CHAPTER 13

46 0 0
                                    

Tatlong araw na ang lumipas nang maging si Ellie uli siya , pero hindi pa rin malimutan ni Kalie ang mga salitang sinabi sa kanya ni Seth noong umuwi itong lasing at umiiyak dahil kay Lara.

Akala ni Kalie nakatulog na si Seth. Aalis na sana siya pero bigla nitong hinawakan ang kamay niya.

Seth : Di ko alam ang mangyayari sakin after this but if you will stay , hindi ako maliligaw.... Stay with me , please. Please Ellie.

Tinawag siya nitong Ellie. Tama, si Ellie ang tinawag nito at di siya. Kung siya si Ellie okay lang na maapektuhan siya pero siya si Kalie kaya dapat na wala lang ito sa kanya.

Pero bakit nga ba sumasagi ito sa isip niya.
Naisip ni Kalie, siguro dahil first time niyang makakita ng lalaking umiyak ng sobra dahil sa babae.

First time niyang magkaroon ng ganung encounter sa isang lalaki.

At siguro normal lang yon para sa lahat ng kanyang first. Wala itong anumang ibig sabihin na kung ano pa man.

Dahil sa naisip nagawa nga niyang kumbinsihan ang sarili na wala lang yon.

Natigil lang siya sa pag - iisip nang magsalita si Ellie.

Nasa loob sila ng isang airconditioned bus . Namasyal kasi ang dalawa. Bagay na minsan lang nila magawa dahil ingat na ingat si Kalie sa kilos niya habang hinahanap pa siya ng isang taong pinagkakautangan ng nanay na nagpalaki sa kanya.

Ellie: Ready ka na ba?

Ngumiti lang si Kalie pero kinakabahan siya.

Ellie: First time mong mamasyal kasama sila kaya ienjoy mo lang. Sa apartment mo lang ako ha...sana next tym apat na tayong msmasyal?

Kalie :Hindi pa pwede ngayon, alam mo naman ang rason. ........... anong ginagawa mo?

Pinagpalit kasi ni Ellie ang bag niya sa bag nito.

Ngumiti muna ito bago nagsalita .

Ellie :Dapat lahat ng gamit magpalit tayo.Baka makahalata sila , kilala nila ang mga gamit ko.

Katahimikan.

Si Ellie ang bumasag sa katahimikang yon.

Ellie : Pano kaya kung ako ang nawala noon at ikaw ang naiwan? Sa tingin mo , pareho pa rin kaya ang sitwasyon natin?

Kalie: Hindi ko iisipin na magpalit tayo ng sitwasyon....kasi hindi madali yung nangyari sakin. Ayokong maranasan mo yun.

Niyakap siya ni Ellie. Mahal na mahal siya ng kapatid.

Three months pa lang ng aksidente silang magkita ni Ellie sa isang restaurant. Mula noon ay lagi ng nag uusap ang dalawa. Sa pag - uusap na yon marami silang nalaman sa bawat isa. Kahit anong pilit ni Ellie na umuwi na ito sa kanila, matigas pa rin ang desisyon nitong mabuhay ng mag- isa dahil sa maraming komplikasyon na meron siya sa buhay.

Hinahabol pa rin kasi siya ng pinagkakautangan ng mama niya. At kapalit ng utang niya ay ang pagpayag nitong pakasalan ang anak nito na patay na patay sa kanya.

At para hindi madamay ang bagong kilalang pamilya....mas pinili nya muna ang magtago sa lahat .

Kalie : Ang hirap palang maging ikaw Jade..
Hinding- hindi ko aasamin na mapunta sa lugar mo...yung masakit sa ulong assignments...yung pasosyal na classmates at yung napakatahimik na mansyon pati sila poy at seth....hindi naman sa ayoko ng buhay mo pero hindi ko siguro kayang maging si Ellie

Ellie: pero ako gusto kong maging ikaw

Nagulat ito sa kapatid . Hindi niya inasahan ang sinabi nito.

Kalie : Wag mo ng pangarapin na maging ako.......magulo.

Napangiti ito sa kanya.

Ellie: Atleast may buhay ka. Hindi katulad ko, Isa lang akong masunurin, simple, minsan palaban pero madalas sumasabay lang ako sa agos ng buhay.....

Kalie : Sira ka ..hindi madali maging si Kalie.
Mahirap. Malungkot. Magulo kaya kelangan kong magsurvive sa buhay...kundi lalamunin ako ng buong buo ng problema.

( biglang nag- isip at ngumiti ) kung may isang magandang bagay na meron ako yun yung hindi ko kailangan mabuhay sa expectations ng iba....
Maging malaya...... kasi wala akong naging pamilya kundi sarili ko lang.

Nakita ni Kalie na tila maiiyak na ang kambal niya sa mga sinabi niya kanina kaya binago niya ang usapan.

Kalie : alam mo isa pa na ayoko kay Ellie, may Poy siya at may Seth...ayoko nun. Masakit sa ulo yun . Sakit lang sa ulo ang mga lalaki.

Natawa ito sa sinabi niya.

Ellie: True....sakit ng ulo at puso lang binigay nila sakin....pero masaya din naman. Masarap pa ring magmahal.

Kalie( nakangiti) sige sabi mo..ikaw yan eh

Nag- uusap pa rin sila ng maramdaman nilang tila pagiwang giwang na ang takbo ng bus.

Ellie: anong nangyayari?

Takot ang nangibabaw sa mga taong naroon sa loob ng bus..

Nag - iiyakan na ang iba sa kanila sa takot na posibleng maaksidente sila sa pagkawala ng preno ng sasakyan.

Nakita ni Kalie ang isang batang nasa katapat nilang upuan. Umiiyak ito ng todo habang ang ina nito ay inaalo naman ang iba pang anak. Sa paglipat niya ng upuan, nangyari na ang kanilang kinatatakutan .

Bumangga ang sinasakyang nilang bus sa isang ten- wheeler truck.

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Where stories live. Discover now