Chapter 15

15 1 0
                                    

“We are mostly blinded, we do not think mostly because of the fact that we love them endlessly...”

WE’RE now heading to his residence... Hindi ko alam kung bakit sa dami ng pupuntahan namin e sa kanila pa. Hindi ko tuloy mawari ang mararamdaman ko. Magkahalong kaba at excitement dahil this will be my first time na makakatapak sa kanila at mami-meet ko ang parents niya.

Medyo  kaunting katahimikan pa nga ang  nangibabaw sa pagitan namin. Hindi ako nagkalakas loob na magsalita unless siya ang magtatanong. Wala pa rin siyang ipinagbago bukod sa kaunting maturity na makikita sa ayos at tindig niya. Although hindi ko naman sinasabi na immature siya before. Nakadikit parin ang maliliit na bigote niya naalala ko pa noon na gusto ko iyong ipatanggal sa kanya. Maybe that is the one thing that I like the most about him bukod sa singkit at maliliit na niyang mga mata. Bahagya akong napapangiti sa pagkakaalala ng mga iyon.

“Why are you smiling?” Napaigtad ako ng marinig ko ang baritonong boses nito.

Umiling lang ako  at simpleng ngumiti bilang sagot.

“Wala ka paring ipinagbago pero mas lalo kang gumaganda.” Nakatingin niyang sambit. Hindi ko alam kung compliment ba iyon.

Nahihiya naman akong napayuko at pagdaka’y ibinaling ang tingin ko sa ibang direksyon. “At wala ka paring ipinagbago, bolero ka parin.”

“Kakaiba ka talaga...”

“Sabi nga ng iba...” sagot ko naman.

“Yoona.” Tawag nito.

Nilingon ko siya at bahagyang pinagkunutan ng noo. “Why?” I asked.

“Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.”

“Why of all the place sa bahay niyo pa? At isa pa dapat ako ang kinakabahan ngayon not you.” Medyo mataray na sagot ko.

“You’ve changed a bit. Ang taray mo sa akin. Magready ka na malapit na tayo.” At pagkaraan ay wala ng nasalita pa ni isa sa amin.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagmamasid sa paligid. May pakiramdam ako na gusto kong magback out. Pero anong sasabihin ko sa kanya?

“We're here.” He declared that made stop from thinking of backing out. Now, I’m dead...

“Hey, don’t have plans of getting out of the car.” He asked.

Bahagya ng nakabukas ang pinto sa pwesto ko ng hindi ko man lang namamalayan. Bahagya rin siyang nakadungaw...

“No, maybe plans of backing off.” I mumbled softly.

Ngumunot naman ang noo nito. “No way! Come on let’s go.” At saka walang paalam na kinuha ang kamay ko. Ang pagdidikit na iyon ng aking balat sa kanya ay nagdulot  ng paglakas at pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Just like before.

Habang ako ay tahimik na nagpapaubaya sa kanya hindi ko maiwasang hindi tingnan ang paraan ng paghawak niya sa kanang kamay ko. Mahigpit ito na tila ba ayaw ng bitawan pa.

‘Sana hindi mo binitiwan yan noon.’ I mumbled to myself.

Pagtapat namin sa main door ay malawak niya itong binuksan at bumungad sa amin ang dalawang maid na mga nasa edad dalawampu’t lima pataas at isang medyo may edad ng lalaki na isa siguro itong butler. Silang tatlo ay pawing mga nakangiti.

Iginala ko ang mata ko sa paligid at talaga namang kamangha-mangha ang loob nito. Unlike sa amin mababa ang kisame dahil Korean style iyon pero sa kanila high ceiling that made it more bigger. Maganda na sa labas at lalong-lalo pa sa loob nito. Unang bubungad sa pagpasok namin ay ang malaking sala na may mga naglalakihang sofa. Isang medyo may kalakihang center table na bagay na bagay sa kabuuang kulay. Ito ay halos gawa sa mga native na kahoy na napinturahan ng matitingkad na kulay kayumanggi. At ang mga muwebles na halata naman ding may mga halaga na bagay na bagay rin naman sa interior nito.

Meeting with a strangerWhere stories live. Discover now