CHAPTER 14

39 0 0
                                    

After two weeks...

Kalie pov

Sinimulan kong imulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko antagal- tagal ko ng natutulog.
Hindi ko alam kung bakit ako nagising . Siguro dahil sa ingay na naririnig ko kanina pa. Mga boses ng mga taong nag- uusap tungkol sa isang babaeng ang pangalan ay Ellie. Sino ba si Ellie?

Wala na akong pakialam kung sino si Ellie, ang gusto ko lang ngayon ay magising at bumangon. Ang sakit ng likod ko.....bakit ba ang sama ng pakiramdam ko.

Nang magmulat ako ng mata, nakita kong nagkakagulo ang mga tao sa kwarto. Malay ko ba kung bakit sila nagkakagulo....at sino ang mga taong ito..

Nakatingin sila lahat sakin na para bang noon lang nila ako nakita...

Tinatawag nila akong Ellie......sino ba si Ellie , ako ba yon? Ako ba si Ellie , bakit hindi ako sigurado. Sino ba ako?

Arrrrgggghhhhh...

Parang binibiyak ang ulo ko, hanggang sa sa unti - unting lumabo ang aking paningin . Hanggang magdilim na uli at nakatulog na ulit ako.
..
..
..
Napalitan ng panghihinayang ang kaligayang naramdaman ng mga magulang ni Kalie nang magmulat ng mata ang anak ngunit bigla ring nawalan ng malay. Matindi ang trauma na nakuha ni Kalie sa aksidente. Sa katunayan, matindi ang sugat at pinsala ni Kalie sa kanyang ulo.

Seth : Okay po ba siya doc?
Nag-aalalang si Seth dahil two weeks na ay hindi pa nagigising ang inakala nilang si Ellie.
Paano nga naman nilang iisipin na hindi ito si Ellie. Sa mukhang katulad ng kay Ellie dahil sa kambal sila, sa damit at sa gamit na nakuha.....lahat ng yon ay pag - aari ni Ellie. Nagpalit kasi sila ng bag bago ang aksidente kaya lahat ng pagkakakilanlan ni Kalie ay kay Ellie.

Dalawang linggo na ang lumipas matapos ang aksidente nila Ellie at Kalie. Halos lahat ng sakay ng naaksidenteng bus ay dead on arrival at iilan lang ang nakaligtas. Sa dami nila , sa magkakaibang ospital sila dinala . At dahil dito ay nagkahiwalay sila Ellie at Kalie.

At dahil gamit ni Ellie ang dala ni Kalie , siya ang napuntahan ng mag - asawang Sonya at Felix.

At si Ellie, hindi nila alam ang nangyari sa tunay na Ellie.

Sa hospital(sa kwarto ni Kalie).
Kinabukasan...

Nagising si Kalie habang natutulog pa ang mama niya.

Iginala niya ang paningin. Hindi na masakit ang ulo niya.

Ilang minuto pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
Si Seth...

Gulat ito nang makitang gising na siya.
Nakatitig ito sa kanya. Hindi alam kung tatawagin siya, lalapitan siya o gigisingin ang mama niya.
Basta nakatitig lang ito sa kanya.

Seth pov

Hindi ko alam kung kaya ko pang pumasok sa kwartong yon ni Lie ....ang makita siya sa higaan na yon, tulog at walang kasiguruhan kung kelan muling magmumulat ng mata ....parang dinudurog ang puso ko.

Pero ngayon nasa harap kita. Gising at nakatingin sakin.....bakit tila nawalan ako ng dila at di ako makaalis sa kinatatayuan ko...

Ellie, kung alam mo lang kung gaano ko hinintay ang sandaling ito....na makita ka at makita mo ako...

Salamat.

Si Kalie , clueless siya sa mga nangyayari . Wala nga siyang matatandaan dahil sa nagkaroon siyang temporary partial amnesia bunga ng traumatic injury sa ulo.

Kalie- kilala kita ...ikaw si Seth di ba?

Doon lang siya parang natauhan.

Nilapitan niya na si Kalie at nagising na rin si Sonya.

Niyakap siya ng ina at tinawag siya sa pangalan ni Ellie.

Sonya : Ellie anak, gising ka na! ...alam mo bang pinag - alala mo ang mama mo.

Hindi siya tumugon ng yakap dito.

Kalie: Sino po kayo ? Hindi po ako si Ellie, Kalie po ang pangalan ko.

Nagulat ito sa sinabi niya . Maging si Seth ay nagulat sa sinabi niya. Tinawag nito ang doctor

Sonya: ako ang mama mo, hindi mo ba naaalala?

Umiling lang siya sa tanong nito.
Hindi rin niya alam kung bakit hindi niya matandaan na ito ang kanyang ina. Ang totoo hindi niya nga maalala kung sino siya.

Hinawakan niya ang sumasakit na namang ulo.

Kalie- Hindi ko po kayo kilala. Bakit hindi ko po kayo maalala? Tsaka bakit ako nandito?

Nagpapanic na si Lie.
Pinipigilan siya ni Seth.

Kalie: bat wala akong maalala? Ikaw.....kilala kita pero hindi ko alam bat kilala kita...

Yakap na siya ni Seth.

Seth : Lie, okay lang wag mong pilitin ang sarili mo kung di mo kaya....psssshhhhh
It's okay.....maaala mo rin lahat..

Umiiyak na si Kalie. Hindi na siya mapigil ng kahit na sino pero nanatili lañ siyang yakap ni Seth hanggang kumalma. Sa pagod kakaiyak nakatulog na uli si Kalie.

Doctor: Isa ito sa sinasabi kong posibleng mangyari sa kanya but were not sure kong amnesia ba talaga to.kailangan mo muna natin siyang obserbahan.....masama kasi ang tama niya sa ulo . Tama yung ginawa niyo kanina. Pakalmahin nyo lang siya at hayaan niyo lang siyang kusang makaala.

Sonya : salamat doc..

Umalis na ang doctor at naiwan si Seth at Sonya sa kwarto.

Umiiyak na naman ang mama ni Kalie.

Sonya : bakit ganun ligtas nga siya pero wala naman siyang maalala..
Pero nakilala ka niya....at may sinasabi siyang pzngalan...Kalie, sino si Kalie ? Bakit sinabi niyang siya si Kalie?

Pinagmasdan niya ang natutulog na si Kalie.

Seth : Hindi ko po alam tita, wala po akong idea?

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Where stories live. Discover now