CHAPTER 16

45 0 0
                                    

Pagkatapos ng insidente kanina sa pool, hindi na lumabas ng kwarto si Kalie.
Si Seth naman ay nasa sariling kwarto din , nag - iisip sa mga bagay na nararamdaman niya.

Gusto niyang pumikit at matulog pero lagi namang sumasagi sa isip niya ang mukha ni Kalie.

Seth : Ano ba Seth , bakit ba siya na lang ang lagi mong iniisip?
Mag- aral ka na nga lang may exam ka pa bukas.

Kinuha niya ang mga libro at nagsimulang magbasa. Pero ang totoo, wala naman pumapasok sa utak niya. Gusto niyang puntahan si Ellie sa kwarto pero nag- aalangan siya.

Pagkatapos ng aksidente at yung nangyari kanina, naisip niyang maraming pwedeng mangyari na di natin inaasahan kaya kailangan niyang sulitin ang bawat araw na kasama ang babaeng gusto niya.

Tama, gusto niya si Ellie. Baka nga higit pa dun pero hindi niya lang maamin.

Pagkatapos ng gabing iyon...nung mangako siya kay Ellie na ito ang pagbibigyan niya ng puso, sa tingin niya handa na siyang kalimutan si Lara at totohanin na ang kasunduan. Na hindi niya lang gugustuhin si Ellie dahil sa kasunduan...gusto na niya ito dahil ito na ang nararamdaman niya. Pero yung babaeng yon na pinangakuan niya ng puso, hindi si Ellie kundi si Kalie.

Inayos niya ang sarili at nagtungo sa kwarto ni Kalie.

Kakatulog lang ni Kalie ng pumasok siya.
At ang totoo hindi pa siya tulog pero ng marinig niya ang pagtawag nito nagkunwari siyang natutulog.

Nilapitan siya nito.
Ramdam niyang umupo ito sa kama.

Bigal itong nagsalitA.

Seth : Alam mo ba kung gaano ko kagustong maalala mo ko. Namimiss ko na yung Ellie na pumapatol sa kakulitan ko, namimiss ko na yung babaeng kahit anong mangyari hindi papayag na matalo ko....namimiss na kita Ellie..
Miss na miss na kita.
Kung alam mo lang kung gaano kasakit na tinitingnan mo ko sa paraan na para bang ngayon lang tayo nagkita...
You made me crazy Ellie Jade...
YOU'RE DRIVING ME CRAZY ELLIE...
Kaya bumalik ka na..

Habang nakikinig hindi niya napigilan ang maluha. Bakit ba siya nasasaktan? Pakiramdam niya anlaki ng kasalanan niya sa binata at kailangan na niyang makaalala para malaman kung sino ba talaga siya.

Iumpog kaya niya ang ulo niya para makaalala lang o sadyain niyang mabagok para mauntog siya, makalog ang ulo at yon babalik na ang lahat...

Pero impossible ang ganun..
Bakit ba siya nasasaktan? Pakiramadam niya sa mga oras na iyon...may kulang sa puso niya na di niya maintindihan. Sa panaginip niya, may babae siyang kasama , tinawag siya nitong Ellie pero hindi niya maramdaman na kanya nag pangalan na yon..yung boses na yon na pamilyar sa kanya pero di niya maalala..

Ang alam niya lang kilala niya si Seth at kilala siya ni Seth pero hindi niya kilala ang sarili niya...sino ba siya? Ang hirap mabuhay sa kalagayan niya....pakiramdam niya nakatapak siya sa tsinelas ng iba at hindi niya makapa sa puso niya ang pilit na ipinaiintindi ng utak niya....na bahagi siya ng pamilyang ito...na siya ang babaeng papakasalan ni Seth.

Hindi niya namalayang mahina na pala siyang humihikbi. Agad itong napansin ni Seth.

Seth: I thought you're sleeping.

Pinahid nito ang luhang umagos sa pisngi niya pero nanatili lang nakapikit ang mata niya.

Naramdaman ni Lie ang pagdampi ng labi ni Seth sa pisngi niya. Napamulat siya nang mata , umupo at bahagyang lumayo kay Seth.

Seth : Nasasaktan ako pag nakikita kong parang hindi man lang ako maramdaman ng puso mo...alaala lang nawala sayo pero yung puso mo na sayo pa Ellie. Kahit minsan lang ba hindi ako tumatak sa puso mo o baka naman kasi hanggang ngayon si Poy pa rin ang mahal mo..that bastard...after what he has done to you.

Nakatitig lang siya kay Seth. Yung totoo, gusto niya itong yakapin. Paano ba niya nagawang saktan ang lalaking to? Kung siya nga si Ellie, hinding hindi niya paiiyakin ang lalaking mamahalin niya.. pero paano kung di siya si Ellie.

Kalie : Pano kung hindi ako si Ellie katulad ng nararamdaman ko ngayon, at hinalkan mo ko, niyakap mo , at worst minahal mo....paano si Ellie , pano ako?

Seth : Bakit ba paulit - ulit mong sinasabi samin na hindi ikaw si Ellie, if you're doing that just for us to allow you na umalis sa kasunduan natin..then I definitely not allow that to happen.

Kalie: Hindi mo naiintindihan?

Seth: Naiintindihan ko...youre making some excuses para makawala sa ming lahat....If I had hurt you. And if its about Lara then im telling you wala na siya sa buhay ko..

Kalie : Hindi mo ko naiintindihan?

Seth : Then ipaintindi mo! Kasi kung hindi mo sasabihin....lalo ko lang maiisip na si Poy pa rin ang nasa puso mo....

Buwisit ! Tumutulo na naman ang luha niya sa naririnig kay Seth..

Kung magiging honest siya masasaktan niya si Seth. Pero hindi ba ito ang hinihingi niya...ang ipaintindi niya sa binata kung ano ang nasa puso niya.

Kalie- kasi hindi ko maramdaman sa puso ko na ako ang babaeng minamahal mo... sorry Seth pero kahit anong pilit ko....kahit na anong piga ko....kahit nakikita ko at nararamdamn kong parang minahal ka rin ni Ellie hindi ko maramdaman na ko yun....sabihin mo baliw na ba ko kung iniisip ko na hindi ako ang dapat na ako...

Kita niya sa mukha ni Seth ang sakit dahil sa sinabi niya.
Pero yun ang totoo...
At kung epekto yun ng pagkalimot niya, ngayon pa lang ihiihngi niya na ito ng tawad kay Seth pero hindi siya pwedeng magsinungaling kung ano ang nararamdaman niya..

Tumayo na si Seth at akmang lalabas na ng pigilan niya ito.

Sa gulat niya, hinila sya nito at isinandal sa likod ng pinto.

Hawak ng isang kamay nito ang bewang niya habang ang isang kamay nito ay nasa likod niya.

Seth : Then start loving me Ellie because whether you like it or not you're mine.

Bigla nitong inilapit ang mukha sa mukha niya. Ramdam niya ang init ng hininga nito at akala niya talaga ay hahalikan siya nito kaya napapikit siya sa takot.....
.pero hindi iyon ang nangyari..

He stopped.

Bahagya itong yumuko . Pero kahit ganun alam niyang umiiyak ito dahil bakas sa boses nito.

Seth : Im begging you , Lie. Love me.

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Where stories live. Discover now