Chapter 11

21 1 0
                                    

“Since you came into my life, my heart does not beat anymore it sings.”

Kanina pa ako parang timang na paulit-ulit na binabasa ang isang text message na galing sa isang unregistered number. Pero kahit hindi ko kilala ito nagkaroon ako ng ideya sa paraan ng pagte-text niya...

[Hey, you feel the same way too, hindi ba? C’mon together let’s figure it out. Let’s have a date my heart.]

Well that’s how he composed it. Geez, my heart daw? Is that an endearment? Figure it out together? Ano ba tong puso ko ayaw tumigil sa pagpintig nang mabilis at sunud-sunod. Parang ang tanda ko na para kiligin ng ganito.

Wait nga lang. Kanina pa ko naghihintay sa kanya ah, talagang ako pa ang pinaghintay niya? Magdedate daw kami pero guess what? Nasaan niya ako pinapunta? Sa mall, ang luma naman. Wala namang nakakakilig sa lugar na ito. Sana man lang sa amusement park na lang dahil gusto ko namang mamasyal doon. Bata pa ako nung huli akong makapunta doon.

Inilibot ko na lang ang mga mata ko sa mga taong nagdadaan sa harapan ko. May mga ilang couples at family, merun din namang magbabarkada. Pero anung gagawin ko? Almost thirty minutes na akong nakaupo.

“Ang tagal mo naman. Tuloy pa ba tong date na ito?” I blurted out.

“Pwede ng sabitan ng hanger ang nguso mo dahil sa sobrang haba.”

And speaking of the devil. Ang dami niyang dala, mukhang galing siyang supermarket. At date daw? Hindi naman pangdate ang suot niya. Naka plain white shirt lang siya at maong pants and with a pair of slippers? Yung totoo? Date ba talaga to?

“Luh, hanger? Pinaghintay mo ko for pete’s sake tapos ganyan lang ang ayos mo? Seriously, are you going on a date? Sa mall pa.” Maktol ko na animo girlfriend e hindi naman.

“You’re cute. Okay lang ba na iwan muna natin to sa sasakyan tapos daan tayo sa boutique mamimili tayo ng damit mo.”

“What do you mean? Anung damit? Saan tayo pupunta? Atsaka ang layo ng car park naman paglalakarin mo ko papunta dun? Yeah, alam kong matagal na akong cute. Pero saan tayo pupunta? Why do I need clothes?” Sunud-sunod at walang prenong tanong ko.

“Don’t be so stubborn, hindi ka na bata.” Seryoso nitong sagot.

Me?  Stubborn? Wow lang ha. How can he tell me those? Hindi kita kakausapin, manigas ka diyan. I told to myself. Kaya ayun, nung mapansin niyang wala akong balak na sumunod sa kanya tiningnan lang niya ako ng medyo annoyed na at hinwakan ako sa wrist ko at iginiya papuntang car park. Nagpadala na lang ako, naiinis ako sa kanya. I never expect him to be that rude.

“Bakit ang tahimik mo?” maya maya pa’y tanong nito. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe papunta sa batanes. Yun ang nabanggit niya sa pagkukwento niya. Nakikinig lang ako pero I never utter any single word. Masama ang loob ko sa kanya, hindi ko naman mapigilan na hindi

samaan ng loob. Nakakainis naman kasi talaga. Sinabay-sabay niya, simula sa pinaghintay niya ako tapos pinaglakad palabas at pabalik ng mall at pagkatapos pupunta kami sa Batanes ng bigla-bigla. Ang labo naman ng kurimaw na ito, urgh lahat na ata matatawag ko sa kanya. Tapos tatanungin niya ko why am I so quiet daw? The nerve.

“Sorry for being rude kanina.” Bigla niyang tugon ng hindi ako sumsagot pabalik.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at pagkaraan ay ibinaling ko ang mata ko sa bintana ng kotse. Pero boom, did he say the magic word? Pero nakakasama kasi ng loob.

Meeting with a strangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon