Chapter 14 ♥♥

80 2 4
                                    

Chapter 14

“Trish!”

“Anak ng kalyo!” parang lalabas sa ribcage ko ang puso ko dahil sa boses na iyon. Hinanap ko ang tumawag sa akin.

Kung kanina ay lalabas lang sa ribcage ang puso ko, ngayon parang gusto na ring lumabas ng mga internal organs ko sa katawan!

Aiden is walking towards her!

Casual cloths lang ang suot nito. Blue colar-shirt, white cargo pants with matching color cream loafers.

Parang nasa catwalk lang peg nito.

Anong sabi ni Zac Efron sa porma nito?

Hindi kahawig ni Paul Wesley si Aiden pero parang ganoon ang dating nito sa akin.

Kapag napapanood ko sa The Vampire Diaries ang actor. Talaga namang abot hanggang split ends ang kilig ko.

“What are you doing here?” una ko ng tanong.

“Nothing,” batukan ko kaya ito?

“Ha?”

“Wala,” I-combo ko na kaya?

“Ewan.” Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

But deep inside ay hinihiling ko na sana ako ang dahilan kung bakit naligaw sa vicinity ng school namin ang isang Greek god. Este --- si Aiden pala.

“Wait!”

“Ano ba?” parang may gusto itong sabihin na ewan.

“Coffee tayo?” muntik ng malaglag ang panga ko.

Si Aiden inyaya akong magkape?

Bakit?

Ano ba ang okasyon?

“Come,” hinila na nito ang kamay ko. Kulang na lang ay magkaroon kami ng background music at maglitawan ang animated na puso sa tabi namin.

Ano ba ang naiisip ko?

Namalayan ko na lang na nasa Starbucks na kami.

“Bakit dito pa? Sana sa Crema na lang tayo.” Bias ako pagdating sa coffee shop ni Ate Rosanna.

Hinayaan ko na si Aiden ang mag-order. Humanap na ako ng vacant seat. Sa may bandang gilid na malapit sa glass window ang napili ko.

“Magtititigan lang ba tayo? Magka-sore eyes tayo ‘nyan.” Biro ko kay Aiden. Kanina pa ito tahimik na naka-titig lang sa akin.

Awkward!

“What?” medyo naiinis na ako dahil para kaming timang. Si Aiden lang!

“Aiden, dude I’m…”

“Kailan ka aalis?” he cut me off.

“Ha?”

“Sabi ng Ate Lara mo na-approved ‘yung scholarship mo sa London.”

“One month after graduation.” Hindi ko maiwasang lalong ma-awkward. Akala ko naman ay na-realize na niya na…

Stop! What the heck I’m thinking?

“Why, Trish?”

“H-ha?” bakit parang ang gulo? Bakit feeling ko may gusto siyang ipahiwatig sa ewan?

Tumikhim muna ito sabay ayos ng upo.

“Hmm… never mind. Anyway, congratulations, Trish.” Nakangiti na si Aiden pero parang kulang sa warmth ang smile nito.

“Thanks.” Sabi ko. pero parang labas sa ilong.

Eh ano ba ang gusto mo, Trish?

“So what’s the feeling na mag-aaral ka sa motherland ng… teka? What’s the name of that British boy group? 3D?” Ang lakas ng tawa ko. Pati ang mga katabing mesa namin ay napatingin sa aming dalawa.

“Joker ka rin, no?” nakangisi kong sabi kay Aiden. All in fairness natawa talaga ako sa kanya.

“One Direction. 1D. Ano ‘yun parang Imax lang? 3D?” nakangisi ko pa ring sabi. Nawala na ang awkwardness.

“Sorry. Malay ko naman, no.” depensa naman nito.

Past six o’clock na ako hinatid ni Aiden sa bahay. Hindi na siya pumasok sa bahay.

“Wait, Trish.” Pigil nito ng akmang bababa na ako sa kotse niya.

As usual, bago na naman ang sasakyan nito. Newest version na Lexus.

“Hmm…”

“Ano?”

“I want to…”

“To…” parang hihiwalay na sa katawang lupa ko ang puso ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

OHMYGOSH! Confession night na ba ito?

Shit! Hindi ako ready!

“I want to say na gusto kong sumama sa paghahatid sa iyo sa airport.” ‘Yun na na ‘yun? Tama ba ang dinig ko?

Pwede bang i-rewind?

Take two nga.

“O-okay.” wala sa sariling lumabas na ako. Any moment ay parang maiiyak na ako.

Geez! Ito na ba ang tinatawag na bigo?

Akala ko ka-OA-an lang nila na parang binibiyak ang puso mo kapag nabibigo ka.

But this moment feeling ko ganoon rin ang nararamdaman ko.

Walang lingon-likod akong pumasok sa bahay. Good thing at wala pa ang mga ate ko.

Welcome to brokenhearted department, Trish!

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Finally!!! wahahhaha! thanks sa mga patuloy na nagbabasa ng mga stories ko ---- kahit suuuppeerrr tagal kong mag-upload! V^____^V

ILOVEYOUGUYS!

Zac Efron and Paul Wesley's pics ------------------------------------------------------------>

Vote, Comment & Fan 

If You Only Knew:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon