Chapter 4 ♥♥

149 1 9
                                    

 Chapter 4

After thirty minutes nasa harap na kami ng Elite Tower. Literally my jaw drop! As far as I know, ang Elite Tower ang pinaka-mahal at sosyal na condo in town! Tanging may mga golden spoon lang ang nakaka-avail ng unit dito.

As we enter the parking lot, lalo akong naloka! Pano ba naman kasi eh! Parking lot naka-sentralized?! At take note, hindi basta-bastang mga sasakyan ang naka-park!

My gosh! Anong klaseng lugar ba ito?!

As I expected… para kang nasa ibang bansa dahil sa interior ng entrance hall. Pang-life style section ng magazine ang interior. Feeling ko tuloy nasa hotel ako sa Las Vegas!

“Aiden, dito ka talaga nakatira?” bigla kong tanong. Pero imbes na sumagot, tumawa lang ng bahagya si Aiden. Low profile?

Ngayon ko lang narealize na friendly pala talaga si Aiden, dahil lahat ng tao na nakakasalubong namin binabati at kilala siya! No wonder, kapag tumakbong president si Aiden sure win na ang mokong!

Habang nag-eenjoy ako sa mga nakikita ko, huli na pala para marealize ko na nasa harap na kami ng elevator! My body stiffened! No! this is a joke!

“Hey, ma dame douce! Get in,” biglang pukaw ni Aiden. Pagtingin ko sa kanya nasa loob na ito ng elevator. Biglang parang umikot ang paningin ko.

Pero sa halip na pumasok sa elevator, tumalikod ako at naghanap ng hagdan. For sure naman may staircase sila diba?!

Pero hindi pa man ako nakalayo may pumigil na sa braso ko. Again, parang may kung anong kuryente akong narandaman. Ahhhh!

Pagharap ko, ang demigod look ni Aiden ang bumungad sakin. “What do you think are you doing?” kunot noo nitong tanong. “I’m going to use the stairs, Aiden,” kaswal kong sagot, pero deep in side parang gusto ko nang himatayin. Lalo lang kumunot ang noo ni Aiden,                                                   “Maghahagdan ka?” ulit nitong tanong. Amusement is written all over in his handsome face. Errghh!

Unti-unti ng umiinit ang ulo ko. Obvious, naman siguro na ayokong sumakay ng elevator diba? Bakit parang hindi nya ‘yon ramdam? Duh! Claustrophobic kaya ako!

Bigla akong napabuntong hininga at mariin pumikit para marelax. And when I turned to Aiden again, he is staring at me! His face is softened. Parang malulusaw ang puso ko dahil puno ng comfort ang way ng pagtitig niya sakin.

“Claustrophobic ako,” mahina kong pahayag at bigla akong napayuko. Nagkaroon ako ng phobia sa elevator when I was seven. Natrap ako sa elevator for almost five hours sa dati naming apartment.

And after that day, nunka na akong lumapit at sumakay sa elevator. Kung hanggat maaari sa hagdan or scalator ang ginagamit ko.

“I know…” bigla naman akong nag-angat ng tingin kay Aiden dahil sa sinabi ‘nya. Anong ‘I know’? Hinihintay kong dugtungan pa ni Aiden ang sinabi niya, pero bigla na lang niya akong iginaya sa harap ng elevator. Hindi na ako nakapag-protesta dahil nasa shocked mode pa rin ang mga brain cells ko.

Late reaction na ako dahil sumara na ang pinto ng elevator. Parang gusto kong upakan si Aiden dahil sa ginawa niya. Pero huli na dahil bigla na lang niya akong niyakap. Halos himatayin ako sa ginawa niya. Aiden Laurent is hugging me?!

Feeling ko nasa elevator scene kami ng movie na Drive, kung saan hinalikan ni Ryan Gosling si  Carey Mulligan para sabihin na ‘yung kasama nilang lalaki sa elevator ay may baril! Darn! Hahalikan din kaya niya ako? Whaaa! Eh dalawa lang naman kami sa elevator eh! Teka! Halos mag kasing-hot naman sila ni Ryan Gosling eh! What the…

If You Only Knew:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon