Simula

2.8K 56 0
                                    

Simula

Mag-aral, mag tayo ng business, mag ipon, tumira mag isa sa gilid ng dagat at mamatay kung kelan ko gusto.

Iyon lang talaga ang gusto kong gawin. Pero hindi pa 'ko tapos mag aral ay 'di ko akalaing may taning na agad ang buhay ko.

Nihindi pa nga ako nakakasakay ng eroplano o nakakapag diving manlang!

I don't exactly know how brain tumor will affect me pero alam kong malala 'yon lalo na' t stage 3 na 'to. Pero wala na 'kong magagawa. My time will come, sooner or later pwede na 'kong bumagsak kung saan ako nakatayo at hindi na gumising kahit kailan. Kaya mabuti na kung enjoyin ko ang lahat.

Mula nang malaman kong hindi na ako tatagal sa mundong ibabaw, I created a bucket list, at uumpisahan ko ang pag tutupad no'n ngayon.

-Kiss a random guy.

Wala pa akong first kiss at hindi ko alam kung anong pakiramdam ng mahalikan. Although hinahalikan naman ako ni mama, iba pa rin sa lalake, right?

Tumayo ako sa bench ng isang mall at nag lakad lakad. My goal is to kiss a guy who'll catch my attention the first time I laid my eyes on him.

Unplanned But Wanted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon