[17] Lolo's Want

1.9K 43 0
                                    

Catherine's POV.


Di pa rin matanggal sa isipan ko kung sino 'yung kasama ni Kyle sa litrato na nakita ko sa closet bigla ba namang dumating eh di ko nakita hays, sino kaya 'yon?


"Hoy babae! Anong tinutunga-tunganga mo dyan? Mag-ayos ka na nga dahil pinapatawag tayo ni Lolo." Sabi ni Kyle.


"Bakit? Ano meron? May bisita ba ngayon?" tanong ko sa kanya.


"Nangiinis ka ba? Of course yes! Kaya bilisan mo at mag-ayos ka 'yung magmumukha ka dapat tao kasi kundi malilintikan ka talaga sakin!" sabi niya at umalis ng kwarto, napanguso tuloy bigla ang sungit talaga araw-araw ba siya may dalaw grabe 'yung kasungitang taglay.


"Yes po kamahalan!" inis kong sabi. Bwisit! Di pa ba ako mukhang tao sa lagay na 'to? Ano ba kasi problema 'nun?


Pumunta ako walk-in closet ng halimaw para mag-ayos, 'yung magmumukha talaga akong tao grabe lang talaga. Pagkatapos ko mag-ayos ay agad ako bumaba papunta sa dining area dahil mapapagalitan ako ni Lolo.


"Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mo naman mag-ayos." Sabi ng halimaw habang sinalubong niya ako sa hagdan ng nakasimangot.


"Sabi mo magmukhang tao kaya eto nag-ayos ako o diba?" sabi ko at nag-beautiful eyes pa ako para mapansin niyang nagpaganda ako para sa kanya. Ay mali hindi sa kanya para sa bisita pala namin, hihi.


Nagulat ako bigla niyang tinakpan ang mukha ko. "Tigil-tigilan mo ko sa pa-ganyan-ganyan mo, hindi ka pa rin mukhang tao, tsk." Sabi niya at nag-martsa paalis, aba't iniwan ako?


Mabilis ko siyang sinundan at kumapit ako sa braso niya kaya siya napahinto sa paglalakad. Agad niya akong nilingon at sinamaan ng tingin kaya nginitian ko siya.


"Bakit ba napakabagal mo kumilos ha? Mapapagalitan na naman tayo dahil sa kabagalan mo eh." sabi niya at nagmadaling maglakad kaya nakaladkad ako dahil kakamadali niya.


"Dahan-dahan lang naman, tao ang kasama mo Kyle hindi bagay okay?!" singhal ko sa kanya. Huhu, nakakainis naman kasi siya eh.


"Sinisigawan mo ba ako?" tanong niya at mataman akong tiningnan, bigla tuloy akong natakot sa aura ng mukha niya.


Napilitan akong ngumiti sa kanya. "Hindi po hubby..." sabi ko.


"Good, let's go. Naghihintay sila lolo sa hapag." Sabi niya at hinatak ang kamay ko at inisukbit sa braso niya.


Sabay kaming naglakad papuntang dining. May tinatago rin pala itong halimaw na ito kahit ganun ugali, how to be you po?


Pagdating namin sa dining, nakahanda na ang mga pagkain.


"Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa naghihintay si Lolo sa inyo." Sabi ni Kuya Kent at ngumisi.


"Ang bagal kumilos ng babaeng 'to." Napatingin tuloy ako sa kanya na nakatingin siya sa akin ng masama.

The Pretended Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon