Vol. 1 Chapter 5

151 9 107
                                    

Bumagsak sina Elinor sa tuktok ng isang lumang abandonadong gusali pagkatapos silang dalhin ng parachute sa bansang Pilipinas. Lahat sila ay napahimas sa kanilang mga ulo at katawan dahil sa hindi nila napaghandaang pagbagsak maliban kay Elinor, na nakababa nang maayos na nakatayo.

"Saan na tayo ngayon pupunta?" tanong ni Hazel.

"Nabanggit ni Plato na naglaan siya ng titirahan natin dito sa Pilipinas." ang saad ni Jean.

"Ngunit wala akong natatandaang sinabi niya kung saan tayo pupunta." ang paliwanag naman ni John.

"Anong plano mo Elinor?" ang tanong ni Adam.

"Kailangan muna nating alamin kung nasaan tayo." sagot ni Elinor.

Sang-ayon dito ang kanyang mga kasama. Wala silang ideya kung saang parte sila ng Pilipinas napadpad. Sama-sama silang bumaba sa hagdan na gawa sa bato. Sumalubong sa kanila ang maingay at abalang siyudad. Lahat ng tao ay nagmamadali sa paglalakad habang ang mga sasakyan ay bahagya na lamang umusad mula sa trapik. Unang kita pa lamang ni Elinor sa paligid ay mayroon na kaagad siyang ideya kung nasaan sila. Hindi siya maaaring magkamali, ang siyudad na bumungad sa kanila ay ang kabisera ng Pilipinas. Walang iba kundi ang lungsod ng Maynila.

"Alam ko na kung nasaan tayo at alam ko na rin kung saan tayo maaaring manatili." paliwanag ni Elinor. "Mayroon akong bahay na pagmamay-ari sa kalapit na probinsya."

"Paano tayo pupunta doon?" tanong ni Hazel.

"Kailangan nating maglakad papunta sa sakayan ng bus. Mula doon, sasakay tayo papunta sa Cavite." sagot ni Elinor. "Maging alisto kayo dahil delikadong maglakad dito lalo na at malapit nang lumubog ang araw. Talamak din ang krimen lalo na ngayong naghihirap ang bansa dahil sa inflation."

Tulad ng bilin ni Elinor, lahat sila ay alistong naglakad papunta sa pinakamalapit na sakayan ng bus, nang biglang mayroon silang narinig na bumagsak. Napatingin sila sa kanilang likuran at nakita nilang biglang nawala si Adam. Napansin kaagad ni John na mayroong butas sa daan. Naamoy nila ang mabahong amoy na nanggagaling dito nang subukan nilang silipin ang butas.

Isa pala itong imburnal at sa loob nito ay nahulog si Adam. Nahulog siya rito, mabuti na lamang dahil hindi ito ganun kalalim ngunit wala itong kasing baho. Muntik nang tumawa ng malakas sina John, Hazel at Jean ngunit nagawa nila itong pigilan. Samantalang isang malakas na tawa ang umalingaw-ngaw sa magkabilang tenga ni Adam. Ang tawang kanyang narinig ay nanggagaling mismo kay Elinor na halos maluha na sa kakatawa. Lahat sila ay nabigla sa naging reaksyon ng laging kalmadong si Elinor.

Inis na inis na sinubukan ni Adam na lumabas ng mag-isa ngunit hindi niya kaya. "Alisin niyo ako sa mabahong lugar na ito!" ang galit na sigaw ni Adam mula sa ilalim.

Lumapit si Elinor sa butas at iniabot ang kanyang kamay kay Adam ngunit pinigil ni John si Elinor, sa halip siya ang nagpresinta na tumulong kay Adam. Nagpresinta na ring tumulong si Jean. Magkatulong nilang hinigit paitaas ang magkabilang kamay ni Adam. Matapos maiahon sa mabahong kanal si Adam ay kaagad inamoy nina Jean ang mabaho nilang mga kamay. Nainis si Adam sa kanyang nakita kaya mabilis niyang yinakap sina Jean at si John para mapuno din sila ng mabahong amoy sa buong katawan.

"Alin kaya ang mas mabaho ngayon, ikaw o ang kwarto ni Hazel?" Ang pabirong tanong ni Elinor.

"Siyempre ang kwarto pa rin ni Henderson." Ang sagot ni Adam matapos abutin ang kamay ni Elinor.

"Hoy!" biglang singit ni Hazel.

Napangiti na lamang si Elinor sa patuloy na pagmamatigas ni Adam. "Inaasahan kong ngingiti ka sa biro kong iyon."

OeconomicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon