Chapter 7

19 1 0
                                    

When you can tell a story and it doesn’t make you cry, you know you have healed.

2 years later...

Natutuwa ako sa mga naging pagbabago ng mga mahahalagang tao sa buhay ko, in a good and better way. Si Marie, pinepursue niya ang pagiging cumlaude ng former university ko. Yes, former. I graduated with honour. Nakapag-exam narin naman ako for the licensure at syempre ang resulta, pasado. Gusto ni papa na sa kumpanya na agad ako magtrabaho pero napag-isipan ko na, why not try as a walk-in applicant? Sa umpisa hindi ako pinayagan dahil para saan pa raw at nag-aral ako kung hindi ko naman raw gagamitin?

Para saan pa’t ako si Yoona Kim para hindi mapapayag ang papa ko?

Kinausap ko siya nang maayos at ipinaliwanag ko ang side ko. Syempre gusto kong trabahuhin ang kursong natapos ko. Pero sabihin narin nating I just love exploring new things. Isa pang taon lang naman after that magseseryoso na ko sa talagang gusto ko.

Did I change a lot? Ako parin naman to.

Higit isang taon na ang lumipas para hindi magkaroon nang pagbabago sa isang tao. At nakakasiguro akong sa mabuting paraan naman.

Nandito ako ngayon sa harap ng unang kumpanyang aaplyan ko. At kung papalarin this will be my first job experience. It’s already seven-thirty in the morning, Monday.

“Excuse me sir, do you know where I can find the rooms for the applicant?” I asked the front guard of the building.

“Mag-aapply po kayo, ma’am?” balik na tanong nito. Seryoso ang mukha nito at halatang istrikto.

I smiled. “Yes, alam niyo po ba?” I ask again.

“Pero ma’am puno na po ang listahan e. Sa susunud na araw na lang po.” The front guard replied to me.

Napa ‘huh’ na lang ako. Puno agad? May pinapanigan ang isang ito ah.

Bagsak ang balikat na naglakad na lang ako palayo. Better luck next time. Malaki ang Makati and I’m pretty sure I’ll find the one.

I’m making my way sa isa sa mga puntirya kong magandang kumpanya. Napadaan ako sa isang police post at nakita ko ng hindi sinasadya ang pamilyar na pigura ng isang lalaki.

‘Pamilyar’ pero I’m not sure when and where did I met him.

Sa itsura niya halatang may hinihintay siya na hindi siya sinulpot. Nakakatawa ang itsura niya. Muntanga lang. Hindi siya mapakali sa pagtingin-tingin sa phone niya. Mukha nga siyang may hinihintay. Lalagpasan ko na sana siya dahil hindi naman siya ganoon ka importante para kamustahin, baka nga hindi niya narin ako natatandaan.

Bahagya kong iniyuko ang ulo ko nang makalapit na ako sa kanya. But,

“Hey...” He yelled.

The heck, kailangan talaga sumigaw? Ang sakit lang sa tenga.

Sinimangutan ko nga. “Kurimaw naman... are you nuts?” I retorted.

“Anu? Kurima.ako?” balik tanong nito habang nakaturo pa sa dibdib ang hintuturo nito. Hindi makapaniwala na kurimaw siya. Napangiti naman ako sa reaksyon niya.

“Just kidding... Anyway I have to go. Bye.” I said just to end the conversation.

Paalis na sana ako nang pigilan niya ako sa wrist ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya naman marahan niya itong binitawan.

“Sorry, pero Yoona samahan mo naman ako kahit ngayon lang? Please?”

Nagpapatawa ba siya? Hindi naman kami close ah, ang tagal na simula noong huli naming pagkikita. Atska may gagawin pa kong importanteng bagay.

Meeting with a strangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon