CHAPTER 17

48 0 0
                                    

Seth POV

Ilang araw ko na siyang di nakikita.
Namimiss ko na si Ellie, pero pagkatapos kung marinig mismo sa bibig niya na wala siyang nararamdaman sakin at pagkatapos kong magmakaawa sa kanya para lang mahalin ako....hindi ko talaga alam kung pano siya haharapin at kakausapin.
Dapat hindi ko siya pinilit......alam kong nahihirapan siya dahil wala siyang maalala.

Bukas birthday ko na. Sana makita ko siya sa birthday ko.
Pero impossibleng puntahan ako nun pagkatapos nang nangyari.....hay pasaway ka kasi..
Eh ano bang gagawin ko, nababaliw na ko kakaisip sa kanya..
Ang makita at makasama siya sa birthday ko ....kahit yun na lang ang regalong matanggap ko .....buong buo na ang birthday ko.
..
..
..


Pagkatapos ng nangyaring yon sa kanila ni Kalie, nagpaalam si Seth na babalik muna sa kanila.
Pinapauwi na rin kasi siya ng mama niya dahil nalalapit na rin ang kanyang 21st birthday.

Pero kahit nakauwi na, hindi niya nakalimutang isipin ang inaakala niyang si Ellie- si Kalie.

Kasalukuyan siyang nasa kwarto. Nakahiga habang nanonood ng pelikula.
Hilig niyang manood ng movies especially action at horror. Sa katunayan, may collection siya ng mga pelikulang paborito niyang panoorin..

Nanonood siya ng bigla siyang makatanggap ng tawag mula sa kanilang gwardiya. May babaeng naghahanap sa kanya- si Kalie.

Napabalikwas siya nang malamang nasa bahay nila si Ellie.( si Kalie po yun).
Nasa labas na siya ng kwarto. Pero bigla niyang naalala nakapambahay lang siya kaya bumalik siya at sinuot ang damit na mas magpapapogi sa kanya. White shirt , black shorts at black na rubber shoes..

Sinipat muna ang sarili sa salamin sabay kindat.

Seth: Kanina lang ako nag- wish, granted agad. Hay Ellie you are not just the best gift I will ever had but you are my answered prayer.....at di na kita pakakawalan..

Kalie POV

Nakakahiya ang itsura ko..
Bakit kasi inaway away ko pa yung taxi driver....yun tuloy hininto bigla yung taxi...talbog lahat ng dala ko...yung cake na dala ko hindi na mukhang cake....kalamay na.

Buwisit kasing driver na yon...nang dahil sa kanya nagtuloy tuloy yung malas ko ngayong araw..

At bakit hindi ako magagalit sa lokong driver na yun...nung sinabi kong ang bilis niyang magpatakbo, binagalan naman niya ng sobra. Yon parang nasa karo naman ako ng patay sa sobrang bagal...nung sinabi kong sobrang bagal nagalit naman..

Sa akin pa siya talaga nainis, sala sa init sala sa lamig daw ako...eh anong tawag sa kanya nakakalokong pilosopo...
Dahil nagkasagutan kami...sa gate lang ako ng subdivision ibinaba. Napilitan tuloy akong maglakad. Walang tricycle lahat nasa biyahe, no choice nilakad ko...

At hindi pa hinabol ako ng aso...nasira na ang sandals ko ..putikan pa ang maong pants ko..

Yung driver na yon at yung aso na yun.....bagay silang mag- amo. Pareho silang panira ng araw ko..

..
..
..
Nasa baba na si Seth ng hagdan ng mapansin niyang nakatayo lang si Kalie sa may sala.
May bagay itong tinatago sa likuran nito.

Pero ang nakakuha talaga ng pansin niya ay ang suot nito .

Nag- alala siya sa nakitang itsura nito.
Sira ang sandals nito. Marumi ang pants at may konting dumi ang damit na pantaas.At medyo gulo ang buhok nito.

Agad siyang lumapit dito.

Seth : Anong nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo?

Kalie : Para lang makita ka bago ang birthday mo....ito pa inabot ko.
Alam mo bang nakipag - away pa ko sa driver tapos yung driver parang ewan............. tapos ay naku sobrang nakakainis talaga ng asong yon....

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Where stories live. Discover now