CHAPTER 12

48 0 0
                                    

Ayaw ni Kalie lumabas ng kwarto dahil baka makita niya ulit si Seth. Tama ang sinabi sa kanya ni Ellie , expect the unexpected pagdating kay Seth.

Marami siyang kaibigang lalaki noon. Para kay Kalie, mahirap maintindihan ang ugali ng lalaki pero ang tipo ni Seth - ito ang tipo ng lalaking madali makakuha ng atensiyon ng babae. Gwapo, matalino at mayaman, sinong babae ang di papansin dito.

Pero hindi siya.........lalong hindi si Seth dahil konektado ito kay Ellie.

Dahil walang ginagawa naisipan niya munang matulog.

Hindi niya tuloy namalayan ang pagpasok ni Seth sa kwarto.

Inayos nito ang unan niya.

Seth : Hindi ko alam ang dahilan pero pakiramdam ko iniiwasan mo ko.

Malaya niya ngayong mapagmamasdan ang mukha ng babaeng ilang araw ng nagpapagulo ng isip niya.

Seth : Last time you asked me about my story...
..its about a young boy who fell in love with his tutor , kaya lang hindi kami nagkatuluyan.

Saglit siyang tumigil upang hawiin ang hibla ng buhok na tumatakip sa maamong mukha ni Kalie.

Seth: Ayoko nang manghinayang sa nakaraan.
Maybe it was really meant to happen para makilala ka.....HINDI KO ALAM ANG NARAMDAMAN KO NANG MAKITA SIYA.....
I'D STILL WANTED TO HUG AND KISS HER PERO ALAM KUNG HINDI NA PWEDE.....
DAHIL HINDI NA AKO YUNG DATING SETH.
NAGUGULUHAN AKO SA NARARAMDAMAN KO......PERO ISA LANG ANG SIGURADO KO NGAYON - GUSTO NA KITA, LIE. SANA MAHINTAY MO KO........
YUNG KAYA KO NANG IBIGAY SAYO ANG PUSO KO...NANG BUONG BUO
KAYA SANA MAHINTAY MO KO.

PANGAKO LIE SAYO KO IBIBIGAY ANG PUSO KO.....

He kissed her ..sa pisngi at sa noo.
Naisip niya, ang sarap palang mag confess sa babaeng gusto mo.

Para naman siyang naakit na halikan si Kalie sa labi ....unti- unti niyang inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga pero hindi niya ito nagawang hagkan dahil bigal itong nagsalita habang natutulog.

Kalie/Lie: Si Seth, mahal mo siya Ellie. Mahal mo siya.
Hindi iyon inasahan ni Seth.

Napangiti na lang ito sa narinig.

Seth- sabi ko na nga ba kahit sa panaginip iniisip mo pa rin ako..
Bakit ba ang sarap pakinggan ng sinabi mo..

Hinalikan niya ulit ito sa noo at matagal na tinitigan.

He was happy knowing that the girl in front of him had mutual feelings toward him. And hindi niya alam, nangako siya sa maling babae, she confessed with the wrong girl. Dahil ang Lie na nasa harap niya ay hindi si Ellie kundi si Kalie, ang kambal nito.

Gabi na ng magising siya.
Kakain siya ng mag- isa dahil wala naman ang parents niya at si Seth.

Kalie/ Lie: anong bang meron sa buhay mo Ellie na dapat kainggitan ko; isang bahay na walang tao at isang lalaking di mapapasayo ang puso..
Sa kabilang banda hindi mo rin gugustuhing maging ako....dahil sa mundo ko lahat ng tao puro g*go....

Konti lang ang kinain niya.
Wala siyang gana.

Kalie/ Lie: salamat po manang.

Umakyat na siya muli sa silid.

Tinatawagan niya si Ellie pero patay ang phone nito.

Kalie/ Lie: siguro tulog at nagpapahinga, mamaya ko na lng ulit siya tatawagan.

Isa isa niyang tinignan ang gamit ni Ellie. Inaliw niya ang sarili hanggang sa mamalayan niyang gabi na pala.

Sabi nga ni Ellie boring daw ang buhay niya kabaligtaran sa kanya na punong puno ng aksiyon. Yung lagi kang kasama sa trouble.
Masaya yun para Kay Kalie. At nasurvive niya ang ganung buhay.

Matutulog na sana siya ng bigla niyang marinig ang pagdating ni Seth. Lumabas siya at nakita niyang inaalalayan ito ni manang.

Kalie/ Lie : ako na po..kuhaan niyo na lang po ako ng gamit pang linis sa kanya.

Lasing ito pero hindi naman sobra.

Kalie/ Lie: hindi ka umiinom noh?
Hindi kasi matindi ang amoy ng alak sa katawan mo pero halos di ka na makagulapay.

Seth : Sorry, Lie. Hindi kasi talaga ako umiinom.

Hindi siya nito sinagot. Bigla na lang itong nanahimik.

Si manang ang tumulong sa kanya para palitan ang damit ni Seth.

Kalie/ Lie: lalaki nga naman...hindi naman kaya pero pipilitin para masabing macho sila.....hay naku!

Lalabas na sana siya ng kwarto ng bigla siyang tawagin ni Seth.

Seth: I saw Lara in the bar with other guy......ang sakit pa rin pala. Akala ko okay na ko....pero bakit masakit pa rin..

Umiiyak na ito na parang bata.
First niyang makakita ng lalaking umiiyak at sa harap pa niya.
Napalibutan kasi siya ng mga maton noon kung saan ang pagluha ay ipinagbabawal kaya bago sa kanya ang pakiramdam na makita si Seth na umiiyak.

Seth- sorry lie, ayokong makita mo ko sa ganitong sitwasyon pero hindi ko alam ang gagawin ko..

Hindi rin alam ni Kalie ang gagawin . Sa totoo lang hindi niya alam ang sasabihin para kumalma ito.

Kalie/ Lie(mind): para mapaiyak ka ng Lara na yon, sigurado akong mahal na mahal mo siya Seth..

Parang may kung ano sa puso niya ngayon.
Mabigat. Tipong pinipiga sa di niya malamang dahilan. Nahirapan siya makita sa ganung itsura ang binata.

Nilapitan at niyakap niya si Seth.
Kahit siya nagulat sa ginawa niya.

Tao lang siya. At kahit na sino na nasa posisyon niya ay gaggawin din ang ginawa niya ngayon.

Hinayaan niya lang umiyak si Seth.
At hinayaan niya lang din ang sariling yakapin ito hanggang sa makatulog si Seth.

Kalie/ Lie: Alam mo Seth mapalad ang babaeng iniyakan mo kasi mahal na mahal mo siya pero alam mo sa tingin ko mas mapalad ang lalaking mamahalin ko dahil hindi ko siya hahayaang umiyak katulad ng ginawa mo.

Goodnight Seth. Wish ko lang sana sa panaginip mo makita mo na ang babaeng nakalaan sayo...
Sweet dreams.

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Where stories live. Discover now