Chapter 31

4K 123 2
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

(SAVANNAH BLACKSHIRE)

Napabalikwas ako sa kinahihigaan. Saan ako? Inilibot ko ang tingin. Pamilyar yun sa akin pero bago pa ako mag-process ng maayos itong isipan ko ay bigla na lang may yumakap sa akin na dalawang pares na maliit na braso.

"Momma!"

"Huh?"

"Okay na pow ba kayo?" Sina Dedra at Devon lang pala yun. "Alam niyo pow! Miss na miss na pow kayo namin!" Ginantihan ko sila nang yakap. Akala ko ay hindi na kami makakalabas ni Blake doon sa bahay ni Demetria. Pero sino ba yung batang babae? Ah, di bale na nga lang. Tapos na yun eh. Ang mahalaga ay nakaalis na kami doon. Natigilan ako, kung nakaalis nga kami sa bahay na yun then why is it my arms still remain intact?

Ilang sandali ay naalala ko yung sinabi nung bata sa panaginip ko. Pagsubok lang daw. Nalaman ko din sa kambal na buong araw ay natutulog ako.

"Saan ang Papa niyo?" Nakangiting tanong ko.

Nanghaba ang nguso ni Devon. "Nandoon sa labas. Ayaw niyang pumasok dito."

"Ganun?" Galit kaya siya sa akin? Umalis muna ako sa kinahigaan.

"Opo!"

"Samahan niyo ako sa kanya."

"Okay!" Magkahawak ang aming mga kamay na nagtungo sa pintuan pero hindi pa nga kami nakalabas ay nagawi ang paningin ko sa salimin. Nakita ko na may stitches itong braso ko.

Nang tuluyan na kaming lumabas ay nakita namin si Blake. Nakasandal sa dingding. Seryoso ang hitsura. Sinulyapan muna niya ako bago iniwan. Galit nga. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kirot sa dibdib.

"Hala. Galit si Papa?"

"Bakit? Huwag ganun! Dami pa namin sasabihin eh!"

"Ang mabuti pa Devon, Dedra ay iwan mo muna ninyo kami. May importante lang akong sasabihin sa Papa ninyo." Sumunod naman ang kambal. Nang makalayo na sila ay sumunod na ako kay Blake.

"Blake..."

"Bumalik ka na sa kwarto, Savannah." Malamig niyang sabi sa akin. Alam ko na galit siya dahil sa ginawa ko. Pero ano ba ang magagawa ko? Ginusto ko yun because that's the only way out for us. Pano kung sa susunod ay hindi na kami sisikatan ng araw dun?

"No. Makinig ka sa akin, Blake. Gusto ko lang sabihin sa'yo na wala akong pinagsisihan sa ginawa ko." The moment I said that ay naningkit ang kanyang mata.

"Yeah. Ba't hindi mo tingnan iyang braso mo, huh? Pasalamat ka at nandiyan pa iyan pero nag-iwan naman iyan ng piklat."

"It doesn't matter. Piklat lang iyan."

"Piklat lang?" Mas lalo siyang nainis. Napaatras ako nang lumapit siya sa akin. Naramdaman ko na lumapat yung likod ko sa dingding. Ilang hibla na lang ang layo niya. "You know how I care about you. Ni ayoko nga may kumanti sa'yo o ni hibla ay ayokong mahawakan man lang ng iba tas mangyayari yun sa'yo?" He was still fuming mad but for freaking reason ay nakaramdam ako ng kakaiba.

What to do? What to do?

Then something cross my mind. Tumingala ako sa kanya, then, cupping his face. Walang babala na inilapat ko ang aking mga labi sa kanya. Tama naman 'di ba yung ginawa ko? Isang halik lang baka humupa na yung inis niya sa akin. Hindi ko gusto na magalit o mainis siya sa'kin dahil lang sa ginawa ko.

Crimson Night (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon