CHAPTER 18

49 0 0
                                    

Kinabukasan

May kakaiba kay Ellie. Parang may mali hindi lang talaga alam ni Seth kung ano pero parang may mali...

Iniisip niya ba na......pero hindi. Hindi pwedeng ibang tao ito.
Siguro naiisip niya to dahil minsan nang sinabi ni Ellie na hindi siya si Ellie.
Isang pagkakamali ang isipin na hindi ito si Ellie kahit minsan pakiramdam niya ibang tao ang kasama niya. May mga oras na nagtataka siya dahil minsan parang ibang tao ang kasama niya. Pero mali ang pakiramdam na yon dahil nag-iisa lang si Ellie.

Nag- iisa lang ang babaeng ilang beses na niyang nahalikan.

At yon ay si Ellie.

Sa kasamaang palad , ang inaakala niyang si Ellie ay walang iba kundi si kalie.

Nang mga panahong nasa bahay si Seth ng mga Bonifacio, yun yong panahon na matagal na nakipagpalit si Ellie kay Kalie. At tama si Seth sa pakiramdam niya. Dahil si Kalie talaga ang babaeng ilang beses na niyang nahalikan.

Tama siya sa pakiramdam niya.
Tama ang puso niya.

..
..
..

Minsan mahirap tanggapin na may mga bagay na nangyayari na dapat mangyari. Gustuhin mo man o hindi, nangyayari pa din para may umangat na iba dahil oras na niya. Katulad ni Kalie, kahit kelan hindi niya pinangarap na lumagay sa puwesto ni Ellie, pero dinala siya ng kapalaran niya.

Kasalanan ba niya? Hindi.
Noon galit si Kalie sa mundo. Dahil pakiramdam niya ni hindi man lang nagtagal ang paghahanap sa kanya ng mga magulang nung dinukot siya at nawala. Para saan, para mapunta sa isang pamilyang kaya lang siya tinanggap ay dahil may silbi sya. Sa loob ng 16 na taon nabuhay siyang parang mag isa pero nabago yun ng makita niya si Ellie more than 4 months ago.

Wala siyang pangarap ...ang tanging nais lang ni Kalie noon ay magising lang sa bawat araw. Dahil kinabukasan , iiyak man siya pero lalaban pa rin at aasa.

Pinag- aral niya ang sarili habang kumakanta sa isang resto bar. Nakilala niya dito si mama timmy niya- ang taong gumabay sa kanya simula trese anyos siya.

Tinakasan niya ang kanyang tinuring na pamilya na sakit at pasa lang ang binigay sa kanya.

Hindi siya naging mapalad sa buhay pero hindi siya malungkot . Pinatapang siya ng buhay na meron siya.

At si Ellie...si Ellie lang ang meron siya. At dahil mahal niya ang kapatid , hindi niya nanaising hangarin ang buhay na meron ang kambal niya.
Hindi niya nanaising mapasakanya ang pagmamahal na para sa kambal niya...

Hindi pa siya nagmahal at hindi niya pa gugustuhing magmahal lalo na kung aagawin niya ito sa iba....dahil alam niya kung paano mawalan ...

Hindi niya ipipilit ang sarili sa mga taong ayaw sa kanya pero hinahangad din niya na minsan ....na minsan hindi na siya magmamakaawa sa iba para sa atensiyon...

Nawala siya. At naliligaw pa rin siya hanggang ngayon.....at tanging gusto lang ni Kalie- ang hiling niya lang ay makauwi na siya. Sa tahanan niya. Sa piling ng mga taong kaya siyang tanggapin sa kabila ng pinagdaanan niya.
..
..
..

Iba ang araw na ito para kay Kalie. Hindi dahil birthday ngayon ni Seth kundi dahil nagising na siya sa isang matagal na panaginip. Naalala na niya kung sino siya- si Kalie, ang kambal ni Ellie.

Naalala niya na lahat. Ang aksidente bago mawala ang memorya niya at ang mga alaala niya sa sandaling panahon kasama ng magulang at ni Seth.

Kaya naman pala hindi niya maalala ang tungkol kay Ellie yon ay dahil hindi talaga siya si Ellie.

Kalie: anong gagawin ko mamaya sa party ni Seth. Kaya ko ba na tuluyan ng magpanggap bilang si Ellie...pero pano si Lie. Paano ang kapatid ko?

Naiyak siyà ng maalala ang kapatid.

Kalie : Nasan ka na ba Ellie, please bumalik ka na. Ang sabi mo saglit lang akong pupuno sa pwesto mo pero bakit ang tagal na.. Alam mong di ko gusto ang maging ikaw....alam mo na hinding hindi ko nanaisin ang pwesto mo sa buhay nila...
Tama ka isa lang ang dapat na maging si Lie.
At ikaw yun at di ako.

At kailangan niyang magdesisyon. Hindi niya kayang magpanggap.
At kung anuman ang nararamdaman niya ngayon para kay Seth
...kayang kaya yung itago ni Kalie para kay Ellie.
Dahil mahal niya ang kapatid higit pa sa kahit na sinong tao sa buhay niya.

At magtatapat siya ....agad. Pero hindi ngayon dahil araw to ni Seth.
Sana mapigil niya ang sariling wag magtapat tungkol sa kung sino talga siya.

Sa Party ni Seth
( resto- bar nila Seth)

Nangako siya kay Seth na kakanta kaya pinaghandaan niya talaga.

Kalie : para sayo to Seth ....sana magustuhan mo..

Pili lang ang bisita ni Seth. Halos kamag- anak lang at piling kaibigan ang naroon. Siyempre nandun din si Sonya at Felix dahil nandun din ang anak nila. Magkaibigan ang mga pamilya nila at ito ang isa sa dahilan kung bakit naipagkasundo si Ellie kay Seth Anzy.

( kanta po ni karylle yung aawitin ni Kalie entitled sayo na lang ako...maganda po yung song.CTTO)

Diretso siyang tumingin sa mga mata ni Seth. Tahimik ang paligid dahil lahat ay hinihintay siyang kumanta.

Pumikit siya at pinakiramdaman ang sarili.

Lie(isip): Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pwede itago ang totoo na may alaala na ko.....na ako si Kalie at di si Ellie. Na ilang beses na akong nagpanggap bilang si Ellie para sa kapatid ko...Pag nalaman mo, Seth alam ko magagalit ka pero ihahanda ko na ang sarili ko na masaktan. Dahil sa ating tatlo nila Ellie alam kong ikaw ang higit na masasaktan. Sorry talaga...Sorry Seth.

NARINIG MO BA ANG PUSO KO
PAGTIBOK AY DI ORDINARYO
KUNG ALAM MO LANG ANG TUNAY NA PAKIRAMDAM
DI SANAY NAGSIMULA NA ANG ISTORYA

PERO DI , DI MO ALAM ANG NASA ISIP KO
AYAW KO NAMAN TULUYAN KANG ILITO
DAPAT NA BANG IPAALAM ITO
ANG TUNAY KONG PAGTINGIN SAYO

KUNG PWEDE LANG NAMAN
KUNG PWEDE LANG PAGBIGYAN
PAG IBIG KO SAYO DI PAPATALO

Napatigil siya sa pagkanta.
Nakita niyang napatayo si Seth at tila lalapit sa kanya dahil nakita nitong parang iiyak siya.

Ngumiti siya dito at muling bumuwelo para ipagpatuloy ang kanta.

KUNG OKAY LANG NAMAN
PWEDE BANG IKAW NA LANG ANG BUBUO SA BUHAY KONG ITO
KUNG PWEDE LANG SAYO NA LANG AKO

IPILIT KO MAN
PAIKUTIN ANG BUWAN
KUNG PUSO MOY DI KUMIBO
BAT KO PA SUSUNDAN
ISIPIN MO NA LANG MAY ISANG NAGMAMAHAL SAYO
AT ITOY AKO

KUNG PWEDE LANG NAMAN
KUNG PWEDE LANG PAGBIGYAN
PAG IBIG KO SAYO
DI PAPATALO
KUNG OKAY LANG NAMAN
PWEDE BANG IKAW NA LANG ANG BUBUO SA BUHAY KONG ITO
KUNG PWEDE LANG AKO NA LANG SAYO

Gusto niyang umiyak pero hindi pwede. Ayaw niyang makita ni Seth kung ano man ang nararamdaman niya ngayon. Kasi aminin man niya o hindi sa sandaling panahon, alam niya gusto na niya si Seth. Hindi bilang ang nagpapanggap na Ellie kundi si Kalie.

Kalie(mind) : kung pwede lang sana sayo na lang ako..pero hindi pwede

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Where stories live. Discover now