Chapter10 ♥♥

128 2 0
                                    

Chapter 10

Si Aiden na may kasamang maganda at sophisticated na babae ang nasa picture. Hindi ko kilala kung sino ang kasama nito, but I bet she is a model or beauty queen...

Super sweet ng mga ito sa picture, halos magkayakap na! Anong klaseng pagtataksil ito!

Parang biglang tumigil ang mundo ko. Napansin ko na lang na hindi na pala normal ang paghinga ko. Mga taksil!!

Parang gusto kong sumigaw na ewan dahil sa mga nabasa ko. Nafe-feel ko na naiiyak na ko kaya huminga ako ng malalim.

“Baka naman matunaw na si Aiden, Trish?” biglang sabi ni Joyce.

“Ha?” wala ko sa sariling wika. Bigla namang kinuha ni Monica sa kamay ko ang magazine.

“Childhood sweetheart? Gosh naman! eh mukhang tinikling naman sa kapayatan.” Panlalait ni Monica.

“Oy, grabe ka naman, mukha kaya siyang bakawan oh,” pang-gagatong pa ni Joyce.

“Naku, mukha siyang katulong sa suot niya,”

“Oo nga, and look at her nose. My gosh! Nose job?”

“Yup for sure, and ‘yung boobs, halatang pinadagdagan din,” patuloy na panlalait nina Monica at Joyce sa pobreng babae na kasama ni Aiden.

Feeling ko tuloy, imbis na maging bitter din sa babae, parang naaawa na ako dahil sa mga compliments ng dalawa.

Muli kong tinignan ang babae sa picture, in fairness, maganda at sexy ang babae. Sure na isang super model ito dahil matangkad at ang kinis ng balat.

At higit sa lahat, hindi totoo na nagpa-nose job at breast implant ang babae. My God! Mga bulag ba ‘tong dalawa? Eh obvious naman na mga bitter sila.

May pagka-singkit ang eyes, matangos ang ilong, kissable lips at rosy cheeks ang babae. Nakasuot ito ng peach sunny dress at nakalugay ang mahabang buhok.

Ako ang taong hindi marunong ma-insecure sa iba but right now, malaking INSECURE ang nararamdaman ko. Ang assuming naman.

Muli kong tinignan ang picture nila ni Aiden, so he’s busy with her childhood sweetheart, no wonder kung bakit after a week hindi na siya nagparamdam.

Eh bakit naman siya magpaparamdam sayo Trish? napabuntong hininga na lang ako.

Oo nga naman? care to think na dapat niya akong tawagan or something...

Hindi naman kami close diba? Nagmagandang loob lang naman si Aiden na patuluyin ako sa pad nito.

Muli ko na naman naramdaman ang kakaibang sakit. Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko aakalain na magiging mabilis ang mga pangyayari,

I fall in love with my sister’s boss big time and after a week, I’m broken hearted already. Parang kailan lang inanannounce ang engagement nina Sir Allan kay Ms. Ruvelyn major heartbreak!

And now Aiden with another women!!!! major major heartbreak!

Saturday today, pero wala akong balak na lumabas ng kwarto. After kong mabasa ang article kahapon about kay Aiden at sa childhood sweetheart nito, nawalan na ako ng gana.

I know, wala akong karapatan na maging bitter dahil hindi naman ako girlfriend ni Aiden.

Hindi nga alam ni Aiden na pinagnanasaan ko siya eh!

If You Only Knew:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon