! When po siya stop ganyan?" Nanghaba ang nguso ni Dedra.

"Again?" Naguguluhan sabi ni Blake na bumaling sa akin. Tinanguan ko siya bago magsalita.

Crimson Night (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon