Chapter 2 ♥♥

155 2 3
                                    

Chapter 2

Mula sa pagkakatalungko, I saw the most handsome guy on earth! He had light brown messy hair, a very expressive dark brown eye and his lips looked so soft and sexy!

Parang ayoko ng alisin ang tingin ko sa Greek God na kaharap ko. Pero isang tikhim ang ang nagpa-balik sakin sa reality. Okay back to earth na tayo.

“Why are you here, Trish?” tanong ng evicted version ni Zeus. Kailan pa ako nakilala ni Zeus?

“Trish, are you okay?” may pag-aalalang tanong ng kaharap ko.

When the smokes clear, saka ko na-realized na hindi ang Greek God na si Zeus ang kaharap ko instead si Aiden Kristoffer Laurent ang nasa harap ko.

Bigla naman akong napa-ngiwi dahil sa realization na iyon. Labo na talaga ng mata mo girl!

Si Aiden ang dakilang boss ng Ate Lara ko. Eh paano ba namang hindi dakila, at his very young age he is already one of the most youngest self-made millionaire in Asia.

Twenty seven pa lang si Aiden pero napaka-successful na niya, not to mention sa super yaman na.

Siya ang may-ari ng restaurant kung saan nagtatrabaho bilang chef ang ate ko. Isa lang sa maliliit na investment ni Aiden ang restaurant kung saan nagtatrabaho ang ate ko.

Pag-aari niya ang pinaka-sikat at sosyal na hotel dito sa Pilipinas at sa France. At bilang nag-iisang anak, siya na rin ang may-hawak ng winery ng pamilya niya sa France. Cool diba?

Marami siyang business venture, na talaga namang nagiging successful. Hindi na kataka-taka na magaling siyang businessman, Aiden came from a business clan.

His father, Mr. Roger Laurent is a French businessman tycoon and his Filipina mother, Mrs. Flordeliza-Aragon Laurent na kilalang galing sa angkan ng mga mayayaman sa bansa.

Every year, laging feature si Aiden sa mga magazine. At this year, he is entitled as the most eligible bachelor young businessman. At his age, talagang stable at secure na ang future niya at ng magiging apo niya sa tuhod!

He got the looks of a demigod and brilliant mind as a businessman, wrapped-up in one. Swerte diba?!

Matagal ng mag-kaibigan sina Ate Lara at Aiden, the same university kasi sila noon. Akala nga namin, may relasyon silang dalawa pero lagi nilang sinasabi na “bestfriends” lang daw sila. Madalas bumisita sa bahay namin si Aiden kaya masasabing close friend na siya ng pamilya namin. At noong naaksidente ang parents namin, siya rin ang unang taong nagbigay ng tulong. And after that day, humanga na ako sa kanya. Masasabi kasing kakaiba siya sa ibang mayayaman. In-born ata kay Aiden ang pagiging matulungin.

Kahit successful at tinitingala si Aiden sa society, his still humble and low-profile.

Malaki pa rin ang respeto nito sa mga mas-nakatatandang businessman sa kanya. Kaya wala siyang problema pagdating sa competition sa business.

Generous din si Aiden dahil, siya pa mismo ang nag-organized ng debut ko last year. And as a birthday gift, he gave me a very beautiful and expensive na diamond studded heart-shaped necklace.

Sobrang nagulat kami ng mga ate ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin kapag naaalala ko ‘yon.

Wearing a duke blue color simple t-shirt, matchstick jeans and simple sneakers, hair na parang hindi na pinagka-abalahang suklayin, hindi mo aakalaing siya si Aiden Kristoffer Laurent na young business magnate.

If You Only Knew:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon