CHAPTER 8

1.3K 8 0
                                    

CHAPTER 8

GERRY'S P.OV

Stephen Russell once wrote"Vulnerability is the only authentic state. Being vulnerable means being open, for wounding, but also for pleasure. Being open to the wounds of life means also being open to the bounty and beauty. Don't mask or deny your vulnerability: it is your greatest asset. Be vulnerable: quake and shake in your boots with it. the new goodness that is coming to you, in the form of people, situations, and things can only come to you when you are vulnerable, i.e. open."

Ang pagiging mahina ay hindi indikasyon ng pagiging duwag.Kaakibat ng pagiging mahina ang pagtanggap sa sariling maari kang masugatan na indikasyon ng pagiging matapang.

Nakakatuwa na minsan sa pagiging mahina natin ay may isang taong aalalay saiyo at ipapamulat ka sa realidad na ang buhay daw parang boxing kahit alam mong dehado ka na at matatalo wala kang karapatang lisanin ang ring kasi kahit papaano may mga taong sumugal at naniniwala na sa bandang huli ay makakayanan mo ang lahat.

5 YEARS AGO

Gerry-Ano ba naman Liza!araw-araw na lang tayong ganito nakakasawa na!ultimo mga malilit na bagay pinagaawayan natin!

Liza-Wala sanang problema kung sinusunod m iyong mga sinasabi ko diba?Mahirap bang sundin ang mga iyon?

Gerry-Liza naman nag tatrabaho ako sa bar kumakanta imposible yang pinapagawa m na hindi ko pansinin iyong mga tao o babae doon.Gusto kong maintindihan m na parte ng trabaho ko iyon na kung may lumapit sakin malamang kailangan kong maging magiliw sa kanila!Hindi ko sila pwedeng supladohan!

Konting pagunawa lang Liza please...

Liza- Sawa na ako.Hiwalay na tayo! Kung mahal m ako pwede ka namang maghanap ng iba mong pwedeng pagkakitaan diba?alam m namang ayaw ko na sa bar ka kumakanta kasi malaki ang posibilidad na may mga manlandi saiyo doon!

Tapos na tayo!

Nagmadaling nag ayos si Liza ng sarili niya at tuluyan ng lumabas ng bahay.Tinawag ko ito ng paulit-ulit.Sinubukan kong habulin siya kaso bigla itong sumakay ng taxi.

Noong gabing iyon nagkulong ako ng kwarto inilabas ang sama ng loob sa pag gawa ng maraming eroplanong papel na may sulat kamay ko na "I LOVE YOU LIZA"

Dalawang araw din akong hindi naglalabas ng bahay.Paulit-ulit na tawag ang natanggap ko mula sa pinagtatrabahuan ko pero ni isa sa mga iyon ay hndi ko pinansin.Sinabe ko sa sarili ko na siguro oras na para mag-isip at magpahinga.

Makalipas ang ilang araw nagpunta ako sa bahay nila Liza nagbakasakali na okay na siya para kausapin ako ngunit lahat ng inakala ko ay kabaligtaran pala.

Bumalik ako sa pagtatrabaho.Malaki ang naging epekto sakin ni Liza sa pang araw-araw kong buhay.Napansin ng marami na naging malungkutin ako,walang kibo at matamlay.

Minsan sa aking pag-iisa sa sulok habang nag nagseset up ang mga kasamahan ko sa banda biglang may tinig ng isang lalaki akong narinig na para bang kinakausap ako.Lumingon ako at nakita ko na may isang lalaki na papalapit sa akin na tila customer sa bar.

Okay ka lang ba kuya?ang tanong niya sa akin.Tumabi ito sakin,umupo sa lapag at ginaya ang pagkaupo ko at muling nag tanong hulaan ko may problema ka,lovelife no?

Nag alangan akong sumagot kasi hindi ko naman kilala ang taong ito pero naisip ko na baka pag hindi ako sumagot masamain ng taong ito ang pananahimik ko kaya tumango na lang ako.

Lalaki-alam m kuya kahit umupo ka jan maghapon,magmukmok,magwala,magsisigaw o kahit ano pa iyan,ang mundo ay iikot at iikot at kung hindi ka tatayong muli sa kinalalagyan m at hahabol sa ikot nito MAPAGIIWANAN KA...

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon