Vol. 2 Chapter 13

31 1 10
                                    

"Hindi ako makapaniwala na isa ka nang kandidato ngayon," ang sabi ni Elinor kay Locke.

Lahat sila ay nagsasalu-salo sa pagkain ng umagahang iniluto ni Alfred. Sinangag na kanin at piniritong itlog at bacon.

"Hindi ko rin akalain. Isipin mo dati ekonomista rin ako tulad ni Leon," ang sabi ni Locke.

"Paanong nangyari iyon?" tanong ni Adam.

"Nag-umpisa ang lahat sa nangyaring Great Recession noon," ang sabi ni Locke pagkatapos ay tumingin siya sa mga mata ni Elinor. "Handa ka na bang marinig ang mga nangyari noon, Lin."

Sinadyang bigyan diin ni Locke ang dating palayaw na gamit ni Elinor. Ngumiti lamang si Elinor sa kanya. Sapat na ito para umpisahan ang pagsasalaysay sa nakaraan.

Year 2008
London, England

Nakatayo sa harapan ni Aristotle ang mga kandidato na nagpamalas ng angkin nilang talino at tapang, kasama ang kanilang mga ekonomista.

"Maraming salamat sa lahat ng ginawa ninyo para mapigilan ang Great Recession," ang sabi ni Aristotle. "Lahat kayo ay pinatunayan ang mga sarili ninyo bilang karapat-dapat sa ginawang sakripisyo ni Plato."

Binigyan ng tig-iisang kahilingan ang lahat ng mga kandidato at ang kanilang mga ekonomista. Sa kabila nito nakatakdang mabura ang mga alaala ng mga kandidatong hindi napili upang maging pinuno ng Oeconomica.

Isang kandidato ang napili ng lahat para maging kanilang pinuno na sinang-ayunan ni Aristotle. "Simula ngayon, ikaw Elinor Ostrom ang papalit sa amin ni Plato bilang pinuno ng Oeconomica.

"Natutuwa akong malaman na lubos ninyo akong pinagkakatiwalaan, ngunit hindi ko matatanggap ang posisyon na ito," ang sabi ni Elinor sa harapan ng lahat. Sa tabi niya ay nakatayo ang kanyang ekonomista na hindi na nabigla sa naging desisyon ni Elinor.

Si Leon Walras ang tanging nakakakilala nang lubos kay Elinor at ang pinakanagmamahal sa kanya. "Kapag sinabi ni Lin na ayaw niya, wala nang makakapagpabago sa kanyang isipan."

"Kung ganoon, mukhang hindi na talaga kita mapipilit, Elinor. Bibigyan na lamang kita ng isa pang dagdag na kahilingan," ang sabi ni Aristotle.

Isa-isa nilang sinabi ang kanilang mga kahilingan kay Aristotle. Lahat ng ekonomista ay piniling bumalik sa nakaraan para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay maliban sa dalawa.

"Ang dalawang ekonomistang iyon ay walang iba kundi si Leon o mas kilala bilang Philip Medalla at siyempre ako, si John Locke," ang pagbibida ni Locke.

"Kung ganoon mas pinili ninyo ang mabuhay sa kasalukuyan kaysa bumalik, pero bakit?" ang tanong ni Marie.

"Dahil parehas nandito sa kasalukuyan ang rason namin para mabuhay," ang sagot ni Philip habang malagkit kung makatitig kay Elinor.

"Pero hindi ibig sabihin niyon ay parehas na kami ni Philip ng pinakarason," paliwanag ni Locke para maiwasan na pag-isipan siya nang masama at itulad kay Philip base sa nakikita nilang pagkahumaling nito kay Elinor.

"Hinayaan kami ni Aristotle na patuloy na gamitin ang mga pananda. Kaya naman ang kaibigan nating si Philip ay paulit-ulit nakakalimot dahil sa patuloy niyang paggamit ng pananda kay Elinor. Samantalang ako ay nabulag sa patuloy na paggamit ng sa'kin."

"Ayon sa kuwento mo, si Plato ang nagsakripisyo ng buhay niya noong Great Recession pero paanong buhay pa rin siya ngayon?" ang tanong ni Adam.

"Dahil hindi siya ang totoong Plato. Isang huwad na nagbabalat-kayo," ang sagot ni Locke. "Nasaksihan ko ang lahat sa pamamagitan ng katawang ni minsan ay hindi tatanda. Lahat ng sakripisyo ng bawat isang taong may kinalaman sa Oeconomica."

OeconomicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon