[22] Secrets

1.6K 38 0
                                    

Catherine's POV.


"Unnie? Excuse me Miss just for you to know na patay na ang mga kapatid ko." sabi ko sa kanya.

"Really? So, inisip mo talaga na patay na kami ni Clark-oppa ha?" inis na sabi ng babae sa akin.

"Bigyan mo ko ng patunay na talagang buhay kayo kasi kung papatunayan niyo iyon maniniwala akong buhay nga ang mga kapatid ko. Alam mo kasi, namatay ang magulang ko at ang mga kapatid ko isang plane accident, they're been declared dead nung pumunta kami ni Tita Aisell sa ospital." sabi ko at humalukipkip ako.

"Our parents, me and kuya Clark hindi kami kasama sa plane accident kasi safe kaming nakarating sa Korea, Catherine."

"Then why you didn't tell na buhay kayo? Bakit niyo ako pinabayaan? Ah, di nga pala ako parte ng pamilya, daebak." sabi ko and slowly clapped my hands.

"You will know the answer kapag pumunta ka sa bahay natin. So, you should better go there para maliwanagan ka. Goodnight dongsaeng, see you around and of course you... jagi." sabi ng babae at kumindat pa kay Kyle. Tingnan ko si Kyle ng masama at saka ko sinamaan ng tingin ang babae. Umalis na ang babae, nawala yung masayang vibe ko kanina dahil doon.

Hindi ako maniniwalang kapatid ko yung babaeng iyon. Pati yung lalaking nakausap ko kanina na nagp-proclaimed na kuya ko siya, hindi din ako naniniwala.

"Let's go to sleep wifey alam kong napagod ka sa ride na-"

"Wag mo kong ma-wifey-wifey Kyle ha! Sino 'yon? Bakit ka niya tinawag na jagi? Wag mo akong hawakan!" singhal ko sa kanya at kumawala sa hawak niya.

Ang kapal ng mukha niya, nambabae pa siya mismo sa harapan ko. Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha, bakit niya nagawa sa akin iyon? Parang kanina lang ang saya-saya namin tapos ganito.

"Wait, wifey are you jealous?" natatawang tanong ni Kyle.

"Di ba sabi ko sayo wag mo kong tatawaging wifey!? Galit ako sayo, sa sala ka matulog wag sa kwarto." inis sabi ko.

Umakyat ako ng hagdan papunta sa kwarto naming dalawa.

"What!? Kwarto ko iyon tapos papatulugin mo ko sa sala? Are you fucking insane?" di makapaniwalang angil ni Kyle.

"Bakit? Kokontra ka? May kasalanan ka so you better end up sleeping here sa sala o kung ayaw mong di kita pansinin habang-buhay." nanggigil na sabi ko.

Di ako nagseselos, naiinis lang ako sa kanya. Di man lang niya sinabi na may minahal siyang iba grabe ano ba ako sa kanya?

"Fine, fine I will sleep here but remember wifey ikaw lang ang mahal ko so please don't get mad and jealous, natatakot ako sayo eh." nakangiwing sabi ni Kyle.

Inismiran ko na lang siya at dumiretso na lang sa kwarto namin ni Kyle. Manigas siya diyan sa sala dahil di ko siya papatulugin dito sa kwarto. Ni-lock ko ang kwarto para di siya makapasok.

Alam kong di matutulog sa sala iyon at panigurado makikitulog siya kay Kuya Kent niyan kapag talagang natulog nga siya doon di ko na siya papansinin forever.

Chineck ko ang phone ko at nakita kong may nagtext sa akin.

Fr: Unknown Number

Kung gusto mo talagang malaman ang totoo, better go home Catherine. - Unnie

Aba't nagawa niya pa akong itext. Sino siya sa akala niya? Kung sa inaakala niyang uuwi ako sa bahay namin, no way! Basta alam ko sa sarili ko na wala na ang pamilya ko. Baka miyembro pa ng sindikato 'yung babaeng iyon eh, wala siyang mahihita sa akin mahirap lang ako.

The Pretended Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon