18. Love Me

2.8K 143 12
                                    

BONUS!!
Ben's POV na dapat exclusive lang sa book. Pero dahil may mga hindi na daw natulog at naghintay, I give you...the man behind Benette! 😁😂
Happy reading!


KASABAY ng pagpikit ng mga mata, kinalimutan ni Ben ang lahat ng matinong katwiran sa isip. Hindi niya kayang hindi pagbigyan ang sarili nang gabing iyon. He had missed her so much—her scent, her softness, her warmth...all of her.

He groaned when she returned his kisses with equal fire. Hindi niya inaasahan ang ganoong pagtugon ni Honey. Masama na siya kung masama pero hindi na niya pipigilan ang sarili sa pagkakataong iyon. Kung hindi man posible na maging kanya si Honey habang-buhay, sapat na sa kanya ang gabing iyon.

Sapat nang makasama niya ito magdamag...

Naging mapusok at mapaghanap ang halik niya. Umungol ito at mas yumakap sa kanya. Mas naramdaman ni Ben ang katawan nito. Ramdam niyang walang anumang suot sa ilalim ng manipis na tank top. Tinangay na ng hangin ang huling hibla ng kontrol na pinanghahawakan niya. At nang sinabayan ni Honey ang halik at mga haplos niya sa parehong intensidad, nakalimutan na ni Ben ang lahat.

Tulad niya ay tila natatakot rin si Honey na magkaroon sila ng pagitan at distansiya. Sa bawat segundong lumilipas ay mas humihigpit ang yakap nila sa isa't isa at mas nagiging malalim at mapusok ang mga halik.

Kumawala ang munting tunog sa lalamunan ni Ben nang maramdaman niyang naglalakbay na sa likod at dibdib niya ang mga palad ni Honey. Hindi niya namalayang nakalag na nito ang mga butones ng polo shirt niya. Bahagya siyang lumayo rito para magawa niyang hubarin ang manipis na tank top. Napaigtad si Honey nang dumako sa dibdib nito ang haplos niya.

Tumigil ito sa pagtugon ng halik.

Niyuko niya si Honey. Naghinang ang mga mata nila.

Matagal...

Takot at pagkalito ang nabasa niya sa mga mata nito. Hinapit niya ang katawan ng dalaga palapit bago niya inabot ang kumot sa kama at ibinalot niya rito, saka niya mariing hinagkan sa noo.

"Do you want me to stop?" anas na lang na tanong niya. Hindi niya gustong huminto pero kung sasabihin nitong tumigil sila ay titigil siya gaano man kahirap. Ilang segundong nakatitig lang si Honey sa mga mata niya na para bang doon hinahanap ang isasagot sa kanya. Mayamaya ay kumilos ito, ibinuhol sa bahagi ng dibdib ang kumot, at nang matapos ay inilapat nito sa dibdib niya ang mga palad, sinimulang damhin siya na para bang nag-e-eksperimento.

Hindi tuminag si Ben. Hinayaan niya si Honey sa gusto nitong gawin. Nagpatuloy ito sa pagdama at paghaplos sa katawan niya nang marahan, na para bang gusto nitong tandaan ang bawat bahagi niya. Nahigit niya ang kanyang paghinga nang bumaba ang palad nito patungo sa abs niya at pababa pa.

Please...

Sa isip na lang ni Ben ang pagsamong iyon. Hindi niya gustong lumikha ng tunog. Natatakot siyang baka biglang tumigil si Honey sa ginagawa at lumayo na lang sa kanya. Abot-abot ang pagpipigil niyang huwag hawakan ang babae. Sa tingin ni Ben, kailangan niyang gawin iyon para maramdaman ni Honey na ito ang may kontrol sa sitwasyon at hindi siya. Kung palalayain niya nang tuluyan ang damdamin ay mararamdaman nito ang lakas at puwersang nagmumula sa kanya. Matatakot si Honey. Nakita niya ang takot at pagkalito na malinaw sa mga mata nito kanina. Kailangan niyang pawiin iyon. Kailangang lubos siya nitong pagtiwalaan na hindi niya ito sasaktan.

Ang isang bagay na iyon, magagawa niya para rito, na hindi nagawa o magagawa ng therapist ni Honey.

Wala siyang mahagilap na hawakan kaya ikinuyom na lang ni Ben ang mga kamay niyang nasa likuran. Dumako sa jeans niya ang mga kamay ni Honey. Dahil nakayuko siya, hindi nakaligtas sa kanya ang panginginig ng mga kamay nito. Maingat niyang hinawakan ang kamay nito at siya na ang nagsagawa ng pakay sa jeans niya. Mabilis niyang nahubad iyon. Ibinalik ni Ben sa likuran niya ang mga kamay at hinintay ang susunod na gagawin ni Honey. Tumingala ito, inabot ang batok niya at hinagkan niya. Pumikit siya at nagpaubaya. Hinayaan niyang hagkan siya ng dalaga sa paraang gusto nito. Bawat dampi ng labi nito ay humihigpit ang pagkakakuyom ng kamay niyang nasa likuran sa pagpipigil na huwag itong hapitin at siilin ng mapusok na halik.

Yumapos si Honey sa leeg niya, hindi nito itinigil ang padampi damping halik sa mga labi niya habang hinahanap ang mga braso niya. Mula sa likuran, kinuha nito ang kamay niya at dinala sa sariling baywang, at ang isa pang kamay niya ay iginiya nito sa mismong buhol ng kumot sa gitna ng dibdib nito.

Tumigil si Honey at nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi ito nagsalita ng kahit ano pero nabasa niya ang pagsamo sa mga mata. Hindi rin siya nagsalita. Ngumiti lang siya at buong suyong idinampi niya ang mga labi sa noo nito bago niya ito binuhat at dinala sa kama.

Muling nagtagpo ang mga labi nila habang hinihila niya ang kumot na nagtatakip sa katawan nito. Nang muli niyang haplusin ang sensitibong bahagi ng katawan nito ay hindi na pumitlag o tumigil sa pagtugon ng halik si Honey. Mahinang umungol at malalim na paghinga na lang ang reaksion nito, at mas inilapit pa ang katawan sa kanya. Ramdam niyang hindi na ito natatakot.

Handa nang magtiwala.

Sa gabing iyon ay ibibigay niya kay Honey lahat ng kaya niyang ibigay. Titiyakin niyang isang magandang alaala ang maiiwan ng gabing iyon, at kung kasuklaman man nito lahat ng tungkol sa kanya, sisiguraduhin ni Beni na hindi kasama sa mga eksenang ibabaon nito sa limot ang mga magaganap sa pagitan nila nang gabing iyon...

Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon