Chapter 15

14.4K 324 78
                                    

Sharri's  POV

"Ang tagal ka ng nililigawan ni Gian ah. Tantya ko, one month na. At one month na rin lang din eh pasukan na natin," wika ni Cha-cha. Nakaupo kami dito sa sala. Busy ito sa pag-facebook samantalang ako naman ay abala sa pagbabasa ng pocketbook na nabili ko.

"Matagal na pala para sa'yo ang isang buwan," sagot ko dito.

"Yup, matagal na rin. Considering it, matagal na. Kasi 30 days na eh. Akala ko nga trip trip lang ang panliligaw sa'yo, seryoso palang talaga. Umabot nga ng apat na linggo. So, anong plano mo?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam."

Tama nga siya, apat na linggo na ring nanliligaw si Gian sa akin. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na dadating sa puntong liligawan ako ng lalakeng matagal ko ng gusto. Kahit ako, noong una, ang iniisip ko eh biro-biro lang ang lahat. Pero hindi pala. Totoo na pala.

Sa tuwing may laro sila Gian, sinsundo niya muna ako dito sa bahay ng motor niya, tapos sabay lagi kaming pumunta sa park. Everyday naman, tumatambay dito sa bahay sila Gian at ang buong tropa. Nag-b-baking session kami lagi tapos yung nagagawa namin eh dinadala namin sa Baranggay Estrella. 

Nakikilala ko yung Gian na boyfriend material, iyong maasikaso at sweet. Yung madalas maglambing, at iyong lalakeng akala mo eh gustong laging nakahawak sa kamay ko. At higit sa lahat, nakilala ko yung Gian na pasaway, and as usual, kahit nililigawan niya ako, sa oras oras na magkasama kami, lagi kaming nagbabangayan, aso at pusa nga ang tawag sa amin. Madalas niya pa rin akong barahin, at madalas ko pa rin siyang pinipilosopo.  Pero kahit ganoon, hindi ko na rin naman talaga maitatagong gustung-gusto at minamahal ko na siya.

"Hindi mo alam? So, anong balak mo? Pahabain na lang ng pahabain ang nakakasagabal mong buhok? aba, bongga ka."

"Kailangan ba talagang laging may plano?"

"Not really. What I'm trying to say is may idea ka ba kung kailan mo sasagutin si Gian?"

Napaisip ako bigla. Kailan nga ba dapat? "Kailan ba dapat?"

Napamaang naman ito sa akin. "Tae ka, Sharri. Aba malay ko sa'yo. Kung sure ka na rin namang mutual ang feelings niyo, edi push na yan," nakangiting wika nito.

"Push talaga?" natatawang wika ko.

"Oo naman," wika nito sabay binato ako ng unan. "Iyong ngiti mo, abot hanggang sakong. Nakakairita. Haha! Halatang kinikilig ka. In fairness, pagdating ng pasukan, may jowa ka na. For sure, luluwa ang mga mata ng mga fan girls ni Gian sa school," dugtong pa nito sabay halakhak ng pagkalakas-lakas na akala mo eh nanalo sa lotto.  "Ako kaya,kailan magkaka-jowa?"

"Kapag crush ka na ni John Paul, kapag hindi na niya crush si Jessica, though imposible mangyari," wika ko para asarin ito. 

Si John Paul ang isa sa mga student leaders sa campus namin. At napapabalitang may gusto ito sa isa sa mga classmate namin na si Jessica Lianne Park. Well,  hindi ko naman talaga sure kung crush nito si John Paul Ramirez, nakita ko lang kasi dati ang likod ng notebook nito dati na may nakasulat na John Paul, kaya nagc-conclude na ako.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now