Chapter 13♥♥

114 2 4
                                    

Chapter 13

“Ang pagkain ay kinakain. Hindi tinititigan.” Untag ni Ate Lara sa akin. Lunes na ng umaga at sabay-sabay silang magkakapatid na mag-agahan.

Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin sa mga ate ko na nakapasa ako sa scholarship dahil una sa lahat, Hindi nila alam na nag-apply ako ng scholarship abroad.

Hindi ko alam kung matutuwa sila dahil hindi biro ang mag-aral sa London. As if isang sakay lang ang London sa Manila diba?

“Ate Lara…”

“Wala pang sweldon.” Her sister cut off. Bigla akong napakunot noo.

“Hindi ako manghihingi ng pera no!” nakasimangot kong sabi.

“Okay. Akala ko may nakita ka na namang bagong libro sa bookstore.”

“Hindi no,” lalo akong kinakabahan dahil ngayon ko lang nare-realize na hindi nga biro ang desisyon na ginawa ko.

For pete’s sake! I’m going to study in London! The motherland of David Beckham, Daniel Radcliffe and the famous boy group--- One Direction!

“Ano kasi…”

“Boyfriend mo na si Zandro?” singit naman ni Ate Jene. Biglang nanlaki ang mga mata ko pero ngumisi lang si Ate Jene.

“Ate!”

“Well? If I’m not mistaken, nag-date kayo last Saturday. Right?”

“Hindi kami nag-date!”

“Eh ano ang emote mo?”

“I passed the scholarship.” Finally! Nasabi ko na rin.

“Good.”

“Wow, sis!” okay? mahina ang reception ng utak ng mga ate ko.

“Exchange student sa London.”

“What the…” halos marindi ako sa boses ng dalawa.

Ang OA ah?

“London?” para silang mga tanga. I sighed.

“Yes. London. Actually hindi ko pa na-fo-follow up dahil last Saturday ko lang nalaman mula kay Zandro na nakapasa ako.”

“Hanep! Bigatin ka, sis.” Nakangiting sabi ni Ate Jene. Medyo nabawasan ang kaba ko.

“Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na may ganyan kang scholarship na pinasukan?” may halong panenermon namang sabi ni Ate Lara.

“Ewan. May sapi ata ako that time. But the bottom line, I passed it.” Well, hindi ko naman talaga alam kung bakit ako kumuha ng scholarship.

And take note? Sa London pa? eh ang dami namang universities dito sa Pilipinas?

Eh kasi nga may gusto kang patunayan

Bigla ko na namang naalala si Aiden.

Si Aiden na naman?

Bakit ba kasi dapat i-associate ang pangalan ng lalaking ‘yon? Pero to be honest, hindi ko rin alam kung bakit ako nag-apply ng scholarship abroad.

“So, kailan ang alis mo?” tanong ni Ate Jene.

“After graduation.”

“’Agad-agad?” halos sabay na sabi ng mga Ate ko.

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa reaction nila.

“Joke lang.”

“Kailan nga?” pangungulit ni Ate Jene.

“Nagmamadali?” nakataas ang kilay kong tanong.

“Oo. Para lumuwag naman sa kwarto.” Naka-ngisi nitong sagot.

Hah! Kaya pala!

Dalawa lang kasi ang kwarto sa bahay. Ang isa ay solo ni Ate Lara dahil maliit lang ‘yon.

Ang may kalakihang kwarto naman ay share kami ni Ate Jene. Well, medyo masikip na rin dahil sa dami ng gamit na namin.

Halos matatabunan na kami.

Sa mga libro pa lang kasi, mahihiya ang National library dahil kung may common hobby kaming magkakapatid, iyon ay ang pagbabasa.

“Ang sama mo, ate.” Nakasimangot kong sabi.

“For sure mami-miss ‘nyo ang kagandahan ko.”

“Baka ang kaingayan mo?” pang-aasar naman ni Ate Lara.

“Oo. Tama. Ang golden voice ko.” Hindi nagtagal ay nagkanya-kanya na kami sa pag-aayos para sa pagpasok.

“Wow! Trish. Congrats. Nakapasa ka daw ah?”

“Nice, Trish. Makakatapak kana sa lupang tibuan ng 1D.”

“Pasalubong pagbalik mo ah?” Hindi na ako magkanda-ugaga sa mga sinasabi ng mga classmate ko. Grabe!

Wala pa ngang naka-post sa bulletin board pero lahat na sila ay bumati na sa pagpasa ko.

Pero ang mas malala ay ang mga best friend ko. Parang sa ibang planeta ako pupunta kung makabilin. Wagas!

“Mag-iingat ka doon, Trish. Basta tatawag ka lagi ah?” for the nth time na sabi ni Nikka.

“Oo nga. I-text mo kaagad sa amin ‘yung roaming number mo.” Paalala naman ni Joyce.

At ako pa ang tatawag talaga? As if fifty cents lang per minute ang long distance call.

“Basta, friend. Alam mo kung ano ang size ng paa ko ha? Tapos magka-size din naman tayo ng katawan kaya ikaw na ang bahala. Alam mo kung ano ang gusto kong style.” Sabi naman ni Monica.

“Magsitigil nga kayo.” Saway ko sa mga kaibigan ko.

Iniisa-isa na kasi ng mga ito ang mga pasalubong nila, what time dapat kaming mag-i-skype at kung anu-ano pa.

“Hindi pa naman tapos ‘yung mga school activities natin. Dapat doon muna ako mag-focus. Kaya utang na loob. Magsitigil na kayo.”

“Sus! Mabilis na lang ‘yon. Matapos lang ang month na ito. Wala na tayong stress. Mag-iintay na lang tayo sa graduation.” Sabi ni Joyce.

“Kaya dapat pag-usapan na natin ang pag-alis mo, okay?” sabat naman ni Monica.

Napailing na lang ako. Hindi talaga ako mananalo sa tatlo.

Tama. Matapos lang ang mga school activities. Ang mga papers ko naman para sa pag-alis ang aasikasuhin ko. Kapag ayos na ang lahat makaka-alis na ako.

Maisip ko pa lang na aalis ako ng bansa parang maiiyak ako.

Panibagong environment at pakikisama na naman. Mas doble pa dahil ibang bansa pa iyon.

Para tuloy gusto kong magsisi dahil nag-apply ako ng international scholarship.

____________________________________________________________

Belated Happy Birthday to my #1 FAN *meron ba?* Dorothy Joyce Albalate!!

hinihingi niyang gift si Aiden... sabi ko nxt year na lang kasi busy pa ang lolo nyo xD

Girl, this chapter is for you ^___^ dahil sa walang sawang magmo-motivate!!

hahahaha!! nafe-feel ko na matatapos ko na rin sina Aiden at Trish!! I can feel it!!

TIWALA lang!!

VOTE > COMMENT > FAN xD :)))

XoX

If You Only Knew:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon