[26] Annulment

2.5K 57 0
                                    

Catherine's POV.

"Kung hindi niyo kayang sabihin kung ano dahilan nila, babalik na lang ako kung kailan handa na kayong sabihin sa akin." malamig na sabi ko at nagsimula maglakad palabas ng mansyon pero hinawakan ako sa braso ni Ciara.

"Cath... dongsaeng... mianhae. Ginawa ko lang iyon para ma-assure ko na mahal ka talaga ni Kyle, yung mahal ka niya at wala na siyang natitirang pagmamahal sa akin. Look, I did my promise to you na hinding-hindi ko aagawin sayo ang taong mahal mo kahit ako pa ang una. Cath, I'm getting married at hindi ko intensyon na guluhin kayo pero I can't stand seeing you na niloloko ka niya.... I'm sorry kung kailangan pang umabot sa ganito."

"Wala na tayong magagawa, nangyari na eh..." mapait na ngiti ang iginawad ko kay Ciara. She's still my ate kahit ganito ang nangyari sa amin.

"Mianhae..." malungkot na sabi niya at yumukod sa harapan ko.

"Hindi ka dapat nags-sorry Ciara. Wala kang ginawang mali." malamig na sabi ni Kuya.

"Sana maging masaya ka na Clark na ikaw ang masusunod sa mga desisyon namin ni Unnie. Makikipaghiwalay na ako sa kanya kung iyon lang ang makakapagpatahimik ng kaluluwa mo." malamig kong sabi. Blangko ang ekspresyon ko, di na rin ako magtataka sa ginawa niya na ulitin niya ulit yung ginawa niya kay Ciara.

Di ko na sila pinansin, nag-text ako kay Alex na magpapasundo na ako at aantayin ko siya sa tapat ng gate.

"Uuwi na ako, ayoko ng magtagal sa mala-impyernong mansyon na to. Wag niyo na asahang babalik ako dito dahil nakakasuka lahat ng pag-uugali niyo, iniisip ko ngayon palang kung pamilya ko ba talaga kayo kasi naggagaguhan na tayo dito eh." kasabay ng pagbitiw ko ng salita, tuluyan ng bumagsak ang luha sa pisngi ko.

"Ihahatid na kita," alok niya.

"Hindi na, may magsusundo naman sa akin eh. Ayokong maabala pa kita, kayo..." sabi ko at tumungo sa gate.

Hindi ko na gugustuhin pang magkaroon ng koneksyon sa lintek na pamilya na 'to. Dahil sa nalaman ko, nagkandabuhul-buhol na ito sa utak ko.

Narinig kong bumusina ang kotse ni Alex, lumabas si Alex sa sasakyan niya at kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

"Cath, o-okay ka lang ba?" tanong ni Alex.

"Ne, you don't have to worry. Kaja?" aya ko.

Ngumiti si Alex at pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok ako sa loob at saka sinara ni Alex ang pinto ng sasakyan agad namang pumunta si Alex sa driver seat saka pinaandar ito.

"Nag-aalala na kami sayo Cath, nakailang tawag na ang mga kaibigan mo sayo. Halos tadtarin ka na namin ng mga text eh."

"I told you Alex, you don't have to worry. Look, okay lang ako. Nag-usap lang kami ng pamilya ko to catch up some things." nakangiting sabi ko at chineck ko ang phone ko.

Tama nga si Alex, nakailang missed calls at texts na sila sa akin pero hindi ko iyon napansin kanina.

"Nasaan pala sila Luke, Kian-boy at Harvey?" tanong ko at mataman kong tingnan si Alex habang abala sa pagd-drive.

"Nasa mansion nila Kyle, kanina ka pa nila inaantay. Hindi muna nga ako umuwi para nga masundo nga kita. Tumawag si Kyle sa akin kanina balisang-balisa siya, ewan ko... siguro alam niya na, na nalaman mo na 'yung tungkol sa ginawa niya.." nanlulumong sabi ni Alex.

"Dapat naman sigurong malaman niya na alam ko na lahat ng panggagago niya sa akin, tss." malamig na sabi ko.

Alex shrugged at nagpatuloy sa pagdrive. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, halo-halo itong nararamdaman ko at gulung-gulo na ako sa mga nalaman ko lalo na kay Kuya Clark.

Bumisina muna si Alex bago kami bumaba, hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa mansion ng mga Adamson.

Sabay kaming bumaba ni Alex pagkapark niya ng sasakyan niya. Pagkapasok namin sa mansyon ay agad kaming sinalubong ni Kyle, niyakap niya ako ng mahigpit pero hindi ko siya niyakap pabalik. Humiwalay si Kyle sa akin at bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Something wrong?" tanong niya. Alam naman niya ah? Bakit kailangan niya pang magtanong? Nagmamaang-maangan siya!

"Alam mo naman iyon di ba?" malamig na utas ko.

Napayuko si Kyle, so guilty ba siya sa ginawa niya? Masaya ba siya na nasaktan niya na ako?

"Bakit mo ginawa iyon? Wala naman akong atraso sayo ah!?" galit na sigaw ko sa kanya.

"Si Ciara lang naman ang may kasalanan sayo pero bakit kailangan mo akong idamay? At talagang pinagplanuhan mo pa talaga ang lahat para masaktan ako, okay panalo ka na! Nasaktan mo na ako, masaya ka na ba?"

"Kanino mo nalaman ang tungkol doon?"

"Sa mga kaibigan mo at kay Ciara. Salamat sa kanila kasi alam ko na kung hindi pa nila sasabihin malamang hindi ko pa malalaman. Kailan mo ba balak sabihin? Kapag lipas na ang panahon? Kapag sobra na akong nasasaktan? Kyle hindi ako bato, tao ako at nasasaktan pero bakit ka ba ganyan?" sabi ko at hindi ko na napigilan ang buhos ng mga luha sa mata ko.

Mahal ko si Kyle pero etong ginawa niya sakin ang sakit eh ang sakit sakit.

"Pinagsisisihan ko na nakilala kita Kyle.... talagang pinanindigan mo ang pagiging halimaw mo. Wala ka talagang puso Kyle Xavier Adamson, you hurt me big time.... alam mo, itigil na natin ito kasi ang sakit dito," sabi ko at saka tinuro ko ang puso ko. "Ang sakit mong mahalin.... sobra." impit ko habang pinipigilan ko ang pagbuhos ng luha ko pero wala tuloy-tuloy pa rin ito sa pagpatak. Humakbang siya at akmang hahawakan ako sa braso pero umiwas agad ako at saka ko siya inilingan.

"Catherine...." anas ni Kyle at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. "No.... hindi mo pwedeng gawin iyon Catherine," Naramdaman ko ang sunud-sunod na patak ng luha niya sa kamay ko.

"But I can.... itigil na natin to. Maghiwalay na tayo sa legal na paraan, sa annulment." dahan-dahan kong inialis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Wifey, no! Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari!" anas niya at saka umiling-iling.

"Well, kung hindi ka papayag, magkita na lang tayo sa korte. I will talk to my family lawyer. This will be the last time na magkikita at mag-uusap tayo," malamig na sabi ko. Inutusan ko ang isang maid nila na kuhanin lahat ng gamit ko. I will leave this mansion, my home....

Nang maibaba ng mga maid ang lahat ng gamit ko na nakalagay sa maleta, nagprisinta si Alex na dalhin ang gamit ko.

"Sana maging masaya ka Kyle dahil magiging malaya ka na.... malaya ka nang mahalin ang ate ko. Hindi niyo na kailangan pang magtago pa," sabi ko at ngumiti ng malungkot.

Tinalikuran ko si Kyle kasabay ng pagtalikod ko sa naturingan kong tahanan. Niyakap ako ni Kyle sa aking binti, humahagulgol.

"No, Catherine. Hindi mo ako pwedeng iwan, mahal kita.... mahal na mahal. Hindi ko mahal si Ciara, ikaw lang ang tanging mahal ko, remember yung sinabi ko sayo noon? You turned my world upside down, you make me feel alive again.... I really love you Catherine, I really do."

Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap ni Kyle sa binti ko.

"No Kyle, you're just guilty..." mapait kong sabi at saka ko siya hinarap at hinaplos ko ang pisngi niya.

"Don't worry kapag nakapaghiwalay na tayo sa annulment magkakasama na kayo ng ate ko kaya be happy, okay." mahinang anas ko at pilit ngumiti.

"No...." iling-iling sabi ni Kyle habang patuloy sa pag-agos ng kanyang luha.

"I have to go, thanks for everything Kyle ...." mahinang anas ko at sa umalis.

Paglabas na paglabas ko sa mansion, simula na ito ng pagputol ng koneksyon naming dalawa. Pinuputol ko na kung ano mang merong namamagitan sa aming dalawa. Siguro hanggang dito na lang talaga kami, siguro hindi talaga kami para sa isa't-isa.... kasi hindi naman ako nagmamay-ari sa puso niya eh, si Ciara. I'm sorry to disappoint everyone but I think this is the end of our story.

The Pretended Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon