The note

1.5K 22 0
                                    

Sarah's Pov

Here I am again sa favorite place namin ni Gerald. Reminiscing those days na masaya pa kami. Those days na mahal pa niya ako. Mga pangako namin sa isat-isa. Those days na naniniwala pa ako sa Forever. At yung araw kung kailan sinira lahat yun ni Gerald.

Mahal ko pa rin siya. Bumabalik pa rin ako dito sa cafe dahil gusto pa rin alalahanin lahat ng masasayang araw na yun.

Kasama din sa pag-iisip ko kung bakit ang hirap para sa akin ang makalimutan ang lahat ng yun.

flashback (convo with my bff) :

"Eh tigilan mo na kaya ang pumunta dun sa cafe? Para naman tuluyan kanang makapag-move-on." Biglang sabi ni Shin habang nakahiga siya sa kama ko.

Halos araw-araw si Shin nasa bahay simula nung araw na maghiwalay kami ni Gerald. Hindi nya ako kelan man iniwan.

Siya lang yung nag-iisang tao iniyakan ko. Sa kanya ko lng sinasabi ang lahat. Kaya alam niya kung bakit ako bumabalik pa rin sa favorite place namin.

"Shin alam mo naman di ba? I need time." Sagot ko

"You need time?! Sars last year pa yun. Its been 8 months. 8 months na yung sinasayang mo. Sarah gusto kong makita kang happy na ulit. You're wasting your time to a man who doesn't even deserve even a bit of it." Sermon niya

Tumahimik na lng ako. Yun lang ang parating ginagawa ko kapag ganun si Shin. To the point na napipikon at naiinis na siya sa akin. Pero alam ko mahal pa rin niya ako kahit na halos gusto na niya akong sabunutan.

Yayakapin ko lang siya at sasabihan ng "I love you Shin" mawawala na ang inis niya sa akin.

Wala siyang magagawa eh bestfriend niya ako eh. :)

(Present)

While I wander in deep thoughts, biglang tumunog ang cellphone ko.

Shin calling...

"Hay naku Sarah" sabi na lang nya kahit wala pa akong sinasabi

"Gusto mo puntahan kita jan?"  Malambing na tanong niya

"Okay lang paalis na rin ako" sagot ko

"Nagmo-moment ka na naman eh..huwag kang umalis jan hintayin mo ako." Shin

Hindi na ako nakasagot pinutol na niya ang linya.

Habang hinihintay ko Shin biglang lumapit sa akin ang isang waiter..

"Excuse ma'am…" sabay lagay ng chocolate cake sa table ko

"Ahmm… sorry I didn't order this po'' biglang sabi ko naman

"Ahmm may nagpapabigay lang po ma'am…" sabay abot sa akin ng isang note

"Wipe those tears away. Sadness does not fit those eyes…Please Smile… :) "

Hindi ko pala namalayan tumutulo na luha ko habang nag-iisip kanina.

"Sino daw po kuya?" Gulat na tanong ko

"Hindi po pinapasabi ma'am eh" sabay kamot sa ulong sagot ng waiter

I scanned the whole cafe pero wala akong idea kung alin sa mga ito ang pwedeng magbigay ng cake at note na yun.

Maraming tao nun. Pero may isang grupo ng mga lalaki dun na nagkwekwentuhan at nagtatawan pero mukhang wala naman sa kanila ang nagbigay. Habang may isang lalaki dun na walang kasama at nagbabasa ng libro.

Nilapitan ko siya. Kasi feeling ko ang nagbigay.

"Excuse sir kayo po ba ang nagbigay nito?" Tanong ko

"No sorry, Im not"  mahinhing sabi ng lalaki

"Okay, sorry" sabay talikod ko

Bakla pala un…bulong ko sa sarili

Binalikan ko ng tingin ang grupo ng mga lalaking nagtatawanan. pinagmasdan ko sila pero mukhang wala naman sa kanila ang nagbigay. Hindi man lang kasi ako tinignan.

Hinayaan ko na lang. Binasa ko ulit ang note at medyo may tuwa akong naramdaman dahil sa nakasulat.

Nang biglang dumating si Shin.

"Chocolate? Diba hindi kumakain nyan?" Tanong niya

"Hindi nga… ewan nagpapabigay lng" sagot ko

"Sino naman?''

"I dont know" sarkastikong sagot ko sabay abot ng note

"Oh my God! Sars this is it!! " sabi ni shin tapos basahin ang note

"Anong this is it?..hayaan mo na lang yan hindi nga nagpakilala eh.." sabi ko

"Eh why are you seem disappointed huh?" Parang nanunuksong sabi ni Shin

"Hindi kaya… wag kang ano jan Shin" depensa ko

Ngumiti na lang si Shin at hindi na nagpumilit pa. Alam na nya kasi na alam ko na kung ano ang iniisip nya.

"Akin na lang to Sars hindi ka naman kumakain ng chocolate eh…"

Hindi agad ako nakasagot parang ayaw kong ibigay sa kanya yung cake. Tinitigan ko muna yung cake tapos yung kaibigan ko.

"Sige na nga" pilit na sagot ko

"Thank you!" Sabay kuha nung tinidor

Natawa na lang akong habang pinapanood kumakain ang kaibigan ko, ang takaw kasi.

Tapos kainin ni Shin ang cake ay nagyaya itong mag-mall. Ayoko sana pero pumayag na lang ako kasi baka magtampo.

Itinago ko ang note sa bag ko sabay lingon sa paligid bago kami lumabas ng cafe' .

" kailangan ko alamin kung sinong nagbigay nito sa akin " bulong ko sa sarili.

Hindi ko alam kung bakit pero may konti akong naramdamang tuwa sa puso ko dahil sa nakasulat sa note.

"Sana makilala kita"…

_______________________________________

Author's note

Tough start.

I decided to write kasi walang update yung mga favorite ashmatt ff ko…

Ito talaga ang pinaka mahirap na part in making a story, yung simula.

Next part will the "note sender's" pov naman…(matteo)

:)))

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon