Vol. 1 Chapter 6

117 9 232
                                    

Matapos makatanggap nina Elinor ng banta, minabuti ni Elinor na bigyan ng paunang lunas ang sugat na natamo ni Adam mula sa palaso. Ipinakuha ni Elinor mula sa kanyang mga katulong ang mga kakailanganin niyang gamit tulad ng bulak, alkohol, at benda. Mabilis naman itong dinala ng kanyang tagapagsilbi at iniabot sa kanya.


"Ako na ang bahalang gumamot sa kanya." ang sabi ni Elinor sa kanyang tagapagsilbi na umalis na rin naman kaagad matapos niya itong sabihin.

Binuksan niya ang alkohol at pagkatapos ay pinatakan niya nito ang kanyang hawak na maliit na piraso ng bulak. Marahang idinampi ni Elinor ang bulak na basa ng alkohol sa ibabaw at sa palibot ng sugat ni Adam. Bahagyang napapakislot si Adam mula sa bawat dampi ng bulak sa kanyang sugat.

"Mahapdi ba?" ang tanong ni Elinor habang nakangiti nang mapang-asar kay Adam.

Iniwasan na lang ni Adam na sumagot sa tanong na iyon ni Elinor. Marahil hindi na rin siya makapagsalita dahil sa hapdi na kanyang iniinda mula sa bawat dampi ng bulak sa kanyang sariwang sugat. Matapos linisin ni Elinor ang sugat, kumuha naman siya ng malinis na benda. Dahan-dahan niya itong ipinulupot sa parte ng braso ni Adam na nasugatan.

"Bakit marunong ka sa mga bagay na tulad nito?" ang tanong ni Adam habang nakatingin sa ginagawang pagbubuhol ni Elinor.

Itinigil pansamantala ni Elinor ang pagtatali ng benda at saka tumingin kay Adam. Mabilis na namula ang magkabilang pisngi ni Adam matapos magtama ang kanilang mga titig. Minabuti ni Adam na lumingon sa kabilang gilid para iiwas ang kanyang tingin sa magandang mukha ni Elinor.

"Madalas akong magbasa ng mga libro sa silid-aklatan kung saan ako nagtatrabaho." paliwanag ni Elinor.

"Masyado kang maraming nalalaman," ang sabi ni Adam na hindi tumitingin kay Elinor. "Tulad nang kung gaano kadami na sa mga ito ang isinisikreto mo mula sa amin."

Nagpatuloy na sa pagtatali ng benda si Elinor at saka siya sumagot, "Ang buhay ay isang malaking laro at para manalo sa laro ng buhay, hindi mo maaaring ipakita ang mga hawak mong baraha."

"Gusto ko lang ba talagang magtago ng mga sikreto o ayaw ko lang magtiwala sa mga tao?" pagpapatuloy pa ni Elinor. "Kahit ako, hindi ko rin alam kung alin ang sagot sa tanong na iyon."

"Sa tingin ko parehas lang." ang sagot ni Adam na sinundan naman ng isang malakas na sigaw.

"Ang sakit!" ang sigaw ni Adam matapos higitin ng malakas ni Elinor ang huling buhol dahilan para sumikip ito ng sobra.

Lumigon na galit na galit si Adam habang si Elinor naman ay nakangiti lang na tila ba inosente sa nangyari. Namula na naman ang pisngi ni Adam nang magkatitigan silang muli ni Elinor.

~*~

Tahimik na naghihintay sina John at Jean sa mahaba at malambot na sofa sa malawak na sala ng mansyon, nang biglang isang pamilyar na boses ang sumigaw nang malakas. Nanggagaling ito sa kwarto sa bandang silangang bahagi ng mansyon. Ang boses na narinig nila ay walang duda na galing kay Hazel. Mabilis na tumakbo sina John sa kwartong kinaroroonan ni Hazel.

Pagkabukas nila ng pinto ng kwarto ay bumungad si Hazel na nakaupo sa sahig habang nakasandig ang kanyang likod sa pader. Gamit ang kanang kamay niya, nanginginig na itinuro ni Hazel ang palasong nasa sahig. Mayroong nakataling isang maliit na papel rito.

Walang anu-ano'y dumating na Adam sa kwarto ni Hazel. Bahagya pang hinihingal ang sugatang si Adam. Napansin kaagad ni John ang sugat sa braso ni Adam.

"Anong nangyari sa braso mo?" ang mabilis na tanong ni John. "Si Elinor! Ayos lang ba siya?"

"Huwag kang mag-alala, ayos lang siya. Nadaplisan lamang ng palasong tulad ng natanggap ni Hazel noong iniligtas ko si Elinor." sagot ni Adam habang nakaturo sa palasong nasa sahig.

OeconomicaWhere stories live. Discover now