13. Sway With Me

2.6K 114 6
                                    

"BEN?" wala sa loob na usal ni Honey matapos siyang dumilat. Hindi niya namalayang naidlip siya. Nagising siya sa pakiramdam na tila idinuduyan. Buhat-buhat pala siya ni Ben at nakapasok na sila sa apartment.

"Akala ko, hindi ka na magigising," kaswal na sabi nito at marahan siyang ibinaba sa sofa. Binalikan nito ang pinto at isinara iyon. "Mahimbing na si Mamu," dugtong nito at tumingin sa direksiyon ng silid niya. Naroon ang ina-amahan niya. Bukas pa ang uwi nito sa Cavite. "Pumasok ka na sa room mo, matutulog na rin ako," sabi nito bago nagsimulang kalagin ang mga butones ng long sleeves na suot.

Tumayo na si Honey bago pa niya makita ang hubad na itaas nito. Naglakad na siya patungo sa silid pero hindi niya kayang hindi lumingon. Huminto siya dalawang hakbang ang layo niya sa pinto ng kanyang silid.

"Ben—" naudlot ang kasunod na salita nang makita niyang wala nang damit pang-itaas ang housemate niya. Napalunok si Honey. Wala sa loob na humagod sa magandang katawan nito ang tingin niya. Nasapo ng dalaga nang wala sa oras ang dibdib. Bakit ba nagkakaganito siya sa kaibigang bading? Nababaliw na talaga siya!

"What?" tanong ni Ben na pumukaw sa kanya. "Huwag mong titigan ang boobs ko," magaang pagbibiro nito sabay hablot sa hinubad na damit at tinakpan ang sarili. Natawa si Honey. Napawi ang bumangong tensiyon sa dibdib. Nagawa na niyang lumapit rito. Bigla naman nitong isinuot uli ang long sleeves shirt nang makitang bumalik siya. Sa anyo nito ay para bang nae-eskandalo sa titig niya. Mukha na yata talaga siyang pervert na pinagnanasaan ang bading. Nakakahalata na si Ben. Gustong batukan ni Honey ng paulit-ulit ang sarili. "May sasabihin ka ba?" Tanong nito nang magkaharap na sila.

Tumango si Honey pero hindi kaagad nagsalita.

"Sabihin mo na, Ney."

"'Wag ka nga mag-panic diyan!" Naisip niyang daanin nalang sa biro ang namumuo na namang tensiyon sa dibdib niya. Malakas na naman kasi ang kabog ng puso niya, kailangang may gawin si Honey para magawa niyang supilin o kung hindi man ay pagtakpan iyon. "Wala naman akong gagawin sa abs at dibdib mo eh!" sabi niya at sinadya niyang ngumisi. "Nagandahan lang naman eh. Maganda naman kasi talaga ang katawan mo."

"Baka bigla mo akong tsansingan 'pag tulog ako, ah? umayos ka, bruha!" si Benette na naman ito.

"Mas gusto kong tsansingan ka ng gising," pagsakay niya sa sinabi nito. "Hubarin mo kaya 'yang shirt mo? Pa-touch ng abs mo. One minute lang!" saka siya bumungisngis.

"Bruhang itoh!" bulalas ni Ben. "Sige, payag ako," malanding pag-sang ayon nito. "Basta papayag ka rin na touch ko 'yang legs mo, bet mo?" at hinagod nito ng tingin ang mga binti niya paitaas sa maikling laylayan ng dress niya. Biglang hinila ni Honey ang laylayan ng damit niya nang magtagal roon ang mga mata nito.

"Hoy, hoy! Maganda ang legs ko, hindi pang-lalaki ang shape n'yan, 'wag mong pagnasaan! 'Kakainis ka talagang bakla ka!" tinalikuran na niya ito. Siya talaga ang may problema dahil kahit sa titig lang ni Ben sa katawan niya ay apektado siya, nagre-react rin ang pintig ng puso niya. Kailangan na ba niya uli ng psychiatrist?

"Honey Lyn!" malakas na tawag ni Ben sa kanya. "Ano'ng sasabihin mo? 'Wag mo akong layasan, bruha!"

Huminto si Honey at nilingon ito. Huminga siya nang malalim at pasimpleng hinagod ang dibdib. Nang normal na uli ang pakiramdam niya ay saka siya nagsalita. "Gusto ko lang mag-thank you, Ben," seryoso nang sabi niya. "I had fun. At kanina...the dance..." nagdalawang isip siya kung kailangan ba niyang sabihin iyon.

"What about the dance?" susog nito. Nagbawi si Honey ng tingin. Humakbang ito palapit sa kanya nang hindi siya kaagad sumagot. "'Ney?" pukaw pa nito sa kanya.

"I loved it. I loved dancing with you," patay na ako! Inihanda na niya ang sarili niya sa malakas na pagtawa nitong inaasahan niyang marinig. Ngunit hindi ito tumawa, kaya bumalik ang tingin niya rito. Nakatingin lang si Ben sa kanya na parang hindi makapaniwala sa narinig. Mayamaya ay unti-unting ngumiti ito.

"So, you loved dancing with me," ulit nito at basta na lang siya hinila palapit. "Magsayaw tayo," itinaas nito ang braso habang hawak ang kamay niya. "Ikot," utos nito. Kaagad niyang naintindihan ang gusto nitong mangyari. Napangiting umikot siya. Pagkatapos niyang gawin iyon ay hinila siya ni Ben, napasandal siya rito. Itinulak uli siya. Umikot si Honey palayo rito. "Sumayaw tayo," sabi nito saka sinimulang kantahin ang 'Sway'

"When marimba rhythms start to play, dance with me, make me sway. Like a lazy ocean hugs the shore, hold me close, sway me more..."

Tutop ang bibig na suminghap siya nang magsimula itong gumiling sa saliw ng kinakanta nito. Hindi ito gumigiling bilang gay performer, gumigiling si Ben bilang isang sexy male. At dahil hindi na nakabutones ang long sleeves nito, kitang-kita niya sa liwanag ng ilaw ang magandang abs at dibdib habang patuloy ito sa paggiling.

Oh-my-gosh! Nausal ni Honey sa isip. Pakiramdam niya ay pagpapawisan siya sa mga susunod na segundo kung patuloy niya itong pagmamasdan.

Ang sexy nito!

"What?" pukaw ni Ben. Nagising siya sa pagkatulala. Nagpatuloy ito habang ngiting-ngiti. "Like a flower bending in the breeze, bend with me, sway with ease..." Itinuloy nito ang pagkanta at paggiling na para bang nasa bar ito at nagpe-perform—pero hindi bilang si Benette kundi bilang si Benito.

"M-Matutulog na ako," biglang sabi ni Honey at basta na lang tinalikuran ito. Kailangan na niyang iwan ang bading bago pa siya matuksong damhin ang katawan nito. Sigurado siyang titili ito ng malakas kapag ginawa niya iyon. "Salamat sa...sa mga ginawa mo ngayong gabi," at naglakad na siya palayo rito.

"Welcome, 'Ney," habol na sagot ni Ben. Pagkapasok siya sa silid, napasandal si Honey sa likod ng pintong isinara niya. Paulit-ulit niyang hinagod ang dibdib. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso niya.

"Ano'ng problema, 'Nak?" napaitlag pa siya sa boses ni Mamu Pauline. Sa pagkatuliro niya ay hindi niya napansin na gising pa ito.

"Malaki, Mamu."

Kumunot ang noo nito. Lumapit siya at naupo sa gilid ng kama niya. "Nababaliw na talaga yata ako."

Napamaang ito sa kanya. "May nangyari ba?"

"Sa date wala," sagot niya. "Tagumpay ang palabas."

"O, eh, bakit ganyan ang mukha mo?"

Hindi na niya ito sinagot. Umiling lang si Honey at nagtungo siya sa closet para maglabas ng bihisan. Matagal bago siya nakatulog nang gabing iyon. Nakikita niya sa isip nang paulit ulit ang sexy dance ni Ben habang hantad ang dibdib at abs. Ang laki talaga ng problema niya...


Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now