Chapter 2

51 2 1
  • Dedicated kay Marj Ortinez
                                    

‘Can you hear my heart, calling for you, loving you? I hope you will know someday’

 

Nagising ako sa puting liwanag na nagmumula sa taas.

“Nasa heaven na ba ako?”  I whispered as I open my eyes, gradually. Nakakasilaw.

“Of course you are not.”  One, manly, yet familiar voice retorted.

Napatingin ako sa bandang kaliwa ko kung saan nanggagaling ang boses. Pamilyar na boses. Ang boses ng lalaking matagal ko ng minamahal. Isang pekeng ngiti ang sumilay sa mga labi ko na parang nakatikim lang ng isang patak ng apdo na nagbigay pait sa lalamunan ko. Bakit ba sa dami ng maiisip ko e itong pagkabroken hearted ko pa.

‘Bitter lang ako ngayon’

“Sayang naman akala ko end of the world ko na.” I replied.

Isang kunot naman na noo ang iginanti nito bago nagsalita. “Are you out of your mind? Dreaming for your own death? Tsk.”  He mumbled in anger. Napalunok naman ako, ayoko siyang nakikitang nagagalit sa akin. Nagbibiro lang naman ako.

Pilit ko siyang nginitian. “I was just joking. Don’t be so serious...” I said in a low voice. Yung tipong napagalitan ng ama sa kakulitan.

“Fine, Tito Andy will be here any moment I already called him. He’s concerned about you.” He said normally.

“Of course he’s concerned. I am the daughter here.” I said almost laughing agad ko naman itong binawi ng mas dumomble pa ang pagkaseryoso ng nilalang na ito. Ang hirap patawanin parang kanina lang ang ganda-ganda ng mood niya.

“Whatever ,Yoona Kim.” He said and stood up for so many times of my life.

“Where are you goin’?” I asked. Aalis na naman ba siya? Palagi na lang niya akong iniiwanan mag-isa hindi niya ba alam kung gaanu ko kagusto ang palagi siyang nakikita? ‘Of course he wouldn’t know’ Ayan na naman ang inner self ko. Sumasagot bigla-bigla walang pasabi, walang preno nakakasakit na kaya.

Isang simpleng ngiti ang awtomatikong gumuhit sa mga labi ko.

Anu nga bang nagustuhan ko sa lalaking ito?

Bukod sa broad shoulders niya at ang matitigas niyang biceps. Ang maganda niyang boses na parang boses ng paborito kong singer galing Seoul na si lee min ho. Ang mukha niya na perpektong iniukit ng isang sikat na iskultor. Lalong lalo na ang ilong niya na gustong-gusto ko at palihim kong hinahawakan sa tuwing tulog ito. Ang magkabilang pisngi niya na natural na mapula pababa sa kanyang mga labi na parang ang sarap humalik. Hmmmm, hindi kaya siya naninigarilyo? Dahil mapupula ang mga ito karamihan kasi sa mga naninigarilyo ay maiitim ang mga labi at talagang ang pangit nga naman tingnan.

At ang katawan niya sa bandang tummy I bet may six pack abs doon. Tamang tama ang katawan niya sa isang perpektong lalaki. May time pa pala siya sa pag gigym. Sa height niyang five feet and eleven inches kahit sino mapapatingala. Sino ba namang hindi magkakagusto sa ganitong definition ng isang lalaki? At isa na ako doon. Mahal ko siya sa kahit anung merun pa siya. Kahit hindi ko pa siya ganoon kakilala. Sa walong taon na pinagsamahan namin wala akong kaalam alam sa family background niya. Ang alam ko lang business partner ang dad niya at ang papa ko.

From there wala na akong ibang alam pa sa kanya. Pero kahit pa, kahit anu pang tinatago niya minahal ko parin siya at mamahalin ko parin siya.

Napatigil ako sa pag aalala-ala nang may magsalita.

Wala na pala si Cy kailan pa? Hindi ko man lang namalayan na bumukas ang pinto.

“Baby girl how are you feelin’ right now?” It’s my papa. My over protective papa, and the man that I love the most.

Meeting with a strangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon