Epilogue

25 1 3
                                    

 

 

“Life isn’t always easy, but when you have God, everything is okay.”

 

***

We may be experiencing life’s difficulties, struggling for something, pain and all. And as human in flesh normal lang naman sa atin ang masaktan, mahirapan at mapagod. Normal lang sa atin ang magalit ang maghanap ng masisisi. Pero ang sinasabi ko lang naman ay normal lang at nangyayari lang ng isang beses. Ngayon kung ginagawa mo na itong hobby ay matakot ka na.

Dumadating pa nga sa point na maging ang Diyos na lumalang sa atin ay inaabot na ng ating galit. Na maling-mali. Hindi mo ba naisip na baka naman sinusubukan Niya lang tayo? Sinusubukan Niya kung hanggang saan makakarating at aabot ang lakas ng pananampalataya natin sa Kanya? 

Walang madali sa buhay pero hindi tayo naririto sa mundo at humihinga para lang pahirapan. Nandito tayo para matuto sa lahat ng mga bagay na nangyayari sa atin. Maging ito man ay magaan o mabibigat.

Life may not be that easy pero isa lang ang masasabi ko sa’yo God has His own plans that will lead to our own happiness. Isang araw masasabi mo na lang na, “Ah, kaya pala.” Kaya tayo dinala sa ganoong sitwasyon ay para matuto at maging matatag at hindi para hayaang malugmok.

SANA sa mga pinagdadaanan  man natin ngayon ay hindi tayo mawawalan ng pag-asa na mayroong Diyos na hinding-hindi tayo bibitawan lalaong-lalo na at kailangan natin ng may matibay na kamay na hahawakan tayo para hindi tayo pabayaan na lang na nakadapa.

***

Kim Yoona

a blogger

...

...

...

Now signing off...

She carefully closed her laptop with a genuine smile on her lips. She put it over the table and went off to meet his dad.

“Baby girl!” Ulit na sigaw ng kanyang ama, tama lang para marinig niya. Nilingon niya ito. Tila ba naging slow motion ang ginawa ng dalaga dahil sa gaan ng pakiramdam na bumabalot sa katauhan nito. Sa paningin ng kanyang ama ay isa siyang babae na may tatag ng loob. Bagaman ilang beses nang nakaranas ng pagkadapa ay hindi ito napagod na tumayo at magsimulang muli.

“Annyeong haseyo papa.” She greeted in a delighted way.

“Let’s go we might get stuck on traffic. I will let you eat all the rice cake in street.” Mr. Kim said as he escorted his daughter along the way. Ang tinutukoy ng ginoo ay ang traffic ng mga taong sabay-sabay na naglalakad patungong myeongdeong.

December na ngayon kaya nababalot na ng makakapal na nyebe ang buong paligid. Mag-aanim na buwan na ng mapagdesisyunan ng dalaga na magsettle na sa Seoul. At nang banggitin niya ito sa kanyang ama ay masayang-masaya ito. Like what he always wanted to do. Gustuhin man nitong noon pa iyon gawin ay hindi niya magawa dahil nasa Manila ang buhay ng kanyang anak. On the second thought hindi rin naman ginusto ng ginoo ang dinanas ng anak para lang dumating sa point na mag-se-settle sila ng Seoul.

Ngayon ang tanging nasa isipan na lamang ng ginoo ay hindi na nito hahayaang kung sinu na lamang ang mananakit sa kanyang nag-iisang anak habang siya ay nabubuhay.

“This is what I miss about Korea.”

Tumingin ang dalaga sa kanyang ama na ngayon ay inililibot ang paningin sa paligid at mukhang nag-eenjoy sa nakikita. As if it was his first time. Napangiti siya sa nakitang tanawin at saka kinuha ang kamay ng kanyang ama. Hindi siya nagkamali sa piniling desisyon. Ngayon masasabi na ng dalaga sa kanyang sarili na handa na siya sa mga mas magagandang pagbabago pa ng kanyang buhay. Kasama ng nag-iisang lalaki sa buhay niya...

“Appa!” Yoona mumbled while raising their both hands in the mid-air.

“You call me appa?” Her dad asks in disbelief. Ito ang kauna-unahang tinawag niyang appa ang kanyang papa. Hindi niya lang alam kung gaano kasaya ang papa niya sa tinuran ng anak niya. He must really love his country in every way kaya ganoon na lamang ang kasiyahan nito.

“Appa!” Pag-uulit nito at nakasisiguro siyang simula ngayon mauulit at mauulit pa ito. “Let’s hold hands as if we’re real couples.”

“We are.” Masayang tugon ng ginoo at mahigpit na hinawakan ang kamay ng anak. Ganoon din ang nararamdaman ng dalaga. Magkahawak-kamay nilang nilakad ang mataong kalsada ng myeongdeong ng may ngiti sa kanilang mga labi.

Isa lang ang nasisiguro ng dalaga, ‘this is not the end.’

*******************************

The End***

Meeting with a strangerWhere stories live. Discover now