8. Kiss Me?

3K 119 10
                                    

PALAPIT pa lang si Honey sa canteen ay nakita na niyang kausap ni Ben sina Hazelle at Hazenne. Doon sila nagkikita ni Ben nang ganoong oras. Magka-klase sila sa next subject. Paminsan-minsan ay nagpapanga-abot sila roon at ng dalawa pa niyang kaibigan, ang kambal. Sa tingin niya ay masaya ang kuwentuhan ng mga ito, nagtatawanan pa. Si Ben ay tila hindi na alintana ang sugat.

Lumapit siya at binati ang dalawang babaeng kaibigan. Nakipag-beso sa kanya si Hazelle, si Hazenne naman ay ngumiti lang. Hindi nito nakasanayan ang ayon rito ay 'girly gestures.' Magkaibang-magkaiba ang ugali ng kambal. Si Hazelle ay napaka-sweet at parating nakangiti. Samantalang si Hazenne ay tigasin at madalas na nakakunot ang noo. Mabilis uminit ang ulo nito kapag napapansing may mga lalaking nagkaka-interes sa kapatid. Galit ito sa mga lalaki. Ang kutob nga niya, kung hindi lang nito alam ang tungkol sa lihim ni Ben ay nunca na papayag na makipagkaibigan ang huli sa kanila ni Hazelle. Mas close sila ni Hazelle, pareho silang miyembro ng isang school organization. Si Hazelle ang una nilang naging kaibigan ni Ben bago si Hazenne. Pero ngayon ay malapit na rin siya sa tigasing kapatid nito. Kapag abala si Hazelle ay kay Hazenne siya naglalabas ng mga sentiments. Natuklasan ni Honey na good listener rin pala ito. Tigasin lang pero babaeng-babae pa rin ang puso. Silang apat ang tropa dahil pare-pareho silang mga working students.

Si Ben ay kung anu-anong raket ang pinapasok bukod sa pagiging Benette nito pagkagat ng dilim. Sina Hazelle at Hazenne naman ay parehong nagtatrabaho sa flower shop ni Mrs. Shin, ang kilalang florist at event specialist noong panahon nito. Samantalang siya ay nagsusunog ng kilay para mapanatili ang mataas na grades. Scholarship ang pinakamahalaga sa kanya. Kapag weekend, parlorista si Honey. Bukod doon, tagagawa rin siya ng iba't ibang projects, reports at reviewers ng mayayamang tamad na kaklase nila May 'talent fee' siya.

Eksakto nakaupo si Honey ay hinugot naman ni Ben ang cell phone nito mula sa bulsa. Nasulyapan niyang nagbi-blink ang aparato. May tumatawag rito.

"Excuse me," sabi ni Ben, tumayo at naglakad ng ilang hakbang palayo sa kanila matapos sagutin ang tawag. Parang nahuhulaan na niya kung sino ang caller nito base sa ngiti. Nainis na naman si Honey. Napasimangot siya, bagay na hindi nakaligtas sa dalawang kaibigan.

"LQ kayo ni Ben—ette?" nanunuksong tanong ni Hazelle, pabulong lang. Bumungisngis naman si Hazenne.

"Hindi."

"O eh, bakit ganyan ang mukha mo? Parang nagseselos ka sa caller niya?"

"Hindi ah!" napalakas niyang sagot. "Naiinis lang ako."

"Kay Ben o sa caller?"

"Hindi ko alam. Basta naiinis ako,"

"Bakit nga?" si Hazenne uli.

Pahapyaw niyang ikinuwento ang tungkol sa pagkakasugat nito dahil sa trouble sa bar nang nagdaang gabi. Sabay na suminghap ang dalawa at napatingin kay Benito.

"Hindi ko nahalatang may sugat ang bading," nakangising sabi ni Hazelle. "Mukha naman siyang walang iniinda eh."

"Nahiwa lang daw," dagdag niya. "Sa bandang tagiliran, sinagip daw ng knight in shining armor niya," nakabusangot niyang dugtong. Hindi alam ni Honey kung bakit naiinis siya kapag naiisip si Rajed--na wala namang masamang ginagawa sa kanya.

"Really?" bulalas ni Hazelle. "May something ba sila?"

"Malay ko!" asar na bulalas niya. "Kung ang lalaking iyon ang kausap niya ngayon, malamang may something nga."

"O, bakit ka affected?" si Hazenne.

Lalo siyang bumusangot. "Hindi ako affected 'no!" defensive niyang sagot. "Naiinis lang ako minsan sa kalandian niya."

Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now