[11] Honeymoon sa Italy

3.1K 64 3
                                    

--

Harvey Drake on the right ---->

--

Catherine's POV.

Ang tahimik ngayon ni Ate Katrina. Nakakamiss ang pagiging bubbly nya, haist super boring pa naman. Bawal tuloy gumamit ng gadgets tsk. Ano oras na ba? 4:00 p.m. pa lang, 6 hours naman ang byahe.

Sumandal ako sa balikat at ikinagulat ni Kyle. Tiningnan nya ako ng masama.

"Catherine!" galit nyang binulong. Pfft-Hahaha. Bahala ka, akala mo magigising mo ko ng agad-agad. TANDAAN MO! TULOG MANTIKA AKO! BWAHAHAHA.

"H'wag ka ng maingay Hubby. Inaantok ako, gisingin mo na lang ako kapag nasa Italy na tayo." sabi ko.

Nakakaantok talaga, di ko kinaya eh, ang sarap matulog kapag malamig di ba?

Katrina's POV.

"Katrina, ano ba ang nangyayari sa'yo?" tanong ni Mom.

Nandito kami sa private plane, pupunta kami ng Italy para sa Honeymoon ng dalawa. Kasama ko si Lolo, Dad, Mom, Kuya, Bunso, Cath, Kian-boy, Harvey, Luke, Alex, Genieva, Lea, at Cecy para magbakasyon ng 2 months sa Italy.

"Wala Mom, wag nyo na lang ako pansinin." sabi ko kay Mom. Napatingin si Kuya Kent sa'kin. 'Yung mukha nya, nagtataka kung bakit ako nagkaganun. Si Kyle, nakatingin sa'kin, may gustong itanong. Nginitian ko lang sila at umiling.

Sumandal ako sa bintana ng plane. Bakit ganun kung kelan wala na at kinalimutan mo na tsaka lang babalik. Bakit ka ba ganyan Vincent Lester Hyerun Chaucer?

Ipinikit ko ang mata ko. H'wag ka ng bumalik please. Nasasaktan ako. Nahihirapan akong magdesisyon. Naramdaman ko ang pag-agos ng luha ko.

Vincent, kalimutan mo na ang mga pangako. Wala na iyon! 18 years na ang nakalipas Vince.

Kent's POV.

Kanina pa tahimik si Katrina. Nakita ko si Vincent. 'Yun ba ang dahilan kung bakit ka nagkaganun Katrina?

Katabi ko si Luke. Nasa tabi ng bintana si Luke, malayo ang tingin.

"Luke, may problema?" tanong ko.

"Ah, Kuya Kent, wala naman." sabi ni Luke at nginitian ako.

"Are you sure?" tanong ko.

"Oo naman Kuya! Si Kuya Kent talaga, magpapahinga na muna ako Kuya ha?" sabi ni Luke at umidlip.

Hindi yata magiging masaya ang pag-stay namin sa Italy sa loob ng dalawang buwan.

Catherine's POV.

"Cath, gising na!" Ano ba? Bakit nyo ko niyugyog? Ang sarap ng tulog ko 'no.

"Wifey! I said wake up!" sigaw ng Monster. Letse! Ang sarap matulog 'no. Kapagod kaya sa wedding.

"Buhatin mo nalang kaya Bro!" singit ni Kuya Kent. 'Yung mga boses nila, jusko nangingibabaw.

"Heh! Ikaw kaya magbuhat Kuya! Ang bigat-bigat tsk!" reklamo ni Kyle.

"Kyle baby, kailangan natin pumunta sa hotel." sabi ni Mommy Karla.

"Mom, eh paano 'to?" tanong ni Kyle.

"Hmm, halikan mo Boss Kyle! Gigising 'yan." KIAN-BOY! LAGOT KA SA'KIN.

"I have no choice but to stick on the Kian-boy's plan." sabi ni Kyle.

The Pretended Bride (Completed)Where stories live. Discover now