Vol. 2 Chapter 9

27 1 12
                                    

Ilang buwan ang nakalipas simula nang maghiwa-hiwalay sina Elinor ng landas.

Nagtungo sina Adam, Philip at Elinor sa Inglatera para makipagkita sa iba pang mga kandidato na kasalukuyang naroroon. Doon rin namamalagi ang isang dating kandidato noong Great Recession. Isa siya sa mga natitirang hindi nabura ang mga alaala sa mga kaganapan matapos ang Great Recession.

Samantalang si John, Jean at Hazel ay nagpaiwan sa Pilipinas upang ayusin ang sitwasyon doon bago sila susunod kayna Elinor.

Kasalukuyang naglalakad sa eskinita sa siyudad ng Maynila si John kasama si Hazel at Jean.

"Ano na ang plano mo ngayon? Hindi madadala sa simpleng pakikipag-usap lamang ang korapsyon. Ang mga ganid ay mananatiling ganid. Ang mga mapanlamang ay manlalamang pa rin ng kapwa nila. Hindi sila basta na lamang magbabago sa isang salita mo lamang," ang sabi ni Hazel kay John.

Huminto si John sa paglalakad. "Hindi mo rin ako makukumbinsi na gamitin ang kapangyarihan ng pananda ni Jean tulad ng pinaplano mo. Nakita ko na ang resulta noon, at hindi iyon maganda." Pagkatapos ay lumingon si John kay Jean."at ikaw Jean huwag mo rin gagamitin iyon kay Hazel."

"Oo nga! Huwag mong subukan. Hindi ko ma-imagine na gumagawa ako ng mga mabubuting bagay," sabi ni Hazel kay Jean

"Wala ka na talagang pag-asang magbago!" ang sabi naman ni John kay Hazel.

Walang tigil sa pagtatalo sina John at Hazel samantalang si Jean ay hindi man lamang makasingit sa bangayan ng dalawa.

"Mukhang nakahanap si John ng kapalit ni Adam," ang naibulong na lamang ni Jean sa kanyang sarili niya at saka napabuntong hininga. "Tapos na ba kayong magtalo? May pupuntahan pa tayong mahalagang pagpupulong kasama ang presidente ng bansa."

"Bilisan na natin, mabuti na lang ipinaalala mo, Jean. Ito kasing si Hazel."

"Oh bakit ako na naman sinisisi mo? Ikaw ang nag-umpisa! Nagmumungkahi lang maman ako na gamitin na natin ang pananda ni Jean."

Bago nagpunta si Philip sa Inglatera kasama nina Elinor at Adam, sinigurado niya na naipakilala niya muna sina John sa Presidente. Kaya naman nagkaroon sila ng pagkakataon na makipagpulong sa presidente at ihain sa kanya ang mga plataporma na sa tingin nila ay makakatulong sa ekonomiya ng bansa. Kasabay nito ay anh pagtulong nila sa mga negosyong makabangon muli mula sa pagkalugi.

Dumating sina John sa kanilang patutunguhan, ang pinakamahalagang palasyo ng Pilipinas, ang Malacañang.

Papasok na sana sila ngunit hinarang sila ng mga bantay sa tarangkahan. Ipinakita naman nila agad ang isang liham na may selyo ng opisina ng pangulo. Pinagbuksan sila kaagad ng mga guwardya ngunit bago pa man sila makapasok ay pinahinto sila para sa isang inspeksyon.

"Nakakapanibago na kayo ang kasama ko papunta rito. Noong unang beses na nandito ako sina Elinor ang kasama ko. Tapos inabutan na lamang namin kayo na naandito na," ang sabi ni John kay Hazel at Jean.

"Puwes, masanay ka na. Medyo matagal tayong magkakasama," ang biro ni Hazel.

Naisip na lamang ni John na maburi na lang ay hindi na niya muling makikita ang kalagayan ni Jean noong   naapektuhan siya ng sobrang paggamit niya ng kanyang kapangyarihan. Medyo napalagay na ang loob ni John.

May lumapit sa kanilang isang assistant. "Malapit na pong matapos ang Presidente na makipagpulong sa nauna niyang panauhin. Maupo po muna kayo rito habang naghihintay." Itinuro sa kanila ng assistant ang waiting area.

Bago pa man makaupo sina John ay bumukas din naman kaagad ang pinto. Lubhang nanlaki ang mata ni John matapos makiya kung sinu-sino ang mga panauhing lumabas ng silid.

OeconomicaWhere stories live. Discover now