CHAPTER 15

45 0 0
                                    

Kalie pov

Alam kong hindi ako si Ellie pero kung hindi ako si Ellie at maaring ako si Kalie.....bakit hindi ko maalala si Kalie.

Sumasakit na ulo ko sa kakaisip.

Sa puso ko alam kong ako si Kalie pero ni isang alaala ni Kalie hindi ko matandaan.
Pero si Ellie na hindi ko rin kilala, may isang bagay akong naalala sa kanya .

Naaalala kong kasama ko si Seth nang gabing yon at sinabi siya sakin na manatili ako sa tabi niya at tinawag niya ako sa pangalang Ellie.
Ako ba talaga si Ellie?

Kung ako si Ellie, ano ang koneksiyon ko kay Seth?

Bakit sa lahat si Seth pa ang naalala ko? Espesyal ba siya sakin?

..
..
..
Hindi na masyadong sumasakit ang ulo niya sa pag- iisip pero hindi nagiging normal ang tibok ng puso niya pag nasa tabi niya si Seth. At hindi niya yon kayang i- explain. Hindi pa siguro ngayon.

Five days na siyang nakalabas ng hospital. Hindi na siya masyadong kinukulit ng mga magulang niya sa mga bagay na kailangan niyang maalala. Dahil ang totoo, wala siyang ibang maalala maliban sa ilang pangalang alam niya.

Wala siyang ginagawa kaya humanap siya ng pagkakaabalahan.

May nakita siyang sketchpad sa gamit ni Ellie at mga coloring pencils. Sumalampak lang siya sa sahig at nagsimula ng magdrawing.

Mahilig siyang magdrawing gaya ni Ellie pero mas gusto niya ang kumanta. Yung ang talent niya.

Kalie : ( mind) sino ka ba talaga Ellie? Ako ba talaga si Ellie?

Ilan beses siyang napabuntunhininga.

Naisip niya na lang kumanta habang gumuguhit siya.

Kalie : why do birds suddenly appear, everytime you are near just like me you long to be close to you...why do stars fallen from the sky everytime ....

Habang kumakanta siya ay di niya namalayang nakalapit na sa tabi niya si Seth.
Napahinto tuloy siya at napatingin kay Seth na nooy nakatingin sa ginuguhit niya.

Seth : Beautiful.

Kalie : yung gawa ko?

Napangiti si seth at napatitig sa mga mata ni Kalie.Hindi ito ang first time na matitigan niya ang mga mata ni Kalie pero first time na ginusto niyang titigan ang mapungay na mata ng dalaga na hindi man lang natinag sa mga titig niya. Minsan iniisip niya parang may iba kay Kalie, ang inaakala niyang si Ellie. Di niya lang ma explain.

Seth : yung boses mo

Ngumiti rin ito sa kanya at parang walang nangyari na bumalik sa ginagawa niya.

Katahimikan.

Kalie: Boyfriend ba kita ? Kung hindi, may gusto ka ba sakin?

Hindi niya inasahan ang pagiging diretsa nito.

Seth: im your fiance

Napahinto siya sa ginagawa.

Literal niyang nabali ang lapis na ginagamit niya. Nagulat siya dito.

Kalie(mind): kaya naman pala ganun na lang ito kung mag - alala sakin nitong mga nakaraang araw.......ano ba dapat ang reaksiyon ko sa sinabi niya
Masaya. Kinikilig. Shocks. Ano bang iniisip mo Lie?

Seth : okay ka lang..
Nakita niya kasing tila nagbago ang aura ng mukha ni Lie.

Kalie: okay lang ...ito kasing lapis walang tibay.....

Kukuha sana siya ng bagong lapis sa penholder pero yun din pla ang gagawim ni Seth kaya di sinasadyang magdikit ang mga kamay nila.

Para silang naestatwang dalawa. Walang gustong gumalaw.

Nagpapakiramdaman.
Bago ang lahat ng to kay Kalie. Ang totoo hindi niya alam ang dapat maramdaman ng mga oras na yon.

Pero si Seth, first time niyang na conscious sa presensiya ng isang babae. Para kasing libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawn niya ng magdikit ang kamay nila.

Si kalie ang unang sumira ng tensiyong yun.

Kinuha na niya yung lapis at humarap kay Seth. Nakatitig sa kanya si Seth.

Kalie( mind): hahalikan niya na ba ko...so dapat pipikit ako sa moment na to...
Tulad sa pelikula, so dapat pumikit ako at iready ang lips ko...

Ginawa niya nga ang naisip.
Ngumuso pa siya.

He really wanted to kiss her. Ang totoo natutukso siya.
Pero, hindi niya gagawin dahil gusto niya pag ginaws niya yun.....kay Ellie na nagustuhan niya. Yung kaasaran niya, yung nagagalit sa kanya kapag iniisahan niya. Hindi sa Ellie na nasa harap niya ngayon na walang maalala.

Seth : sorry....ikukuha na lang kita ng meryenda mo

Dali- dali siyang lumabas ng kwarto.

Naiwan namang nagtataka si Kalie.

Kalie : kung weird ang feeling ko ngayon mas weird siya. ...fiance ko daw pero halik lang di pa magawa...
Sino ka ba kasi Ellie, sana maala kita para alam ko kumilos sa lalaking papakasalan mo..

Medyo nagtagal si Seth sa baba kaya bumaba rin siya dala ang ginuhit na larawan.

Nasa pool area siya napunta. Nang humangin ay napadpad ang papel na hawak niy sa tubig. Walang tao sa paligid para tulungan siya kaya siya na mismo ang kumuha noon.

Eh kaso hindi naman siya marunong lumangoy...nakalimutan din niya.

Sinubukan niyang lumangoy pero di niya alam kung paano. Ilang beses siyang sumigaw.
Paakyat na si Seth ng kwarto ng marinig si Lie.

Nanlaki ang mata sa nakita. Hinubad niya agad ang damit at tumalon ng pool para sagipin si Lie.

Hindi niya mailarawan ang takot na nsramdaman niya ng maisip na kung nagtagal pa siya ng ilang minuto sa kusina, maaring nalunod na si Lie.

Seth: What do you think youre doing?

Takot na takot si lie hindi lang sa nangyari kundi sa galit na nakita niya sa mata ni seth.

kalie: sorry
Seth: do you know how to swim?
Kalie: hindi , nakalimutan kong di psla ko marunong....sorry nakslimutan kong nakalimot pala ako..

Umiiyak na si Kalie sa nangyayari at nakokonsensiya siya dahil pakiramdam niya lalo lang niya itong tinatakot dahil sa naging reaction niya kanina.

Seth : Dont do it again.Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka..

And he hugged her.
Ng buong ingat at pagmamahal.
And he cant afford to lose her.
Dahil mahal niya na ito

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Where stories live. Discover now