Chapter 11

1.2K 9 1
                                    

CHAPTER 11

TEKKI'S P.O.V

IKALAWANG ARAW

SAGADA

Lucas Scott once said (one tree hill)

You ever heard the expression "the best things in life are free"? Well, that expression is true. Every once in a while, people step up they rise above themselves...sometimes they surprise you and sometimes they fall short. Life is funny sometimes. It can push pretty hard but if you look close enough, you can find hope in the words of children, in the bars of the song and in the eyes of someone you love. And if you're lucky, if you're the luckiest person on this entire planet, the person you love decides to love you back...

Kinabukasan ay maagang bumangon ang lahat sa kabali ng mga pangyayari kagabi.Lahat kasi kami ay gustong makita ang sinasabi ng mga katutubo doon na napakagandang Sagada Sunrise sa Kiltepan, kaya naman ay agad namin itong tinungo nang matapos kaming gumayak.

Nang marating namin ang lugar mistulang langit ang kinaroroonan namin.Nababalutan ng mga ulap ang mga burol kaya naman ay puting-puti ang kulay nito samahan mo pa ng napakagandang kulay gintong ilaw na nagmumula sa sumisilip na araw na nasa bughaw na kalangitan.

Lahat kami ay naaliw sa mga nakita namin.Yung mga ganito palang tanawin ay hindi lang sa mga Fairytale na palabas nakikita totoo pala ang ganito kagandang lugar.

Napakaganda talaga ng lugar .May kalamigan ang klima nito at pagnasalita ka ay mistulang may usok ang hangin na lumalabas mula sa iyong bunganga na bagay na nakadagdag ng aliw sa amin.

Will-Tignan niyo muusok ang bunganga ko.Hahahah ang saya!

Gerry,Jona,Chizzy-Oo nga!Ang saya talaga

Jona-Tignan niyo iyong araw,sumisilip na!

Napakasarap pagmasdan ng mga kaibigan ko sa kadahilanang hindi mapukaw ang mga ngiti nito sa kanilang mga mukha.

Sa kalagitnaan ng panunuod ko sa kanila may bagay na lubos na nakapagpasaya sa akin nang makita kong sobrang saya ni Chizzy na katulad nila Gerry,Will at Jona ay naglululundag ito na parang bata habang iniulit ang mga salitang "ANG SAYA-SAYA."

Para bang binura ng kagandahan ng lugar ang hirap at sakit na pinagdadaanan nito,kasi kung titignan mo si Chizzy ngayon ay parang hindi ito magdamag na nagiiiyak.

Mamaya lang ay nilapitan ako ni Gerry.

Gerry-Oi Tekki,halika dito makisaya ka kaya sa amin.

Hinawakan ni Gerry ang kanang kamay ko.Napahinto ako at napatingin sa pagkakahawak ni Gerry sa aking kamay at mula sa aking kinaroroonan ay dinala niya ako malapit kina Jona,Chizzy at Will.

Ilang hakbang lang ay nakarating kami kila Chizzy at muli ay nagsalita si Gerry na hindi pa inaalis ang pagkahawak sa kamay ko.

Gerry-Andito ang best view ng sunrise kaya dito ka pumwesto.

Nginitian ko naman ito bilang tugon.Mayamaya lang ay biglang napuna kami ni Will.

Will-Grabe naman talaga insan at magkahawak kamay pa talaga kayo.How romantinc.Hmmm

Pero tila walang narinig si Gerry sa mga sinabi ni Will.

Mula sa aking gilid ay hinarap ko si Gerry.Nang humarap ako ay biglang nagtama ang aming mga mata.Hindi ko alam pero may hiya akong naramdaman kay Gerry sa oras na ito.Binuksan ko ang aking bibig at muling nagsalita.

Tekki-Ai...G-e-r-R-y yung kamay ko...

Kung gaano ko kabagal na iraos ang mga salitang iyon ay ganun naman ang bilis ng tibok ng aking puso.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Where stories live. Discover now