12. With You

2.8K 115 14
                                    

HINDI mahulaan ni Honey kung totoo o hindi ang pagsalubong sa kanya ng yakap ni Ybeth. Ilang hakbang pa ang layo nila sa mesa kung saan nakaupo ito at ang mestisong lalaking sa tingin niya ay ang boyfriend, bigla nang tumayo ang babae at sinalubong sila na para bang galak na galak. Kung peke o totoo ang excitement nito ay hindi siya sigurado.

"Honey! Ikaw na ba talaga 'yan? My God! You've changed a lot!" ngiting-ngiting nakipag-beso si Ybeth sa kanya. "Kung hindi pa ako bumalik sa atin, hindi ko malalaman na wala ka na pala sa bayan natin? And your mother? Oh, my! Muntik nang makapatay?" bigla nitong tinutop ang bibig at tumingin kay Benito. "Oh," at nanlaki pa ang mga mata nito. "I shouln't have talked too much. Sorry. Hindi ba niya alam?"

Tumingin si Honey kay Ben. Niyuko naman siya nito at pinadaanan pa ng hinlalaki ang pisngi niya na para bang sa gesture na iyon ay sinasabi nitong 'It's okay'.
Magkasabay lang silang bumaling kay Ybeth. "Sa table na tayo, nabo-bore na 'ata ang kasama mo." sabi ni Honey.

"My boyfriend," nagmamalaking sabi ni Ybeth. "He's an international model, I bet you don't know him. Hindi ka naman mahilig sa fashion eh," at lumapad ang ngiti nito. Natiyak niyang kung may isang bagay na nagbago rito, iyon ay ang pasimple na ito kung umatake—hindi tulad noon na lantaran siya nitong ipinapahiya. At lalo itong nagngingitngit dahil marami siyang tagapagtanggol noon, kasama na ang crush nito.

"Yeah," sang-ayon ni Honey na nakangiti. "Wala pa rin akong pakialam sa fashion gaya ng dati. Alam mo namang wala akong amor sa mga taong porma lang ng porma at wala namang utak." Umiral na ang talim ng dila niya bago pa niya namalayan. Nakita ni Honey ang pagbabago ng ekpresyon nito, nawala ang matamis na ngiti at bahagyang naningkit pa ang mga mata.

That's right, unmask yourself, Beth. Show me the bitch in you. Ingat ka lang, kaya ko nang tapatan ngayon ang kagaspangan ng ugali mo, sa isip niya habang pinagmamasdan ito—ngumiti uli si Ybeth at bumaling sa kasama nitong tumayo rin nang makalapit na sila. Ipinakilala siya nito sa lalaki. Donny raw ang pangalan nito.

"Hi," pagbati ni Honey at inabot niya ang inilahad na kamay ni Donny. Ipinakilala rin niya si Benito sa mga ito. Nagpalitan ng pagbati ang mga ito at nagkamay. Nang nakaupo na sila ay napansin niya ang madalas na pagmamasid sa kanila ni Ybeth. Para bang nawala na sa kasama nito ang atensiyon at nalipat iyon sa kanila. Samantalang sila naman ni Benito ay pinanindigan ang ilang araw nilang pinaghirapang i-practice—ang titigan, ang ngiti, ang pasimpleng lambingan—ang kumilos na parang silang dalawa lang ang nag-eexist na tao sa mundo.

Nang lumapit ang waiter at ibigay sa kanila ang menu ay hindi na niya binuklat iyon, sa halip ay nakangiti siyang tumingin kay Benito na gumanti rin ng ngiti. Pinag-usapan na nila iyon, na ito ang o-order para sa kanila, para palabasin na kabisado nito lahat ng gusto at paborito niya.

"Favorite one, two or three, sweetheart?" ani Ben habang nakatutok ang tingin sa menu. Scripted ang tanong na iyon. Kunwari ay may tatlo siyang paborito na silang dalawa lang ang nakakaalam.

"Two."

"Okay," sabi nito. "Dessert?"

Bahagya siyang dumikit rito at bumulong—bulong na siniguro niyang nakaabot sa pandinig ni Ybeth. "'Yong kasing sweet ng lips mo," saka siya pilyang bumungisngis.

Magaang tumawa si Benito. "Naughty," kasunod ang mabilis na halik sa tungki ng ilong niya. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita ni Honey na palihim silang sinusulyapan ni Ybeth. Kanina ay naglalambingan rin ang mga ito habang nagpapalitan ng pangungusap tungkol sa gustong kainin. Tinalo ng sweetness nila ang lambingan ng dalawa. Kung tama ang hula niya ay hindi na nito nagugustuhan ang sitwasyon. May palagay siyang hindi nito inaasahan iyon—na may hunk boyfriend nga siya na 'mahal na mahal' siya. Gusto niyang humalakhak ng malakas.

Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon