[21] Meet Her Rival, Her Unnie

1.7K 38 0
                                    

Catherine's POV.


"Wag kang magpapaniwala sa sinabi ng lalaking iyon sa'yo kanina ha?" inis na sabi ni Kyle sa akin.


Mukha ba akong maniniwala? Eh patay na nga 'yung mga kapatid ko at isa pa ang layo niya kay Oppa. Nakakapagtaka nga lang paano niya nalaman ang pangalan ng kuya ko.


"Arasseo, di naman ako nagpapaniwala sa ganyan at bakit parang namumutla ka?" tanong ko sa kanya at chineck ko kung may sakit ba siya.


"Wala 'to dahil lang 'to sa ride," sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko, napatingin naman ako sa kanya. "Let's find the idiots baka saan-saan pa pumunta 'yong mga 'yon." Sabi niya at nagsimula na kaming maglakad para hanapin ang apat.


Kawawa nga si Luke sa sobrang takot sa height sobrang putla niya dulot ng maraming ride na sinakyan namin, alam kong napilitan lang si Luke na sumama sobrang naawa ako.


Nakita namin sila sa labas ng restroom na parang may inaantay.


"Where's Luke?" tanong ni Kyle sa tatlo.


Sabay nilang tinuro kung nasaan si Luke na sakto kalalabas lang ng restroom. Kita pa rin ang putla sa mukha niya.


"Siguraduhin niyong last na 'yung Space Shuttle na ride na sinakyan natin, ayoko na!" hinang-hina na sabi ni Luke.


"Actually, hindi pa 'yung last ride na sinakyan natin Luke." Natatawang sabi ni Alex.


Ewan ko ba kung bakit trip na trip nila si Luke na sumakay ng extreme rides pero hindi extreme rides ang sasakyan namin kasi may last 2 pa kaming ride then uwian na.


"What?! Are fucking kidding me? Sabi niyo last na 'yung sa Space Shuttle tapos eto may isa pa tayong ride!"


"Correction, dalawa." Singit ni Harvey na natatawa sa inasal ni Luke ngayon.


"What the he-" sigaw ni Luke na agad tinakpan ni Alex ang bibig nito.


"Shut up Luke! Hindi na extreme ride 'to kaya wag ka nang mag-inarte dyan." Nakasimangot na sabi ni Kyle pero inismiran lang siya ni Luke.


"Di ako nag-iinarte Kyle kung palit kaya tayo ng pwesto ng malaman mo at siguraduhin niyo lang na hindi extreme ride 'to dahil ayoko na!" inis na sabi ni Luke at nagwalk-out.


Hinabol naman siya ni Alex at inakbayan, nakita kong may ibinulong. Tumawa si Luke ng malakas dahil sa binulong ni Alex.


"Anong ride ba sasakyan natin?" tanong ko kay Kyle.


"You'll know it soon we get there." Nakangising sabi ni Kyle. Mukhang may binabalak na naman silang kalokohan.


The Pretended Bride (Completed)Where stories live. Discover now