Special Chapter 2

2.1K 56 5
                                    

Hi to all of you! Since I miss the hubby-wifey couple and belated happy 2nd anniv sa TPB. Here's the special chapter 2, hope you like it 💖

--


Special Chapter 2


Catherine's POV.

"Cath, I'm preggy!!!" balita ni Genieva sa amin.

"Really girl? Nakashoot din si Fafa Alex."

"Hoy baklita! Ikaw nga tigil-tigilan mo kakaasar sa asawa ko ah." masungit na sabi ni Genieva. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa at umiling na lang.

Magkakasama kami ngayon para ipamalita sa amin ni Genieva na buntis siya, 4 months. Kita ang maliit na umbok ng tiyan niya. I suddenly feel the envy dahil magkakaroon na sila ng anak ni Alex while me and Kyle are still struggling.

We even go check up sa OB-GYNE para makasigurado na bakit hindi kami magkaroon ng anak ni Kyle. The doctor said that we're both fertile so we don't have to worry sa pagkakaroon ng anak. Just a little patience and prayers para makabuo kami.

"Cath, okay ka lang?" tanong sa akin ni Lea, na 8 months ng buntis. She just wearing pink light dress at may bitbit na tray na may laman na macarons.

"Yup, bakit?" tipid na ngiting sagot ko sa kanya. I know na alam nilang naiinggit ako sa kanila. Limang taon na kaming kasal ni Kyle but still we aren't blessed yet children.

"Why not try na magsayaw kayo ni Kyle sa Obando, Bulacan. Marami akong naririnig na kwento na nagpunta sila roon sa Obando, nagsayaw ayon nabiyayaan ng anak." sabi ni Cecy.

"Baklita, never gonna happen. Alam mo naman ang monster na asawa ni Kyle walang interes sa mga ganoon yon saka takot sa simbahan iyon." turan ni Genieva.

Natawa na lang ako sa mga gatong nila, parang gusto kong subukan iyon na magpunta sa Obando para sumayaw malay mo baka iyon na ang pagkakataon namin ni Kyle na mabiyayaan ng anghel.

"Don't say that! Umaasa na nga ang kaibigan natin sa himala. Stop ruining it, gaga." inis na sabi ni Cecy. "Gusto ko pa maging ninang, wag mo rin sirain ang pangarap ko."

"Whatever." napangusong sabi ni Genieva kaya napailing na lang ako.

"Have you gone to OB-Gyne, Cath? Baka kailangan mo magpatingin? Hindi naman kayo pwede umasa sa mga ganyan-ganyan. You have to see a doctor para sure, hindi ba?" Lea smiled saka hinawakan ang tyan na malaki na ang umbok. Malapit na siyang manganak and any time soon they will see their handsome son.

Umaalingawngaw pa rin sa isip ko hanggang sa pag-uwi ang sinabi ni Lea sa akin. Baka baog ako at hindi na magkakaanak? O di kaya si Kyle 'yung baog sayang naman ang lahi nila. Proud pa yung halimaw na iyon na maganda lahi nila, sus mas gwapo naman si Kuya Kent kasya sa kanya. Ika nga ni Kuya Kent, sulit magpalahi sa kanya.

Alam niyo naman na minsan ko rin naisip na isa silang pamilyang baliw? Ewan ko ba bakit ko nasabi iyon dahil totally number one na may sira sa ulo, ang number one halimaw na si Kyle Xavier.

Si Ate Ciara naman kapanganganak lang last month, unang apo nila Appa at Eomma.

Naalala ko pa pinagkakatuwaan namin si Kuya Clark dahil siya na lang ang hindi pa nakakapag-asawa sa aming magkakapatid. Nastressed siya nang bongga kaya nag-uwi siya ng babae sa mansion at nahimatay si Eomma sa ginawa niya.

Baliw ba naman kasi, he boasted to us na nabuntis niya iyon at pakakasalan niya tapos kasalanan pa namin ni Ate Ciara bakit ginawa niya daw iyon.

"Cath, are you home?" tanong ni Kuya Clark nang bigla siyang tumawag sa cellphone. This is unusual, he's really busy preparing his upcoming wedding. Siraulo kasi napilitan tuloy siyang magpakasal doon sa nabuntis niya. His fiancée is 4 months pregnant at hinihiling ni Eomma na sana babae dahil ayaw niya sa apo niyang malapit na maging nerd dahil sa kagagawan ni Kuya Min-joo.

The Pretended Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon