[25] Revelations About Her Family

1.9K 43 0
                                    

Catherine's POV.

Nasa tapat ako ng gate ng mansion namin. May arko sa ibabaw ng gate na naka-engraved ang surname namin.

"Okay ka lang ba Cath? Pwede naman tayo bumalik ulit sa susunod kung hindi ka pa handa." sabi ni Alex at halatang nag-aalala siya sa akin ngayon.

"No, hindi na ako babalik. Mauna ka na Alex at salamat sa paghatid. Sasabihan na lang kita kung kelan ako babalik." malamig na sabi ko.

Lahat ng tao sa paligid ko nadadamay sa sakit na nararamdaman ko. Binubulag ko na lang siguro ang sarili ko dahil ang sakit, sobrang sakit...

Nagpaalam si Alex na dahil may pupuntahan pa ito. Napabuntong-hininga ako at pinindot ang door bell. Bahala na kung ano mangyari dahil ngayon, gusto ko malaman ang totoo na sinasabi ni Ciara kasi kapag nagsinungaling siya masasaktan ko lang siya.

Nakadungaw sa nakasiwang na pinto ang gate ang mayordoma ng bahay, Nana Cecilia.

"Sino ho sila?"

"Ako si Catherine... Catherine Psyra Hyo." nakangiting sabi ko.

Nagulat ang mayordoma sa sinabi ko, ano bang nakakagulat sa sinabi ko? Pangalan ko lang naman ang binanggit ko.

"Ah tuloy ka Señorita." sabi sa akin ni Nana Cecilia at pinatuloy ako sa loob ng magara naming mansion.

Halos wala na akong maalalang masasayang alaala dito sa mansion, nakita ko ang mga muwebles na galing pang Korea. Ang family picture namin na nakasabit sa dingding na nakaharap sa pinto. It was taken when I was 11 years old.

"Upo muna kayo Señorita, pababa na ang parents mo." sabi ng mayordoma at yumuko.

Walang ngiting bumakas sa mukha ko, di ko nararamdaman ang gusto kong maramdaman.

"Aegi-ya..." mahinang usal ni Eomma. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon.

Tinapunan ko siya ng tingin pero alam ko sa sarili ko na walang emosyon na makikita sa mukha ko. Tumayo ako at yumukod sa harapan nila.

"Cath... I miss you so much my baby..." sabi ni Eomma at niyakap ako. Humagulgol siya sa balikat ko pero hindi ko siya niyakap pabalik.

Nakita ko si Appa kasama si Kuya Clark na bakas sa mukha ang lungkot dahil siguro nakita niya na hindi ako masaya na bumalik sa bahay. Bumitaw sa pagkakayap si Eomma at sinuri ang mukha ko.

"Welcome home..." mahinang sambit ni Appa.

"Hindi po ako pumunta rito para bumalik. May gusto lang po ako malaman." malamig na sabi ko.

"Uh... ano iyon anak?" tanong ni Eomma na nangingig ang kanyang boses.

"May sinabi kasi si Unnie sa akin eh. Kung gusto ko malaman ang katotohanan eh kailangan kong pumunta dito sa mansyon." malamig na sabi ko.

"Dongsaeng, can we talk about that some other time?"

"Ano bang kinakatakot niyo kung malalaman ko? Wala ba akong karapatang malaman iyon?"

Nawawalan na ako ng respeto sa ginagawa nila. Hangga't maaari ayokong maging bastos sa harapan nila dahil hindi ako ganoon pinalaki ni Tita Aisell.

"Anak... hindi naman ginustong mangyari iyon." nangingig ang boses ni Eomma pero nag-iwan pa din ako ng malamig na ekspresyon.

"Bakit ganoon na lang kadali sa inyo ang pabayaan ako? Para bang hindi ako naging parte ng pamilyang ito? Sana hindi na lang kayo nagparamdam eh. Alam niyo, tahimik na 'yung buhay ko... simula nang dumating 'yang lintek na babae na iyan!" galit na sigaw at tinuro ko ang bagong dating na si Ciara.

"Simula nung dumating kayong lahat! Nagkanda-leche-leche na ang buhay ko! Sana hindi na lang kayo bumalik, mas maiintindihan ko pa... okay na kami ni Tita Aisell eh." naiiyak kong sabi.

"Catherine, you don't understand!" singhal ni Kuya Clark.

"I don't understand what? Ano? Ano ang hindi ko maintindihan? Bakit ba hirap na hirap kayong ipaliwanag dito sa harapan ko mismo!?" Di ko mapigilan mapahagulgol, sobrang sakit. Halo-halo na ang sakit na nararamdaman ko, nakakapagod na...

"Mianhae..."

"Alam niyo? Ayoko na, napapagod na ako na paulit-ulit na lang akong nasasaktan. Isa lang naman ang hiniling ko sa buhay at alam niyo iyon pero bakit hindi niyo binigay sa akin?"

Nakayuko silang lahat at bakas ang lungkot at sakit sa mata nila. Patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ko pero hindi ko iyon pinansin.

"Hayaan mo muna kaming mag-explain."

"Hayaan mag-explain!? Naririnig mo ba ang sarili mo ha? Dahil sayo, kung hindi ka nagpakita eh di sana hindi kami aabot ni Kyle sa ganito!" galit na sigaw ko Caira.

"I'm just testing your relationship, believe me gusto ko lang malaman kung mahal ka talaga ni Kyle..."

"Hindi kami guinea pig for you to test us! Hindi niya ako mahal, masaya ka na ba? Sa tingin mo ba sasama siya sayo na walang pag aalinlangan kung mahal niya ako?! I really... really hate you to death!" singhal ko at dinuru-duro ko siya.

"Enough Catherine..." awat ni Kuya Clark sa akin at inilayo niya ako kay Ciara.

"Tama lang 'yung ginawa ni Ciara, Catherine. Mas mabuti pang ilayo ka kay Kyle dahil maling-mali na magsama kayong dalawa." sabi ni Kuya Clark at matalim kaming tiningnan ni Ciara.

"Oppa... wae?"

"Hindi mo ba alam ang lahat ng katarantaduhang ginawa niya sa'yo? Magbubulag-bulagan ka na lang ba porket mahal mo siya? Wala sa pamilya natin ang pagiging tanga Catherine!"

Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi ni Kuya Clark.

"Oppa tama na!" awat ni Ciara kay Kuya Clark.

"No, dapat malaman ni Catherine kung ano ginawa sa inyong dalawa ng gagong Kyle Xavier na 'yon!"

"Hanggang ngayon pa ba ay galit ka pa rin sa kanya? Ha!? Hindi ka ba nakunteto na nakipaghiwalay ako sa kanya dahil sinabi mo! Wala kang maiharap na dahilan sa akin kung bakit kailangan kong gawin iyon!" galit na sigaw ni Ciara at umagos ang luha sa pisngi niya.

Napatanga ako sa sinabi niya, mataman kong tiningnan si Kuya na blangko amg ekspresyon.

"Hindi mo na kailangang malaman Ciara dahil alam kong di mo gugustuhing malaman iyon."

"Then let us know kasi hindi kami tanga Oppa! Hanggang kailan mo kami idadamay sa galit mo kay Kyle!?" inis na sabi ni Ciara.

"Hangga't mawala siya sa landas natin dahil hindi ko kailanman pinangarap na maging parte ng pamilya natin ang Adamson na iyon!" galit na sigaw niya.

"Dahil ang mga Adamson ang dahilan kung bakit muntik nang masira ang pamilya natin at kung bakit muntik nang mawala sa atin ang kompanyang matagal nang inalagaan ni Appa!"

Nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung totoo ba itong nalalaman ko dahil isa lang ang malinaw, muntik nang sirain ng mga Adamson ang pamilya namin at hindi ko alam kung bakit.

The Pretended Bride (Completed)Where stories live. Discover now